PUBLIKO PINAG-IINGAT SA HOMEGROWN TRAITORS

NAGBABALA si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson laban sa mga tinawag niyang “homegrown traitors,” o mga Pilipinong handang ibenta ang Pilipinas kapalit ng pansariling pakinabang. Sinabi ni Lacson na ang ganitong mga traydor, kasama ng technical intelligence, ang pinakakaraniwang pinanggagalingan ng impormasyon sa geopolitics. “In geopolitics, the most common sources of information are technical intelligence and homegrown traitors who are willing to sell their country in exchange for what’s in it for them. In intelligence operations, it is called ‘recruitment in place,’” saad ni Lacson. Mariin ding tinutulan…

Read More

COMMISSIONER ‘MINANYAK’ FEMALE EMPLOYEE

MGA mhie, may kumakalat na tea tungkol sa isang mataas na opisyal ng isang government office na allegedly nag-cross ng line. Ayon sa ating SAKSI glowie, may isang girl employee na kabilang sa mga nag-take ng Bar Exams noong 2025. Siyempre, nang lumabas ang resulta, todo kaba at excitement si ate girl habang chine-check ang listahan ng passers. Kaso, sa malas, hindi siya nakapasa. Kaya ayun, wasak ang mood at luhaan siyang umalis. Pero imbes na dumiretso sa bahay, nag-decide daw si ate na pumasok muna sa opisina, baka sakaling…

Read More

KAWALAN NG DUE PROCESS KAY BONG REVILLA PINUNA

PINUNA ng beteranong abogado na si Lorna Patajo-Kapunan ang paraan ng paghawak ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) sa kasong malversation ng pondo laban kay dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at tinawag itong “labis na pagmamadali” at malinaw na paglabag sa karapatan sa due process. Ayon kay Kapunan, kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao at host ng programang Laban Para Sa Karapatan, “Ipinapakita ng paraan ng Ombudsman at DOJ ang nakababahalang trend ng pagbaluktot sa batas upang umayon sa pansamantalang pulitikal na interes, kapalit ng mga…

Read More

PDEA AT OSG NI-RENEW PARTNERSHIP LABAN SA ILEGAL NA DROGA

MULING pinagtibay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Office of the Solicitor General (OSG) ang kanilang tambalan upang higit pang palakasin ang anti-narcotics campaign ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa buong bansa. Pormal na pinagtibay ang panibagong kolaborasyon sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Pebrero 4, 2026 sa OSG Office, Padilla Hall, Makati City. Lumagda sa kasunduan sina Solicitor General Darlene Marie B. Berberabe para sa OSG at PDEA Director General Isagani R. Nerez. Tampok sa MOA ang pangako ng magkabilang panig na…

Read More

PBBM DEDMA SA DALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VP SARA

WALANG ibinigay na reaksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa ulat na naisumite na sa Office of the House Speaker ang dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. “I have no reaction,” tugon ng Pangulo. Ayon pa kay Marcos Jr., “Hindi ko trabaho ‘yan, trabaho ng House. Pabayaan mo sila magtrabaho. I’m sure they will handle it properly. Let them do their jobs.” Nauna rito, kinumpirma ni House Secretary General Cheloy Garafil na nai-transmit na sa tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang dalawang impeachment complaints noong…

Read More

PH PATULOY IGIGIIT SOBERANYA SA WPS

IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang paggiit sa soberanya nito sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng panawagan ni Senador Rodante Marcoleta na isuko ang Kalayaan Island Group (KIG) sa Palawan. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nananatili ang polisiya ng administrasyon na huwag isuko ang kahit anong bahagi ng teritoryo ng bansa sa mga dayuhang kapangyarihan. “Ipagpapatuloy ng Pangulo ang kanyang polisiya na ipaglaban ang West Philippine Sea. Even an inch of our territory ay hindi isu-surrender sa foreign powers,” pahayag ni Castro…

Read More

LEGARDA HIHIRANGIN FIRST FEMALE SENATE PREXY

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hihirangin nila bilang first female Senate President si Senador Loren Legarda. Kasabay nito, nilinaw ni Sotto ang isyu ng term sharing sa pagitan nilang dalawa ni Legarda. Sinabi ni Sotto na hindi naman totally term sharing ang mangyayari dahil ang plano nilang gawin ay iluklok si Legarda sa huling dalawa hanggang tatlong buwan ng huling bahagi ng termino nito sa 2028. Kasabay nito, inamin ni Sotto na may mga concerns na inilatag ang ilan nilang mga miyembro na nais ding mapagtuunan…

Read More

106 CONGRESSMEN KAILANGAN PARA MA-IMPEACH SI MARCOS

BAGAMA’T idineklara ng House Committee on Justice na hindi sufficient in substance ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., maaari pa umano itong mabaliktad sa pamamagitan ng boto ng isang-katlo o 106 na kongresista. Dahil dito, umapela ang isa sa mga complainant sa ikalawang impeachment complaint na si dating Cong. Neri Colmenares sa mga mambabatas na isantabi ang kanilang political alliances at payagan ang impeachment trial laban sa Pangulo. “We ask members of Congress to abandon this kind of interpretation, and allow ordinary citizens the opportunity…

Read More

LEVISTE NAGHIHINTAY NG TAMANG PANAHON PARA ILABAS EBIDENSIYA SA KICKBACKS SA DPWH PROJECTS

“LALABAS ang ebidensiya ng kickbacks sa tamang panahon.” Ito ang pahayag ni Batangas Rep. Leandro Leviste kahapon, tatlong araw bago magsimula ang kanyang anim na buwang bakasyon sa Pebrero 8, kung saan bibisita siya sa halos 26 bansa, kabilang ang Netherlands at Portugal. Ayon kay Leviste, hindi niya umano nais mag-abroad ngunit humingi siya ng pahintulot sa Kongreso matapos umanong pakiusapan ang kanyang ina ng ilang kinatawan ng administrasyon na pansamantalang umalis ng bansa sa halip na agad ilabas ang hawak niyang ebidensiya kaugnay ng umano’y maanomalyang DPWH projects. “Hindi…

Read More