ITINUTURING ni Vice President Sara Duterte na “political attack” sa kanyang pamilya ang iba’t ibang kasong kriminal na isinampa laban sa kapatid na si Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Z. Duterte kabilang ang human trafficking, attempted murder, grave threats, at physical injuries. Sinampahan kasi ng reklamo ng isang negosyante si Pulong kaugnay ng pananakit sa kanya sa loob ng isang high-end bar sa Brgy. Obrero, Davao City noong madaling araw ng Pebrero 23, 2025. Sinabi ni VP Sara na nais lamang ng administrasyong Marcos na sirain ang imahe…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Joint Anti-Fake News Action Committee inilunsad CHINA MAY 10K TROLLS SA SOCIAL MEDIA
ITO ang ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson, Cmdr. Jay Tarriela sa ginanap na forum nitong Biyernes kaugnay sa paglulunsad ng Joint Anti-Fake News Action Committee ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang General Headquarters sa Camp Crame, Quezon City. Dinaluhan ito ng vital officials mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang Philippine Coast Guard (PCG), Department of the Interior and Local Government (DILG) at maging ng Presidential Communications Office (PCO) upang makiisa sa layunin na pagbuo ng naturang komite. “Despite our efforts at transparency, the Chinese Embassy never…
Read MoreFINAL TESTING, SEALING SA ACMs SINIMULAN NA – COMELEC
SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes ang final testing and sealing (FTS) ng automated counting machines (ACMs) sa polling precincts bago ang May 12 elections. Sa Pateros, pinangunahan ni Comelec chairman George Garcia ang FTS sa polling precinct sa Pateros Elementary School. Kabilang ang Pateros Elementary School sa polling precincts na unang nagsagawa ng FTS na itinakda mula Mayo 2 hanggang Mayo 7. Sa isinagawang FTS, ang electoral board members (ERBs) ay nagsagawa ng end-to-end test ng ACMs kabilang ang initialization ng mga makina. Sampung botante ang…
Read MoreREMULLA TIKOM-BIBIG SA ANSON QUE CASE
TUMANGGI muna si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magkomento o kumpirmahin kung naihain na ba o hindi ang amendment o mosyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito. Hindi tumugon si Remulla sa isang ambushed interview sa DoJ na ang tanging sagot ay “I think so.” Kasunod ito ng pahayag ng PNP na hihilingin nila sa Department of Justice (DOJ) na alisin si Alvin Que sa listahan ng mga respondent sa kaso ng pagkidnap…
Read More“Totoong Serbisyo Publiko, Hindi Lang Pamamalakad – Ate Sarah”
NANINIWALA si mayoralty candidate Sarah ‘Ate Sarah’ Discaya na ang mga Pasigueño ay nararapat tumanggap ng konkretong serbisyo publiko – hindi lamang maayos na pamamalakad – upang makatawid sa mga hamon ng buhay. “Para rin ako sa good governance. Gusto ko rin ‘yan. Pero dapat may kalakip na konkretong resulta. Anim na taon ang ibinigay sa kasalukuyang administrasyon pero walang naitayong mga paaralan, ospital, at pabahay na siyang tunay na kailangan ng mga Pasigueño,” ani Discaya. “Usapang sikmura. Usapang kinabukasan. Kalusugan. Tirahang disente. Ito ang tunay na pangangailangan ng tao.…
Read More‘MAISUG’ NAKILAHOK SA LABOR DAY MARCH
NAGSAGAWA rin pagmamartsa ang grupo ng Hakbang ng Maisug bilang pakikiisa sa Araw ng Paggawa kahapon, Mayo Uno. Nagsimulang magmartsa ang grupo mula sa Morayta patungong Liwasang Bonifacio sa Maynila kung saan nagdaos ng maikling programa. Bahagi rin ng programa ang kanilang suporta sa mga tumatakbong senador na ineendorso ni dating pangulong Rodrigo Duterte kabilang si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez. Bago dinala sa The Hague, The Netherlands ang dating pangulo kung saan siya nakakulong dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC), hayagan ang kanyang…
Read MoreSOLON KAY BBM: OBRERO ‘WAG UTUIN SA LIBRENG LRT RIDE
TUWING Labor Day na lang, imbes na disente at nakabubuhay na sahod ang regalo ng gobyerno ay puro mumo lang at pagpapaasa ang ibinibigay sa mga manggagawa na siyang tunay na bumubuhay sa ekonomiya ng ating bansa. Pahayag ito ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas na malungkot na ginunita ang Labor Day dahil mistulang walang plano si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent bill ang ₱200 across-the-board wage increase na ipinasa ng Kamara. “Hindi sapat ang barya-baryang umento sa sahod o libreng sakay sa MRT at…
Read MoreVP SARA NAG-AAKUSA NANG WALANG RESIBO – SOLON
PARA pagtakpan at ilihis ang katiwalian sa paggamit ng kanyang confidential and intelligence funds (CIF) na mahigit anim na raang milyong piso, nagbibintang ng korupsyon si Vice President Sara Duterte nang walang maipakitang resibo o pruweba. Ginawa ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ang pahayag bilang reaksyon sa statement ni Duterte na malaki na umano ang pinsala ng mali at katiwalian ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez sa pambansang pondo. “Sa halip na magbato ng malalaking paratang, mas makabubuti kung harapin natin ang mga lehitimong…
Read MoreKRISIS SA EDUKASYON ITINUTURING NA NATIONAL EMERGENCY NG SOLON
“THIS is not just a crisis—it’s a national emergency,” ganito inilarawan ni House Deputy Minority Leader France Castro ang kalagayan ng edukasyon sa bansa na lumabas sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) na halos 19 milyon graduate ng junior high school ang bumagsak sa literacy dahil hindi nila naiintindihan ang kanilang binabasa. Nagsimula umano ang problema noong 2019 hanggang 2024 kaya hindi na umano ito maituturing na isang educational crisis kundi isa nang national emergency na dapat tugunan agad ng gobyerno. “When one out of five senior high school…
Read More