TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng masalimuot na takbo ng lehislatura, isang mahalagang tanong ang muling umuusbong: nasusukat ba ang tunay na serbisyo sa dami ng batas, o sa bilis ng pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan? Ang ulat ni House Majority Leader Cong. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos hinggil sa naipasa at umusad na 18 sa 52 prayoridad ng LEDAC bago ang Semana Santa, ay nagbibigay ng malinaw na larawan ng isang Kamara na hindi nagpapahuli sa oras. Aba’y sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy…
Read MoreCategory: OPINYON
DISMAYADO SA PBBM ADMIN DUMARAMI
PUNA ni JOEL O. AMONGO SAMU’T SARING pag-PUNA ang inaabot ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mabagal nitong pagtugon sa krisis sa langis sa bansa. Imbes na pahupain ang galit ng sambayanang Pilipino ay dinagdagan pa ng pagsasabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na wala pang krisis sa langis, sa kabila ng kaliwa’t kanang pagtataas ng mga gasolinahan ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo. Kundi pa nagalit ang mga senador sa kabagalan ng aksyon ng pamahalaan sa malaking problemang kinahaharap ng bansa ay…
Read MoreWORK FROM HOME PINAG-AARALAN
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MUKHANG mauulit ang nangyari noong nagkaroon ng COVID-19 pandemic at ipinatupad ang tinatawag na work from home para maiwasan ang hawaan ng nasabing virus sa mga Pilipino. Ngayon dahil sa krisis na dulot ng giyera sa Gitnang Silangan ay pinag-aaralan ng pamahalaan ng Pilipinas na ibalik ang work from home para maibsan naman ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin, pamasahe at iba pang serbisyo. Si Sen. Erwin Tulfo ay iminungkahi na ibalik ang work from home program ng mga pribadong kumpanya…
Read MoreBAGONG MUKHA NG PORK BARREL
SYANONG DETEKTIB TULAD ng sakit na tuberculosis ang katiwalian sa pamahalaan. Pati ang buwanang kontribusyon sa Pag-IBIG Fund ng mga manggagawang Pilipino, namumurong mapurnada. Dangan naman kasi, “isinugal” ng Pag-IBIG Fund ang pondong nakalaan bilang pautang sa mga miyembrong nangangarap makapagpundar ng sariling tahanan. Una nang sumingaw ang bulilyaso sa transaksyon sa pagitan ng EEI Corp. at ng RYM Business Management Corporation na pag-aari ni dating House Speaker Martin Romualdez. Binili ng RYM ni Romualdez, sa halagang P1.2 bilyon ang 20 percent shares ng EEI noong kalagitnaan ng 2023. Matapos…
Read MoreOFW SA KUWAIT NAGPAPASAKLOLO SA PANG-AABUSO NG AMO
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NANAWAGAN ng agarang tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait dahil sa nararanasang matinding pang-aabuso mula sa kanyang employer. Ang biktima ay kinilalang si Juliet Maguan, isang domestic worker na dumating sa Kuwait noong Hulyo 5, 2024 upang magtrabaho at suportahan ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Dumulog sa akin si Tupi, South Cotabato Councilor Mao Yabut upang humingi ng tulong at agarang aksyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW). Nabatid na kasalukuyang naninirahan ang pamilya ni Maguan sa Barangay Kalkam,…
Read MoreBAKIT LUBOG SA PUTIK AT HIRAP ANG BUHAY NG FILIPINO?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ALAM n’yo ba na mayroong mahigit 200 political parties na accredited ng Comelec na ang tayo o sakop ay nasyonal at lokal, kasama ang party-list? Noon ay dalawa lang ang political party sa bansa: Nacionalista Party (NP) na itinayo noong April 1907 nina dating Pres. Manuel L. Quezon at dati ring Pres. Sergio Osmena para isulong ang pagkalas ng Pilipinas sa pananakop ng US. Matapos ang liberation sa kamay ng Hapones noong 1945, kumalas ang tropa ni dating Senador Manuel Roxas at itinayo ang…
Read MoreSILA ANG NAGPA-PANIC
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAGTANTIYA lang daw para sa pinakamasamang mangyayari ang projection na ang isang kilo ng karneng baboy ay sisirit hanggang P580 habang ang manok ay P349 kung lalawig pa ang sigalot sa Middle East. ‘Yan ang pampakalmang pahayag ng Department of Agriculture (DA). Nilinaw ng ahensiya ang sitwasyon na tila hula lang, ngunit hindi nawawala ang agam-agam ng publiko dahil may pagtaas na sa presyo ng karneng baboy sa mga palengke. Eto pa. Hindi rin kakapusin ng supply ng liquefied petroleum gas (LPG) sa parating na mga…
Read MoreHINDI NA NATUTO ANG MGA PANGULO RITO SA ATIN
RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI na natuto ang gobyerno natin sa krisis sa langis na muli na namang kinahaharap ng bansa natin. Hindi lang po ang kasalukuyang administrasyon ang aking tinutukoy kundi maging ang mga nagdaaan pang administrasyon. Dahil dinanas na rin ang problemang ito, ilang dekada na ang nakararaan. Una ay noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kung saan pinadapa ng tinaguriang “oil shock” ang ekonomiya ng iba’t ibang mga bansa kasama na ang ‘Pinas. Kaya itinatag ng ama ni PBBM ang OPSF o Oil Price Stabilization…
Read MoreSTATE OF NATIONAL ENERGY EMERGENCY
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA wakas, nagdeklara na ng state of national energy emergency si Pangulong Bongbong Marcos Jr. Masaya na kaya ang mga atat d’yan? Ayon sa Executive Order No. 110, ito ay para protektahan ang bansa sa banta sa supply ng langis dulot ng umiigting na sigalot sa Gitnang Silangan. Inilunsad din ng gobyerno ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) na naglalayong suportahan ang mga apektadong sektor ng transportasyon, agrikultura, at mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Ang komite rin ang sisiguro sa…
Read More