TARGET ni KA REX CAYANONG MAHALAGA ang edukasyon sa paghubog ng kinabukasan ng bansa. Kaya naman dapat tiyakin na may sapat at maayos na mga paaralan para sa mga mag-aaral. Ngunit sa maraming lugar, may mga pampublikong paaralan na nakatayo sa mga lupang wala pang malinaw na titulo. Dahil dito, nahihirapan ang DepEd na magsagawa ng mga proyekto para sa pagpapalawak at pagpapaganda ng mga pasilidad. Ito ang nais tugunan ng panukalang inihain ni Parañaque City Rep. Brian Yamsuan. Layunin nitong mailipat sa pangalan ng DepEd ang mga lupang matagal…
Read MoreCategory: OPINYON
TARA SCHEME SA CUSTOMS PORT PINABUBUSISI
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS NABUNYAG ang umano’y Tara Scheme sa isang port ng Bureau of Customs. Ang “tara” system ay uri ng bribery scheme kung saan ang mga importer at broker ay nagbabayad ng fix, under-the-table bribes sa Customs officials para makalusot ang kanilang mga produkto at mas mapabilis ang proseso ng shipments kahit hindi nagbabayad ng tamang buwis at import duties. Dahil sa alegasyon, nalalagay ngayon sa alanganin ang District Collector ng nasabing port bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa “tara” system. Sinabi rin sa ulat na dati nang…
Read MoreBAKIT INIIPIT NG SSS MALANDAY ANG BENEPISYO NG AMING COMPLAINANT?
RAPIDO ni PATRICK TULFO LUMAPIT sa aming programa si Gng. Leonila Mojica Lao upang ihingi ng tulong ang matagal nang nakabinbin na claims niya sa SSS sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Elmer Santos Lao. Pumanaw sa America si Elmer noong 2018 dahil sa sakit na aneurysm sa New York City sa US at nakapagsumite ng death claim application si Gng. Lao na tinanggap naman ng SSS branch sa Cainta, Rizal noong 2020. Ayon sa ginang, bumalik siya sa tanggapan ng SSS sa Cainta noong 2021 at nalaman na…
Read MoreBATAS SA MAHIHIRAP, PRIBILEHIYO SA POWERFUL?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI na bago sa Pilipinas ang dalawang mukha ng hustisya—isa para sa mahihirap at isa para sa makapangyarihan. Pero sa bawat pagkakataong lantaran itong nakikita ng publiko, lalong lumalalim ang sugat ng kawalan ng tiwala sa sistema ng batas ng bansa. Kaya hindi nakapagtatakang napa-“Sana all” si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno matapos ihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kamakailan na binibigyan nito ng opsyon si Senador Jinggoy Estrada kung siya ba ay kusang susuko o aarestuhin kaugnay ng warrant of arrest…
Read MoreTUNAY BA ANG PAGMAMAHAL O ISANG PALABAS LANG DIN?
BISTADOR ni RUDY SIM MADALAS nating marinig mula sa pamunuan ng ABS-CBN na ang kanilang mga empleyado ang pinakamahalagang puhunan at inspirasyon – kumbaga, sa ngalan ng mga kapamilyang ito, the show must go on! Pero habang patuloy na lumalawak ang mga blocktime agreements at iba pang kasunduan ng ABS-CBN sa iba’t ibang network at platform, isang mahalagang tanong ang muling lumulutang: sapat ba ang ginagawa ng pamunuan upang tiyakin ang kapakanan, job security, at maging ang makatarungang pagtrato sa mga manggagawang sinasabi nilang kanilang pinahahalagahan? Hindi ito simpleng usapin…
Read MoreParatang ni Marcoleta: Atake sa media, atake sa Demokrasya
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA gitna ng umiinit na diskurso sa pulitika, muling umani ng kontrobersya si Senator Rodante Marcoleta nang paratangan ang media na umano’y “bayaran.” Isa itong mabigat na akusasyon na hindi dapat basta ibinabato sa hangin, lalo na kung nagmumula sa isang taong naghahangad na muling pagkatiwalaan ng sambayanan sa isang mataas na posisyon sa pamahalaan. Kung may ebidensya si Marcoleta, ilabas niya. Pangalanan niya ang mga sangkot. Iharap niya ang mga dokumento. Idulog niya sa kinauukulang ahensiya. Nguni’t kung wala, hindi maituturing ang kanyang…
Read MoreBlue Ribbon SubCommittee Hearing Ngayon, Mas Mabigat na Testimonya Asahan Na!
PUNA ni JOEL O. AMONGO NGAYONG Huwebes, Hunyo 11, muling nakatuon ang pansin ng sambayanan sa isasagawang pagdinig ng Blue Ribbon SubCommittee na pinamumunuan ni Rodante Marcoleta. Matapos ang mga kontrobersiya, bangayan sa loob ng Senado, at magkakasalungat na posisyon ng iba’t ibang grupo ng mga senador, inaasahang magiging sentro muli ng diskusyon ang usapin ng umano’y anomalya sa mga proyektong flood control. Hindi maikakaila na ang isyung ito ay lumampas na sa karaniwang pagdinig ng Senado. Ang naging unang hearing ay nagbunga ng matitinding akusasyon at mga testimonya na…
Read MoreHINDI MALIIT ANG TATLUMPUNG LIBO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY isang eksena sa “It’s Showtime” na naging usap-usapan online. Isang contestant ang nanalo ng P30,000 sa “Laro, Laro, Pick” ngunit kapansin-pansin na hindi siya gaanong natuwa. Ipinaliwanag niya na kailangan ng kanyang anak ng pera para sa pag-aaral. Naiintindihan ko ang problema niya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang naging maliit na halaga na lang ang P30,000 sa paningin ng ilan. Oo, mahal ang mabuhay ngayon. Hindi sapat ang isang malaking halaga para tuluyang mabura ang lahat ng mga problema ng…
Read MorePANGONGOTONG NG BI SA MGA DAYUHAN PINALAGAN
BISTADOR ni RUDY SIM TILA hugas-kamay na naman ang ilang opisyales ng Bureau of Immigration sa isyu ng panggigipit sa mga dayuhang kanilang nabigyan ng 9g working visa, at sa travel agencies na naisama sa mga napadalhan ng show cause order dahil sa investigation kuno ng Intelligence Division, na ilan dito ay maraming bilang ng mga dayuhang manggagawa ang hindi talaga konektado sa kompanya at maaaring maharap sa pagkansela sa visa at mailagay sa backlist. Katwiran ng BI ay wala raw katiwaliang nangyayari at nangyari sa approval ng visa ng…
Read More