DR. CHIE UMANDAP DUMALO SA SENATE HEARING SA BAGONG BALIKBAYAN ACT

DUMALO bilang resource person si Dr. Chie Umandap sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers kaugnay ng panukalang Bagong Balikbayan Act na inihain ni Senador Raffy Tulfo. Kinatawan ni Umandap ang sektor ng mga overseas Filipino workers (OFWs) upang ilahad ang kanilang mga pananaw at mungkahi hinggil sa reintegration program para sa mga Pilipinong manggagawang nagbabalik sa bansa. Sa kanyang manifestation, binigyang-diin ni Umandap ang kahalagahan ng pagkakaroon ng komprehensibong reintegration program para sa OFWs, at hindi lamang umasa sa pagbibigay ng cash assistance. Ayon sa kanya, mas makatutulong…

Read More

MADRIAGA TESTIMONY SA IMPEACHMENT HEARING ‘DI APEKTADO NG PERJURY CASE

HINDI maaapektuhan ang pagtestigo ni Ramil Madriaga sa impeachment proceeding laban kay Vice President Sara Duterte kahit may kinahaharap itong perjury case. Ito ang pahayag ni House Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro kasabay ng paglilinaw na hiwalay ang kasong isinampa laban kay Madriaga sa kasalukuyang impeachment proceeding. “Ibang forum ‘yon, where the case of perjury was filed by the Vice President against Ramil Madriaga. This one is separate and distinct from the case that was filed by the Vice President,” paliwanag ni Luistro. “Regardless of the filing of the…

Read More

NOTICE SA IMPEACHMENT CASE NAISILBI NA KAY VP DUTERTE

PORMAL nang naisilbi ng House Committee on Justice ang notice na nag-uutos kay Vice President Sara Duterte na magsumite ng tugon sa dalawang impeachment complaint laban sa kanya. Ipinadala ang notice sa tanggapan ng Office of the Vice President sa Cybergate Plaza sa Mandaluyong City. Batay sa rekord ng Kamara, natanggap ng OVP ang notice alas-10:44 ng umaga noong Marso 5, 2026. Ang dokumento ay pirmado ni House Justice Committee chairperson Gerville Luistro. Sa notice, inaatasan si Duterte na magsumite ng Verified Answer sa loob ng 10 araw mula sa…

Read More

YAMAN NI VP SARA LUMOBO NG 378% SA LOOB NG 16 TAON — RIDON

UMABOT sa halos P70 milyon o 378 porsiyento ang paglaki ng yaman ni Vice President Sara Duterte mula 2008 hanggang 2024, ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon. Ayon kay Ridon, chairman ng House Public Accounts Committee, batay ito sa mga rekord ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente. Sa datos aniya, nasa P18.493 milyon ang net worth ni Duterte noong 2008, na bahagyang bumaba sa P18 milyon noong 2009. Ngunit sa pinakahuling SALN noong 2023 at 2024, batay sa kopyang hawak ng Office of…

Read More

GOBYERNO PINAGLALATAG NG MGA HAKBANGIN PARA SA PROTEKSYON NG OFWs SA MIDDLE EAST

PINAGLALATAG ni Senador Bam Aquino ang pamahalaan ng mekanismo para matiyak ang kaligtasan, proteksyon at kahandaan sa repatriation ng mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan. Sa Senate Resolution 321, binigyang-diin ni Aquino ang bigat at panganib na madamay ang mga Pilipino sa mga conflict-affected areas sa Gitnang Silangan matapos ang pagkasawi ng Pinay caregiver na si Mary Ann de Vera sa Tel Aviv, Israel. Binigyang-diin ni Aquino na ang kawalan ng katatagan ay banta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa lumalawak na saklaw ng…

Read More

GATCHALIAN ATUBILI SA PAG-ALIS NG VAT SA PRODUKTONG PETROLYO

ATUBILI si Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian sa panukalang alisin ang Value Added Tax sa mga produktong petrolyo. Ipinaliwanag ni Gatchalian na mas mahirap imonitor ang VAT dahil mayroon pang tinatawag na input at output VAT na kailangan pang kwentahin. Taliwas anya ito sa excise tax dahil kung ano lamang ang binili mong gasolina ay yun lamang ang babawasan. Muling iginiit ni Gatchalian na ang mga ganitong hakbangin ay huling opsyon na dapat ng gobyerno at mas dapat unahin ang pamamahagi ng Pantawid Pasada Program. Nangangamba kasi ang senador…

Read More

China pumiyok sa ‘Wolf Warrior Diplomacy’ PAGBUWAG SA UMANO’Y ESPIONAGE NETWORK KINUMPIRMA NG AFP

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakadiskubre at pagbuwag sa umano’y mga “espionage network” ng China na sangkot sa paniniktik sa Pilipinas. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, mulat ang militar sa mga ulat kaugnay ng operasyon ng naturang network na umano’y nag-ooperate sa bansa. Sinasabing natuklasan at nahadlangan ng mga awtoridad ang ilang aktibidad na kinasasangkutan ng mga Pilipinong nakikipagtulungan na ngayon sa mga imbestigador, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa mga dayuhang operasyon na may masamang layunin laban sa bansa. Ipinaliwanag ni…

Read More

PILIPINAS ‘DI MADADAMAY SA IRAN WAR — DND

WALANG batayan ang pangambang masasangkot ang Pilipinas sa giyera sa pagitan ng US-Israel at Iran. Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sabay sabing ang mga alyansa ng bansa ay para lamang sa depensa at deterrence. Ayon sa Department of National Defense DND), mali at walang intelihensiyang basehan ang kumakalat na social media posts na maaaring targetin ng Iran ang EDCA sites sa bansa. Nagbabala rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa disinformation na layong maghasik ng takot. Iginiit ng AFP na ang Enhanced Defense…

Read More

Minorya: Imbes ipagbawal, patatabain pa ANTI-DYNASTY BILL SA KAMARA ‘PAGKUTYA SA KONSTITUSYON’

KUMALAS ang ilang mambabatas sa isinusulong na anti-political dynasty bill matapos tawaging “mahina” ang bersyong inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms. Binawi ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang kanyang House Bill No. 2037 kasunod ng pag-apruba ng substitute bill na inakda nina House Speaker Faustino Dy at Majority Leader Ferdinand Sandro Marcos. Sa ilalim ng substitute bill, hanggang second degree of consanguinity lamang ang saklaw ng pagbabawal na malayo sa orihinal na panukalang hanggang fourth degree. Para kay Erice, hindi ito tunay na anti-dynasty law. “It is…

Read More