ISINIWALAT ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Representative Paolo ‘Polong’ Duterte na nagpadala ng malaking puwersa ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang lungsod na naging dahilan para bantayan ng kanilang mga tagasuporta ang kanilang bahay. “As of today, we have monitored the arrival of 30 CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) ang 90 SAF (Special Action Force) personnel from Luzon,” ayon kay Duterte na ngayon ay nasa Netherlands kung saan nakakulong ang kanyang ama. Walang ibinigay na impormasyon ang mambabatas kung ano ang misyon…
Read MoreCategory: NASYUNAL
P20 BIGAS PANGSALBA SA MGA ‘MANOK’ NI BBM
“MALINAW na panlilinlang ito para manalo ang mga manok ni (Pangulong Ferdinand “Bongbong”) Marcos Jr. sa eleksyon at isalba ang papabagsak niyang approval rating dahil nga puro krisis lang naman ang nararanasan ng taumbayan sa kanyang rehimen”. Reaksyon ito ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas at secretary general ng Amihan sa bigas na ibebenta ng gobyernong Marcos simula ngayong May 1, sa Cebu sa halagang P20 kada kilo. Hindi lingid sa lahat na patuloy ang pagbaba ng approval at trust rating ni Marcos dahil marami ang naghihirap at nagugutom…
Read MoreP5-M PABUYA SA CHINESE WOMAN NA DAWIT SA QUE-PABILLO SLAY
NAGLAAN ng limang milyon piso ang Philippine National Police (PNP) para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Gong Wenli, alyas Kelly Tan Lim, Bao Wenli, Axin, at Huang Yanling. Sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, malaki ang partisipasyon ni Wenli sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo. Sinabi ni Fajardo, na si Wenli ay sangkot sa walong kidnapping simula noong 2023 hanggang 2025 kasama si David Tan Liao. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na sa loob ng…
Read MoreP330-M CASH ADVANCES NG CDO MAYOR KINUWESTYON
NASA “hot water” ngayon si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos kwestyunin sa paraan niya ng paggamit sa pondo ng lokal na pamahalaan na aabot sa P330 million cash advances. Sa isang press conference sa Cagayan de Oro City, ibinunyag ni Teddy Sabuga-a, 9 na taong nagsilbi bilang City Administrator ng Cagayan de Oro na ang “massive cash advances” ni Uy ay ginawa sa pagitan ng 2022 hanggang unang buwan ng 2025. “If you review the matrix of cash advances by date, you’ll notice a pattern– significant amounts were…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA MRT, LRT WALANG MALISYA – PALASYO
HINDI dapat lagyan ng malisya ang apat na araw na Libreng Sakay sa MRT 3, LRT 1 at LRT2 na handog ng gobyerno sa mga manggagawang Pilipino. Ang Libreng Sakay na handog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko ay mula nitong Miyekoles, Abril 30 hanggang May 3. Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na kaya aniya aabot ng apat na araw ang Libreng Sakay sa MRT 3, LRT 1 at LRT 2 ay dahil karamihan ay walang pasok. “So,…
Read MorePANGASINENSE MASIDHI SUPORTA KAY ATTY. RODRIGUEZ, DuterTEN SLATE
KASING init ng panahon ang pagsalubong ng mga Pangasinense kay senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez na nag-ikot sa pitong bayan ng lalawigan kasama ang tinaguriang DuterTEN slate. Katunayan, makikita sa mga kalsada ang linya ng mga nag-abang sa pagdaan ng motorcade noong Linggo, Abril 27. Sa pagdaan ng truck na sinasakyan ni Rodriguez, numero 56 sa balota at pambato ng grupong Hakbang ng Maisug, maririnig ang hiyawan ng mga tao at pagtaas ng kamao na tatak ng mga Duterte. Nagsimula ang pagtitipon ng grupo, alas-7 ng umaga sa ULOPAN Center…
Read MoreMUKHA NG BAGONG PILIPINAS: DUMARAMI NAGHIHIRAP, NAGUGUTOM
“ITO ang tunay na mukha ng Bagong Pilipinas—isang Pilipinas kung saan dumarami ang nagugutom habang nagpapakasasa ang iilan.” Reaksyon ito ni House Deputy Minority Leader France Castro sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na umaabot na sa 15.5 milyong pamilyang Pilipino ang mahirap o naghihirap. Lalong nababahala ang mambabatas dahil imbes nababawasan ay lalong nadadagdagan ang bilang nga pamilyang Pilipino na mahirap dahil mula sa 50 porsyento na nagsabing mahirap sila noong Enero 2025 ay naging 51 porsyento noong Pebrero, 52 porsyento noong Marso at 55 porsyento…
Read MoreMONTALBEÑO GANADO SA H2H NI REP. NOGRALES
DINUMOG ng mga residente ng dalawang barangay sa Montalban, Rizal ang ginawang “back to back house to house visit ni Congressman Fidel Nograles noong Abril 26 at 28, 2025. Dakong alas-3 ng hapon nagsimula ang H2H ni Cong. Nograles sa Southville 8B Elementary School Brgy. San Isidro noong Sabado, Abril 26 na sinundan bandang alas-5 ng hapon sa P. Rodriguez St., Brgy. San Rafael. Sinamahan ang mambabatas sa Brgy. San Isidro ng libong residente mula sa mga sektor ng kabataan, senior citizen, estudyante at ilang motorista. Hindi magkamayaw sa tuwa…
Read MoreCHINA NATAMEME SA TROLL FARM ISSUE
BIGLANG natahimik ang China matapos mabuking ang umano’y multimillion contract sa isang marketing firm sa Makati para magtatag ng troll farm at kumuha ng “keyboard warriors” noong 2023. Ayon kay Commodor Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS), hindi ito gaya ng dati na mabilis maglabas ng kanilang narratives ang embahada ng China sa tuwing may lumalabas na isyu laban sa kanila. Una nang nanawagan si National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya sa Chinese Embassy na magbigay ng buong paliwanag sa…
Read More