GOOD RIDDANCE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA wakas, natapos din ang panunungkulan ni Ted Herbosa bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) matapos ang kanyang pagbibitiw. Kusa mang nagbitiw o inutusang magbitiw ay hindi na importante basta, wala na siya sa ahensya, period! Para sa maraming sektor na matagal nang nagmamasid at nagtitiis sa mabagal at tila walang direksyong pamamahala sa ahensya, malaking ginhawa ang dulot ng balitang ito. Ang kanyang pag-alis sa pwesto ay maituturing na isang magandang simula upang maituwid ang mga nagkabuhol-buhol na problema sa sistema ng pampublikong kalusugan…

Read More

KAPALIT NG MALING PAG-UNAWA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NOONG una kong makita ang mga litrato ng photocopy ng isang libong pisong papel na kumakalat sa social media, natawa rin ako. Hindi dahil nakatatawa ang biro, kundi dahil naisip kong siguradong may maniniwala rito. Hindi nga ako nagkamali. Marami ang nagbahagi nito na para bang nakahuli sila ng napakalaking butas sa batas. Ang mas nakatatawa, sila mismo ang hindi nakaunawa sa pinagtatawanan nila. Ang kuwento ay tungkol sa paniniwala ng ilan na kung tinatanggap ng korte ang photocopy bilang ebidensya, dapat tanggapin din…

Read More

TAG-ULAN NA NAMAN! KAKALIMUTAN NA LANG BA NATIN ANG FLOOD CONTROL SCAM?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMI ang nagtatanong ngayon kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon ng umano’y pinakamalaking anomalya sa kasaysayan ng bansa—ang kontrobersyal na flood control scam na nagkakahalaga umano ng mahigit isang trilyong piso. Ilang buwan na ang nakalipas mula nang maging laman ito ng mga pagdinig, balita, at usapin sa iba’t ibang plataporma, ngunit tila bigla na lamang itong naglaho sa sentro ng pambansang diskurso. Sa halip na ang mga proyektong flood control na pinaglaanan ng napakalaking pondo ng bayan ang patuloy na inuusisa, ang mas…

Read More

LAND CRUISER NA SANGKOT SA HIT & RUN BAKIT MAY STICKER NG HOR?

RAPIDO ni PATRICK TULFO ITINANGGI ni House Secretary General Cheloy Garafil na pagmamay-ari ng isang kongresista ang Toyota Land Cruiser na nasangkot sa isang hit and run accident at minamaneho ng isang 20-anyos sa Ortigas Ave., Mandaluyong City noong madaling araw ng July10, 2026. Ayon kay Garafil, walang anomang record na nagsasabing sasakyan ng kahit sinong miyembro ng Kongreso ang may-ari nito, kawani man o opisyal. Pero ang tanong ay paanong nagkaroon ito ng sticker na dapat ay eksklusibo lamang sa mga miyembro ng Kongreso? Gaano ba kadali makakuha ng…

Read More

PRESYO NG PAG-ANTALA

On The Level ni JUNEX DORONIO HINDI libre ang hustisya—lalo na kung ito’y pinatatagal. Sa kasalukuyang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte, bawat araw ng pagkaantala ay may katumbas na gastos na pinapasan ng taumbayan. Mayroon nang nakalaang hindi bababa sa P26 milyon ang Senado mula sa continuing appropriations sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act upang tustusan ang paglilitis. Ngunit bago pa man pormal na magsimula ang trial, tinatayang P500,000 na agad ang nagastos nang i-transmit ang articles of impeachment. Ang mas malaking tanong: Magkano ang ginagastos habang…

Read More

PAGLILINGKOD NI CONG. SANDRO MARCOS NA MAY BUNGA PARA SA MGA ILOCANO

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI lamang nasusukat sa dami ng batas na naipapasa ang pagiging mahusay na mambabatas. Mas mahalaga kung paano naipararamdam sa mga tao ang tunay na serbisyo at kung may positibong epekto ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa Unang Distrito ng Ilocos Norte, makikita ang iba’t ibang programang naglalayong mapabuti ang kabuhayan, edukasyon, at kinabukasan ng mamamayan. Ito ang mga serbisyong direktang nakararating sa mga pamilyang higit na nangangailangan. Isa sa mga programang ito ang Sustainable Livelihood Program o SLP ng pamahalaan. Mahigit P1.9 milyon…

Read More

MAY KONSENSYA PA BA ANG ATING MATATAAS NA OPISYAL?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng walang tigil na pag-ulan at sunod-sunod na pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa, isang malaking tanong ang patuloy na umiikot sa isipan ng maraming Pilipino: Bakit tila mas naging prayoridad ng Senado ang impeachment laban kay Vice President Inday Sara Duterte kaysa mas malawak na usapin ng umano’y flood control scandal na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit isang trilyong piso? Para sa marami, ang usaping ito ay direktang nakaaapekto sa buhay, kabuhayan, at kaligtasan ng milyun-milyong mamamayan. Habang abala ang mga mambabatas…

Read More

Ebidensya ni Leviste kontra Dayunyor

Siyanong Detektib Ni Lucio S. Papa SA gitna ng pagdinig ng Senate Impeachment Court sa kasong isinampa laban kay Vice President Sara Duterte, muling lumutang ang usap-usapan hinggil sa ebidensyang magdidiin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa malawakang katiwalian sa likod ng flood control scandal. Partikular na tinukoy ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang umano’y dokumentong hawak ng isang bagitong kongresista mula sa lalawigan ng Batangas — si Leandro Leviste. Kung tunay na may ebidensya laban kay Marcos, bakit ayaw pang ilabas ni Leviste ang patunay na sabit din…

Read More

ANO NAMAN KAYA IPAGMAMALAKI NI BBM SA JULY 27, 2026 SONA?

At Your Service ni KA FRANCIS SA nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026, maraming Pilipino ang nagtatanong: Ano na naman kaya ang ipagmamalaki ng Pangulo sa taong ito? Hindi maiiwasang balikan ang kanyang mga naging pahayag sa mga nagdaang SONA dahil dito ibinabatay ng publiko ang paghahambing sa mga naging pangako at sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Noong 2024 SONA, ipinagmalaki ng administrasyon ang libu-libong flood control projects na umano’y naipatupad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.…

Read More