4-DAY WORK WEEK, WFH ALTERNATIBO PARA TIPID-PETROLYO

MAAARING pag-aralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahing 4-day work week at work-from-home (WFH) scheme para makatipid sa paggamit ng petrolyo sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, bukas ang Pangulo na suriin ang suhestiyon kung lalala pa ang Israel-Iran conflict. “Sa ngayon po ay maaaring pag-aralan ng Pangulo ang ganyang suhestiyon lalo na kung magiging malala pa ang nangyayaring Israel-Iran issue,” ani Castro, sabay linaw na hindi pa ito napag-uusapan sa gabinete. Nauna nang iminungkahi…

Read More

PCO, MGA PUBLISHER NAGKAISA SA ‘OPLAN KONTRA FAKE NEWS’

LUMAGDA ang Presidential Communications Office at mga print media publisher sa isang memorandum of understanding para sa “Oplan Kontra Fake News.” Pinangunahan ni PCO Secretary Dave Gomez ang MOU signing sa Kalayaan Hall sa Malacañang. Ayon kay Gomez, ang misinformation at disinformation ay parang “venom that poisons the hearts and minds of the people.” Kabilang sa mga lumagda ang mga kinatawan ng INQUIRER, Manila Bulletin, Philippine Star, BusinessWorld, Daily Tribune, BusinessMirror, Manila Standard, Malaya Business Insight, at Manila Times. Sinabi ni INQUIRER representative Paolo Prieto na ang inisyatiba ay “timely…

Read More

EPEKTO SA NEGOSYO NG GIYERA SA IRAN PINANGANGAMBAHAN

NABABAHALA ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa posibleng malaking epekto ng hidwaan sa Gitnang Silangan sa negosyo at ekonomiya ng bansa. Ayon sa PCCI, direktang maaapektuhan ang Pilipinas dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo, lalo’t malaking bahagi ng inaangkat na langis ng bansa ay mula sa Middle East. Babala ng grupo, maaaring magdulot ito ng pag-akyat ng inflation na babawas sa purchasing power ng mga mamimili. Nanawagan naman ang Federation of Philippine Industries (FPI) sa pamahalaan na tiyakin ang sapat na suplay ng pangunahing bilihin sa…

Read More

REPATRIATION NG HIGIT 1K PINOY SA MIDDLE EAST MAPANGANIB

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na delikado sa ngayon ang pagpapauwi sa 1,416 Pilipinong humiling ng repatriation mula sa Gitnang Silangan. Sa press conference sa Kalayaan Hall, sinabi ng Pangulo na isinara na ang mga rutang dati sanang daraanan palabas ng mga apektadong lugar, at marami sa mga paliparan ang tinatamaan ng pag-atake. Sa datos ng pamahalaan, 297 ang nais magpa-repatriate mula Israel, 586 mula Dubai, 270 mula Abu Dhabi, 231 mula Bahrain, 22 mula Jordan at 10 mula Iran. Ayon sa Pangulo, hindi muna maaaring magpalipad ng eroplano…

Read More

SUNTAY SINITA SA ‘KALASWAAN’ SA PAGDINIG SA KAMARA

NAGDESISYON ang House Committee on Justice na ipabura sa opisyal na record ng impeachment proceedings ang naging pahayag ni Quezon City Rep. Jesus Suntay matapos itong magkuwento ng umano’y “imagination” nang makita ang aktres na si Anne Curtis sa isang hotel. Sa pagtalakay ng komite sa ikatlong impeachment complaint laban kay Sara Duterte, iginiit ni Suntay na walang political destabilization o sedition sa pahayag ng Bise Presidente na siya ay isang “designated survivor.” “You know, ‘yung statement being the ‘designated survivor,’ it’s not illegal, it’s not criminal. In fact, it’s…

Read More

Kahit may sapat na suplay PBBM: ENERHIYA TIPIRIN SA GITNA NG TENSYON SA MIDDLE EAST

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng opisyal ng pamahalaan at hinikayat ang publiko na maghanap ng paraan upang makatipid sa paggamit ng enerhiya sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East. Sa press conference sa Kalayaan Hall, tiniyak ng Pangulo na sapat ang suplay ng langis sa bansa ngunit kailangang maghanda sa posibleng pagtaas ng presyo. Ayon sa kanya, may stockpile ang Pilipinas na aabot sa 50 hanggang 60 araw para sa gasolina, fuel oil at kerosene. Naglabas na rin aniya ng direktiba sa lahat ng tanggapan…

Read More

SHORT-TERM SAFEGUARDS SA EPEKTO NG GULO SA MIDDLE EAST PINALALATAG

UMAPELA si Senador Risa Hontiveros sa Department of Energy (DOE) na maglatag ng agarang short-term safeguards upang maibsan ang posibleng epekto ng tumitinding tensyon sa Middle East sa suplay ng langis at gas ng bansa. Ayon kay Hontiveros, may malaking posibilidad na maapektuhan ang global oil market na maaaring magdulot ng pagnipis ng suplay at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Binigyang-diin ng senadora ang pangangailangang palakasin ang energy security habang binubuo ang isang komprehensibo at pangmatagalang strategic plan. Nanawagan din siya ng malinaw at mabilis na mekanismo para sa…

Read More

Malakanyang sa mga negosyante GULO SA MIDDLE EAST ‘WAG SAMANTALAHIN

HINDI pa napapanahon ang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan. Ito ang diin ni Claire Castro, Undersecretary ng Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer. Ayon kay Castro, hindi ito ang tamang panahon para samantalahin ng mga negosyante ang gulo sa Middle East upang itaas ang presyo ng kanilang produkto. Inihayag din niyang inutusan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI), upang tiyaking walang pang-aabuso. Sa kabilang dako,…

Read More

Sa gitna ng bakbakan sa Middle East 45 PH FLIGHTS KANSELADO, NA-DIVERT— CAAP

UMABOT na sa 45 international flights ang nakansela at na-divert mula at patungo sa Pilipinas at Middle East kasunod ng tumitinding tensyon sa rehiyon. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 42 flights ang nakansela habang tatlo ang na-divert batay sa monitoring alas-9:00 ng umaga nitong Lunes, Marso 2. Halos doble ito sa naunang 23 flights na napaulat na naantala nitong Linggo, Marso 1. Karamihan sa mga kanselasyon ay naganap kahapon kung saan 30 flights ang hindi natuloy. Kabilang sa mga airline na nagkansela ng biyahe ang Cebu…

Read More