DILG NANINIWALANG WALANG FOUL PLAY SA PAGKAMATAY NI USEC CABRAL; AUTOPSY, DNA TEST INIREKOMENDA NG DOJ

NANIWALA si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang “foul play” sa pagkamatay ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Maria Catalina “Cathy” Cabral, batay sa paunang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP). Gayunman, inamin ni Remulla na nakitaan ng “lapses” o pagkukulang ang mga pulis sa pagpreserba ng mga ebidensya, partikular sa cellphone ni Cabral na agad umanong na-turn over sa pamilya. Upang matiyak ang pagkakakilanlan at sanhi ng pagkamatay, sinabi ni Remulla na isasailalim sa autopsy at DNA test ang bangkay…

Read More

DOJ TULOY ANG CIVIL FORFEITURE KAY USEC CABRAL; CIDG PASOK SA DEATH PROBE

ITUTULOY pa rin ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng civil forfeiture cases laban sa mga ari-arian ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral, sa kabila ng kanyang pagkamatay matapos mahulog sa bangin sa Benguet. Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, bagama’t napapawalang-bisa na ang anumang posibleng criminal liability ni Cabral dahil sa kanyang pagpanaw, maaari pa ring habulin ang kanyang civil liability. Ibig sabihin, maaari pa ring bawiin ng gobyerno ang mga ari-arian ni Cabral kung mapatutunayang nagmula ang mga ito…

Read More

DAGDAG NA MGA ISTASYON PLANO NG PCG CENTRAL VISAYAS

PLANO ng Philippine Coast Guard sa Central Visayas (PCG-7) na magtatag ng karagdagang mga istasyon sa baybayin sa buong lalawigan upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa panahon ng mga emerhensiya. Nakipagpulong si Commander Rear Admiral Agapito Bibat, direktor ng PCG-7, kay Gov. Pamela Baricuatro noong Miyerkoles, Disyembre 17, sa isinagawang courtesy visit. Kabilang sa mga tinalakay nila ang mga plano ng ahensya sa pagpapalawak ng presensya nito sa lalawigan ng Cebu, partikular ang pagtatayo ng mga sub-station sa lahat ng mga munisipalidad sa baybayin, lalo na sa mga islang…

Read More

BAG NG PILOT STUDENT NILIMAS SA PITX; MUKHA NG SUSPEK NAHAGIP SA CCTV

PUSPUSAN na ang pagtugis ng pulisya sa kawatan na nagnakaw ng bag ng isang 22-anyos na pilot student sa loob ng isang restaurant sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City. Batay sa ulat na inilabas Huwebes ng umaga ng tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo, malinaw na nakunan ng CCTV ang mukha ng suspek na tumangay sa bag ng biktimang kinilalang si alyas “Mhicko.” Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente noong Lunes bandang alas-2:16 ng hapon habang kumakain ang biktima sa isang restaurant sa…

Read More

Lalo ngayong holiday season KAHALAGAHAN NG LIFESAVING SKILLS IPINAALALA NG MGA DOKTOR

IPINAALALA ng grupo ng mga doktor ang kahalagahan ng kaalaman sa basic lifesaving skills lalo na sa mga emerhensiya na maaaring mangyari sa loob ng tahanan ngayong Kapaskuhan. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Dr. James Cayetano ng Bell-Kenz Pharma, na 8 sa 10 indibidwal ang namamatay sa loob ng bahay dahil hindi agad nalalapatan ng paunang lunas o first aid tulad ng CPR, sa mga biktima ng stroke. Ayon kay Dr. Cayetano, kadalasang pagkain ang sanhi ng mga karamdaman na nauuwi sa stroke. Ngayong holiday season na…

Read More

MPD PRESS CORPS NAGSAGAWA NG CHRISTMAS GIFT-GIVING

NAGSAGAWA ng Christmas gift-giving activity ang MPD Press Corps katuwang ang Manila Police District (MPD), sa pamumuno ni District Director PBGen. Arnold Abad. Halos 200 ang benepisyaryo na pawang street dwellers, homeless individuals at street sweepers na nasa paligid ng lungsod ng Maynila. Ilan sa mga ipinamahagi o laman ng Christmas gift packs ay 3 kilong bigas, canned goods, noodles at mga bundle ng snacks. Isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng simpleng tulong ang mga taong nasa lansangan ngayong kapaskuhan. Ayon sa pahayag ng MPD Press Corps, ang…

Read More

KAWING NG 2 BONDI SHOOTERS SA TERROR GROUPS SA PINAS INAALAM PA NG AFP

HINDI pa batid ng Armed Forces of the Philippine kung may kawing sa local extremist group sa Pilipinas ang mag-amang nagsagawa ng shooting spree sa Bondi Beach sa Australia na kumitil ng labinglimang katao sa isang Jewish events. Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng AFP, nakarating sa kanilang kaalaman ang lumabas na media report hinggil sa biyahe umano ng foreign individuals sa Pilipinas at sa posibleng link sa terrorist groups. Ang mag-amang shooter na kinilalang si Sajid Akram, 50-anyos, at anak nitong si Naveed Akram, 24-taong gulang, ay…

Read More

BUCANA BRIDGE, PASSABLE NA! MOTORISTA PUWEDE MULA 6 A.M. HANGGANG 5 P.M.

MAY initial agreement na maaaring magamit ng mga motorista ang 1.3-km Bucana Bridge araw-araw mula 6 a.m. hanggang 5 p.m., ayon sa Malacañang. “At ang sinasabi po dito, ang initial agreement ay maaari pong buksan, passable ang two lanes at maaari pong magamit sa umaga – 6 a.m. hanggang 5pm,” pahayag ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Ang pahayag ni Castro ay tugon sa pagpuna ni Acting Davao City Mayor Sebastian Duterte sa napaulat na “premature” opening ng Davao City Coastal Road Segment B nitong Lunes. Ayon…

Read More

GUN OWNERS BINALAAN SA INDISCRIMINATE FIRING NGAYONG HOLIDAY SEASON

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan at may-ari ng lisensyadong baril laban sa pagpapaputok ng baril ngayong holiday season. Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., maaring harapin ang kaukulang parusa ang sinumang mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing. “Ang pagkakaroon ng lisensyadong baril ay may kaakibat na responsibilidad—tama ang pagtatago, may self-control, at mahigpit na pagtupad sa batas,” ani Nartatez. Nauna nang ipinatupad ang one strike policy sa hanay ng PNP bilang bahagi ng pinaigting na hakbang sa seguridad para sa Kapaskuhan.…

Read More