PINASINUNGALINGAN ng Pambansang Pulisya na may nasawi na dalawang indibidwal sa isinagawang kilos-protesta noong Lunes sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Ayon kay PNP spokesperson, PCol. Allen Rae Co, “fake news” ang kumakalat na Facebook post. Batay sa post ng netizen, meron umanong nasawi sa gate ng Malacañang. Binanatan din nila ang administrasyon at sinabing state-sanctioned ang pagkasawi ng dalawa. Sinabi ni Co, ang naturang impormasyon ay walang basehan. Iginiit ng PNP, “generally peaceful” ang kilos-protesta na idinaos noong Lunes ng iba’t ibang mga grupo. (TOTO NABAJA) 221
Read MoreCategory: NEWS BREAK
Pinag-aaralan ng PNP, DepEd Western Visayas TRANSPARENT BAGS SA MGA ESKWELAHAN
PINAG-AARALAN ng Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) Western Visayas ang posibleng paggamit ng transparent bags sa mga paaralan bilang karagdagang security measure kasunod ng mga naitalang insidente ng karahasan sa mga eskwelahan. Kaugnay nito, nakipagpulong si PRO-6 Director PBGen. Randulf Tuaño sa Iloilo City Schools Division Office upang talakayin ang mga hakbang para mapalakas ang seguridad sa mga paaralan. Nilinaw na layunin ng mga panukalang hakbang na paigtingin at hindi palitan ang mga umiiral nang safety measures, kabilang ang police visibility at emergency response. Kabilang din…
Read MoreBahagi ng depensa sa WPS PH ARMY MAGDE-DEPLOY NG TROPA SA PALAWAN
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine Army na may plano itong mag-deploy ng tropa sa Palawan bilang bahagi ng suporta sa defense objectives ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea. Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Donald Gumiran, nasa planning stage pa lamang ang panukalang deployment ng Philippine Army unit sa Palawan. Sa pulong-balitaan sa Officers Club sa Fort Andres Bonifacio sa Taguig City, sinabi ni Gumiran na patuloy ang koordinasyon ng Army sa Philippine Air Force, Philippine Navy at Western Command kaugnay ng plano. “Yes,…
Read MorePANIBAGONG SAMA NG PANAHON NAGBABANTANG PUMASOK SA PAR
BINABANTAYAN ngayon ng state weather bureau ang isang panibagong sama ng panahon na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Martes o Miyerkoles, Setyembre 23. Ayon sa PAGASA, isang low pressure area (LPA) ang namataan sa silangan ng bansa at nasa layong humigit-kumulang 2,090 kilometro silangan ng Eastern Visayas nitong madaling araw ng Lunes, Setyembre 21. Sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na posibleng maging ganap na tropical cyclone ang LPA pagsapit ng Huwebes o Biyernes, Setyembre 24 o 25. Kapag pumasok ito sa PAR at naging…
Read MoreHOUSE PROSECUTION, SINISILIP POSIBLENG ANTI-DUMMY LAW ISSUE SA NEGOSYO NI VP SARA
INURIRAT ng House prosecution kung bakit idineklara ni Vice President Sara Duterte ang Gencorp Industries Inc. bilang kanyang negosyo sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), gayong lumalabas sa mga rekord ng gobyerno na hindi siya ang may-ari nito kundi isang kumpanyang pinamumunuan ng negosyanteng si Jaime T. Cruz. Ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, hindi basta incidental na pangalan lamang si Cruz matapos lumabas sa mga rekord ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ang JTC Group of Companies Philippines…
Read MoreMANILA LGU SA PROTESTERS: RESPETUHIN PATAKARAN NG LUNGSOD
“MAAARI po kayong pumasok sa aming siyudad, ngunit sana paglabas ninyo, maging maayos rin po kayo.” Ito ang mahigpit na paalala ni Manila Vice Mayor Chi Atienza sa mga raliyista na nagsasagawa ng aktibidad sa lungsod kasabay ng paggunita ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Paalala pa ng bise alkalde, ang pagrespeto sa ipinatutupad na patakaran sa lungsod Aniya, pairalin sana ng mga nagkikilos-protesta ang kaayusan at paggalang sa lungsod kung saan pinayagan nila ang mga ito na magsagawa ng aktibidad pero dapat maayos ang lahat pagkatapos. Sinabi…
Read MoreDOJ, WALANG OPISYAL NA IMPORMASYON SA STATUS NG ASYLUM APPLICATION NI HARRY ROQUE
WALA pang opisyal na impormasyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa status ng asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque, kabilang ang ulat na ibinasura umano ang kanyang kahilingan. Ayon kay Justice Undersecretary Ian Norman Dato, confidential ang mga aplikasyon para sa asylum, partikular sa mga bansang miyembro ng European Union. Dahil dito, hindi pa makumpirma ng DOJ kung na-deny o hindi ang asylum application ni Roque. Hindi rin sinabi ni Dato kung saan nakuha ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang impormasyon hinggil sa status…
Read More19 PAGYANIG NAITALA SA BULKANG MAYON
UMABOT sa 19 volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes, Setyembre 18. Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy na aktibidad nito. Ayon sa Phivolcs, namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa taas na 700 metro. Iniulat din ng ahensya ang pamamaga ng bulkan na sinundan ng panandaliang pag-impis sa hilagang-silangang bahagi nito. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa…
Read MoreBARIL NA GINAMIT NG ESTUDYANTENG NAMARIL SA ESKWELAHAN SA SOUTH COTABATO, PAG-AARI NG AMANG EMPLEYADO NG DEPED
ANIM na indibidwal ang nasawi makaraang magpaputok ng baril ang isang estudyante sa loob ng Banga National High School sa bayan ng Banga, South Cotabato. Kabilang sa mga nasawi ang suspek na matapos ang pamamaril ay binaril ang sarili. Nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa pang estudyante na kasalukuyang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang baril na pinaniniwalaang ginamit sa krimen. Sa ulat, ang ama umano ng suspek ay empleyado ng DepEd Region 12 at siya ring nagmamay-ari ng…
Read More