NADAKIP ang tatlong hinihinalang tulak sa ikinasang buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Bacoor Component City Police Station (CCPS) bandang alas-8:45 kamakalawa ng gabi sa Bacoor City, Cavite. Kinilala ang mga suspek na sina alyas Tol, alyas JE, at alyas PAT, pawang residente ng naturang lungsod. Nasamsam sa mga suspek ang 14 na piraso ng rolled black paper cigarettes na naglalaman ng pinaghihinalaang tuyong halaman na lokal na tinatawag na “tuklaw” o “thuoc lao” na may standard drug price na ₱7,000, at isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
MERALCO: MAG-INGAT SA MGA NAGPAPANGGAP NA EMPLEYADO O KONTRAKTOR NG KUMPANYA NGAYONG HOLIDAY SEASON
Muling nagpaalala ang Meralco sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang empleyado o kontraktor ng Meralco. Nakarating sa kumpanya na may nag-aalok na gagalawin, ire-recalibrate o babaguhin ang metro para umano mapababa ang bayarin sa kuryente ng customer kapalit ng bayad na umaabot sa P10,000. Nililinaw ng Meralco na hindi nag-aalok ang kumpanya at ang mga lehitimong kontraktor nito ng anumang serbisyo na may layong pababain ang singil sa pamamagitan ng pakikialam sa metro. Binibigyang-diin ng kumpanya na mahigpit na ipinagbabawal ang paggalaw sa metro…
Read MoreNahatulan ng pagkakakulong ng 5 taon hanggang 9 na taon ang isang shift leader ng KFC sa Tambo, Parañaque City. Napatunayan sa korte na noong Hunyo 3, 2023, si Efren Cantoria Rejuso, Jr ay nagnakaw ng mahigit P300 libo sa kaha ng KFC MIA Road Tambo, Parañaque City. Sa isang desisyon ng Regional Trial Court ng Parañaque, sinabi na napatunayan na ninakaw ni Rejuso ang pera ng KFC Mia Road at nakita ang pangyayari sa cctv camera ng restaurant na iyon. Nagsampa ng kaso ang management ng nasabing restaurant at…
Read MoreRECTO MAKIKIPAGTULUNGAN SA OMB SA PHILHEALTH FUND TRANSFER CASE
MAKIKIPAGTULUNGAN si Executive Secretary Ralph Recto sa Office of the Ombudsman kaugnay ng reklamo na may kinalaman sa paglilipat ng P60 bilyong PhilHealth reserve funds sa National Treasury noong panahon ng kanyang termino bilang Kalihim ng Department of Finance (DOF). Ang reklamo, na inihain ng Save the Philippines Coalition, ay naglalaman ng paratang na technical malversation, plunder, at grave misconduct laban kay Recto at kay dating PhilHealth president at CEO Emmanuel Ledesma Jr. “I respect every citizen’s right to seek redress before the courts and will fully cooperate with the…
Read MorePULIS NA NASUGATAN, NASAWI SA QUEZON BINIGYANG-PUGAY NG PNP CHIEF
DUMALAW si Acting Philippine National Police (PNP) Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. sa United Candelaria Doctors Hospital sa Candelaria, Quezon upang kamustahin ang dalawang pulis na nasugatan at magbigay ng huling paggalang sa isang pulis na nasawi sa tungkulin. Isinagawa ang pagbisita matapos ang armadong engkuwentro noong gabi ng Disyembre 19, 2025 sa Barangay Road malapit sa Sitio Pulyok, Barangay San Isidro, Candelaria, Quezon. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga pulis nang makasalubong ang ilang armadong indibidwal sa isang taniman ng saging. Isa sa mga…
Read MorePALPAK NA SERBISYO NG AIRLINES COMPANIES PINAIIMBESTIGAHAN SA KAMARA
NAGHAIN ng resolusyon ang tatlong kongresista upang imbestigahan ang umano’y pagdurusa ng mga pasahero dulot ng palpak na serbisyo ng ilang airline companies, kabilang ang madalas na flight delays at kanselasyon ng biyahe, gayundin ang pagtaas ng pamasahe. Sa House Resolution No. 3303 na inakda nina 1Tahanan party-list Rep. Nathan Oducado, Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando, at Northern Samar Rep. Nikko Daza, layon ding alamin kung maayos na naipatutupad ang mga umiiral na batas na nag-aatas sa mga airline na magbigay ng tulong at kompensasyon sa mga pasaherong apektado…
Read MoreMARIKINA RTC JUDGE SINERMUNAN NG SC SA HINDI MAGANDANG ASAL
SINERMUNAN ng Korte Suprema ang isang Regional Trial Court (RTC) judge sa Marikina City matapos umanong magpakita ng kagaspangan ng ugali sa isang insidente ng maling pagparada na kinasangkutan ng abogado ng Public Attorney’s Office (PAO). Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Jhosep Lopez, sinabi ng Court en banc na umakto nang hindi nararapat si RTC Judge Rey Inciong nang sawayin nito sa publiko ang PAO lawyer na si Ivan Hack Gatdula at igiit ang isang public apology, sa kabila ng agarang paghingi na ng paumanhin ng abogado. Nag-ugat ang…
Read MoreVILLARS, NAGHATID NG KASİYAHAN SA MGA BATA NG BASECO SA TAUNANG HOLIDAY OUTREACH
BACOOR, Cavite — Nakatanggap ng isang araw na puno ng saya, pagkain, at kasiyahan ang mga bata mula sa Baseco Compound sa Tondo nang pangunahan ng pamilyang Villar ang kanilang taunang holiday outreach activity noong Sabado, Disyembre 20, sa Villar Children’s Farm. Mahigit 50 bata, kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga, ang lumahok sa pagdiriwang na tampok ang pamamahagi ng mga regalo na pinangunahan nina dating Senadora Cynthia Villar, Senadora Camille Villar, at ng anak nitong si Tristan. Ang taunang handog-Pasko na ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba…
Read MoreBFP PUNO RIN NG KORAPSYON; MGA SCALAWAG OFFICIAL SISIBAKIN SA ENERO – REMULLA
TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na may umiiral na korapsyon sa loob ng kanyang ahensiya, partikular sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon kay Remulla, nadiskubre ang iba’t ibang katiwalian sa hanay ng BFP, kabilang ang umano’y paggamit ng ilang opisyal at personnel ng kanilang badge sa iligal na mga aktibidad. Sinabi ng kalihim na kabilang sa mga natukoy na modus ang paniningil ng malaking halaga sa mga aplikante kapalit ng pagpasok sa BFP, kung saan ginagamit umano ng mga tiwaling indibidwal…
Read More