MANILA — Posibleng anomang araw mula ngayon ay ilipat patungong Digos City, Davao del Sur si kontratistang Sarah Discaya sakaling lumabas ang commitment order laban sa kanya at ma-raffle ito ng korte. Sa kasalukuyan, nananatili si Discaya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) habang inaantay ang proseso ng paglilipat sa kulungan. Ito ay kasunod ng boluntaryong pagsuko ni Discaya sa ahensiya noong December 9, 2025 upang tiyakin ang kanyang kaligtasan laban sa posibleng banta sa buhay matapos masangkot sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay NBI Acting Director…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
PLM, UdM STUDENTS, LGU WORKERS, HEALTH PERSONNEL PALDO SA INSENTIBO SA MAYNILA
INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na aabot sa P648.8 milyong cash aid ang ilalabas sa susunod na mga araw o bago mag-Pasko para sa benepisyo at insentibo ng mga estudyante ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) at Unibersidad de Manila (UdM), local government units workers at health personnel. Sa flag raising ceremony nitong Lunes, una munang pinasalamatan ng alkalde ang mga nagbabayad ng buwis at negosyo sa lungsod at sa pagsuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan. “Itong P648 million saan galing? Gusto ko lang ipaliwanag sa inyo…
Read MoreFPJ LEGACY, PATULOY NA IPINAPAALALA NG MGA ORIHINAL NA TAGASUPORTA
MULING nagsama-sama ang mga orihinal na tagasuporta ni Fernando Poe Jr. (FPJ) upang ipagdiwang ang kanyang buhay at alaala—patunay na kahit 21 taon na ang nakalipas mula sa kanyang pagpanaw, nananatiling buhay ang pagmamahal at paninindigan ng mga taong unang naniwala at tumindig sa kanya. Pinangunahan ni Raymond “Manolo” Mercedes, matagal nang tagasuporta ni FPJ, ang pagtitipon ng mga dating miyembro ng FPJPM. Sa ilalim ng Bagong Umaga Movement, patuloy nilang isinasabuhay ang diwa ng serbisyo at paninindigan na itinanim ni FPJ. Dumalo rin sina Rez Cortez at Don Remo,…
Read MorePAGTATATAG NG NATIONAL GUARD IKINASA NG ARMY
PINASIMULAN na ng Philippine Army 2nd Infantry Division (2ID) ang pagtatatag ng National Guard, na itinuturing na hudyat ng pagwawakas ng CAFGU era, kasunod ng ginanap na Donning of Ranks and Patch Ceremony sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal. Ayon sa 2ID, ang hakbang ay tanda ng isang makasaysayang pagbabago sa auxiliary force ng dibisyon, matapos opisyal na ilunsad ng Army 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang kanilang National Guard. Sa ilalim ng kapangyarihan ng 2ID, maaari umanong i-redesignate ang mga personnel hanggang company-sized units, kabilang ang mga dating kabilang…
Read MoreDOT NAKIPAGTULUNGAN PARA SA FLIGHT INCENTIVES SA CEBU
NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism sa Cebu Pacific at Hotel, Resort, and Restaurant Association of Cebu Inc., (HRRACI) upang mag-alok ng flight incentives at accommodations promos upang makaakit ng mas maraming bisita sa Cebu matapos ang mga nagdaang kalamidad. Ang pagtutulungan ay isinapormal noong Biyernes sa pamamagitan ng memorandum of understanding na nilagdaan sa paglulunsad ng “Visit Cebu” campaign. Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, ang inisyatibo ay layon na makatulong na ma-revive ang tourism activities at suportahan ang local businesses at mga manggagawa. Sa ilalim ng kasunduan, ang foreign…
Read MoreCONDO NI ZALDY CO SA TAGUIG, HINALUGHOG NG NBI
MATAGUMPAY ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos isilbi ang search warrant sa condo ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa Taguig City nitong Huwebes. Pinangunahan ng NBI–Organized and Transnational Crime Division ang pagsasagawa ng search kung saan nakakuha ang mga ahente ng mga dokumentong itinuturing na posibleng mahalagang ebidensya. Inilabas ang mga dokumento mula sa tatlong vault na binuksan ng mga operatiba. Nakatakda nang isauli ang warrant sa korte na nag-isyu nito para sa kaukulang legal na aksyon. Tumanggi munang ilahad ni NBI spokesperson Atty.…
Read MoreDOJ HANDANG HARANGIN APELA NI ROQUE SA PASSPORT CANCELLATION
TILA dumaraan sa butas ng karayom si dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque matapos tiyakin ng Department of Justice (DOJ) na haharangin nila ang apela nito kaugnay ng pagkansela ng kanyang pasaporte. Inihain ni Roque sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang kanyang motion for reconsideration na kumukuwestiyon sa legalidad ng kanselasyon ng kanyang passport, na ginagamit umano niya sa pagbiyahe sa ibang bansa. Kaugnay ito sa kontrobersiyang nag-uugnay sa kanya sa POGO hub sa Porac, Pampanga matapos mapasama ang kanyang pangalan sa imbestigasyon sa human trafficking. Ayon kay…
Read MoreNBI HUMINGI NG INTERPOL RED NOTICE VS ZALDY CO
HINILING na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Interpol na isama sa red notice list si dating Congressman Zaldy Co. Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, idinaan ang request sa Philippine Transnational Crime Office. Kapag naaprubahan, agad ipapadala ang notice sa lahat ng miyembrong bansa upang ipaalam na may umiiral na warrant of arrest laban kay Co. Ang Interpol red notice ay isang global alert na ginagamit ng law enforcement agencies para matunton at maaresto ang indibidwal na nasa ibang bansa at sangkot sa mga kasong kriminal. Si Co…
Read MoreRELEASED: PONDO PARA SA 896 BARANGAY NG MAYNILA, APRUB SA CITY COUNCIL
NAILABAS na ang pondo para sa 896 barangay sa Maynila matapos aprubahan ng 13th City Council ang isang resolusyong nagtatakda ng alokasyon para sa kanilang operasyon at mga programa. Pinangunahan ang sesyon ni Vice Mayor at Presiding Officer Chi Atienza. Ayon sa konseho, layon ng hakbang na matugunan ang mga naipong obligasyon sa barangay level at masigurong may sapat na pondo para sa pangunahing serbisyo. Sa aprubadong alokasyon, 85% ang inilaan para sa operations at capital outlay, 10% para sa Sangguniang Kabataan, at 5% para sa disaster risk reduction. Sinabi…
Read More