PINAG-AARALAN ng National Unity Party (NUP) ang posibilidad na kumalas sa Majority Bloc sa Kamara at lumipat sa Minority Bloc. Ito ang kinumpirma ni NUP Chairman at Deputy Speaker Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, na nagsabing pag-uusapan ng kanilang 41 miyembro ang plano sa panahon ng Lenten recess. “Itong recess, magmi-meeting meeting, pag-uusapan namin,” ani Puno sa press conference. Ayon sa kongresista, mula pa sa simula ay suportado ng kanilang partido ang liderato ni House Speaker Faustino Dy, ngunit nais nilang suriin ngayong break kung mananatili pa ba sila sa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
IMPLEMENTASYON NG BAGONG PROCUREMENT ACT, PINABUBUSISI SA SENADO
NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na siyasatin ng Senado ang pagpapatupad ng bagong Government Procurement Act upang itaguyod ang integridad sa paggamit ng pondo ng bayan. Sa ilalim ng Proposed Senate Resolution 336, binibigyang-diin ang pangangailangang masuri ang katayuan ng implementasyon ng bagong batas sa procurement upang matiyak ang maayos na transition patungo sa mga bagong pamamaraan nito. “Mahalagang tandaan na ang isang transparent, epektibo, at mahusay na sistema ng procurement ng gobyerno ay titiyak na ang pondo ng bayan ay ginagastos nang maayos upang masulit ang bawat piso sa…
Read MoreMANIBELA HIHIRIT NG P2 FARE HIKE
PLANONG humirit ng hanggang P2 provisional fare increase ang transport group na Manibela para sa public utility vehicles (PUVs) dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Ayon kay Mar Valbuena, chairperson ng grupo, napipilitan silang gawin ang hakbang matapos umabot sa P400 hanggang P500 ang nababawas sa arawang kita ng mga tsuper. Ipinaliwanag ni Valbuena na dulot ito ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ng P25 hanggang P30 kada litro sa mga nakalipas na linggo, na iniuugnay sa patuloy na tensyon sa Middle East. Dagdag pa niya, inaasahan…
Read MoreDOTr TINIYAK KALIGTASAN NG MRT-3 FOUR-CAR TRAINS; ALEGASYON SA ISANG VLOG AT NG ILANG KAWANI ITINANGGI
PINABULAANAN ng Department of Transportation (DOTr) at ng pamunuan ng MRT‑3 ang mga alegasyong lumabas sa vlog ni Eli San Fernando at sa pahayag ng ilang miyembro ng MRT‑3 Employees Association hinggil sa umano’y kakulangan sa kaligtasan ng mga four-car train na ginagamit sa rail line. Iginiit ng DOTr na nananatiling ligtas para sa publiko ang operasyon ng MRT-3, kabilang ang paggamit ng four-car train sets, at sinabi na hindi totoo ang pahayag na hindi ligtas sakyan ang naturang mga tren. Ayon sa ahensya, lahat ng train sets ng MRT-3…
Read MoreAMLC HUWAG PAKIALAMAN – LACSON
NAGBABALA si Senador Panfilo Lacson laban sa anomang tangka ng pribadong interes na pakialaman o impluwensiyahan ang pamunuan at operasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), at iginiit na dapat manatiling independent at hindi pinakikialaman ang pangunahing financial intelligence body ng bansa. Ayon kay Lacson, napakahalaga ng papel ng AMLC sa pagprotekta sa integridad ng financial system ng bansa kaya hindi ito dapat mapasailalim sa anomang pressure mula sa pulitika o pribadong interes. Binigyang-diin din niya na ang sinomang magtatangkang manipulahin o pakialaman ang konseho ay maaaring managot sa ilalim ng…
Read MorePNP TINIYAK PARUSA SA BARUBAL NA PULIS
NAGBABALA si Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis na mahaharap sa parusa ang sinomang hindi maayos magserbisyo o walang galang sa publiko. Inilabas ng PNP chief ang babala kasunod ng pag-viral sa social media ng isang kawani ng Migrant Workers Office na umano’y nagpakita ng kawalan ng respeto sa isang overseas Filipino worker. Pinayuhan ni Nartatez ang police frontliners na panatilihin ang propesyonalismo at respeto sa pakikitungo sa publiko. Aniya, may kaukulang parusa ang sinomang pulis na mapatutunayang bastos o hindi maayos ang…
Read MoreBAGONG OIL SUPPLIERS HANAP NG PH SA GITNA NG MIDDLE EAST TENSION
NAGHAHANAP na ang Pilipinas ng ibang bansa na mapagkukunan ng langis sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Sa panayam ng media sa New York City, sinabi ng Pangulo na kasalukuyang nakikipag-usap ang gobyerno sa mga bansang hindi karaniwang pinagbibilhan ng Pilipinas ng langis. “In terms of supply, we are in good shape. Not only do we have inventory in the Philippines, we also are awaiting some supplies that are already in transit,” ani Marcos. “We are talking to many other countries…
Read MoreFRASCO TAGILID NA SA DOT
SA gitna ng mga batikos, sinabi ng Malacañang na patuloy pang ini-enjoy ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Gayunman, nagpahiwatig si Claire Castro, Palace Press Officer at undersecretary ng Presidential Communications Office, na posibleng may anunsyo sa Malacañang ngayong araw. “Malamang bukas ay mayroon tayong announcement,” ani Castro sa press briefing. Nang tanungin kung may pagbabago sa liderato ng Department of Tourism, sagot niya: “Puwedeng oo, pwedeng hindi. Magbibigay kami ng announcement tomorrow.” Hindi rin niya kinumpirma kung si Commercial…
Read More20.5 KILO NG SHABU NADISKUBRE SA KETCHUP AT MAYONNAISE CONTAINERS
NADISKUBRE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ketchup at mayonnaise containers ang tinatayang nasa 20.5 kilo ng crystal meth o shabu makaraang madakip ang dalawang hinihinalang kasabwat ng isang bigtime drug syndicate, sa isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong madaling araw ng Miyerkoles. Tinatayang nasa P142.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa mga lalagyan ng mayonnaise at ketchup ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service, katuwang ang PDEA Regional Office, at Philippine National Police Drug Enforcement Group. Naaresto ang dalawang high-value…
Read More