TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI lamang sa boxing ring nakikilala si Manny Pacquiao—ngayon, ipinakikita niya ang kakayahang mag-expand sa digital entertainment. Sa partnership ng DigiPlus Interactive at GameZone, inilunsad ang serye ng mobile games na tampok ang kanyang pangalan at imahe. Kabilang sa mga laro ang Superace Pacquiao, Gates of Manny, Pacman’s Color Game, Wild Bounty Pacquiao, at Pacman’s Bingo Room. Ang hakbang na ito ay malinaw na pagpapalawak ng kanyang brand sa interactive digital platforms. Layunin nitong mas mapalapit si Pacquiao sa kanyang tagasuporta sa pamamagitan ng engagement…
Read MoreCategory: OPINYON
KAWALAN NG KAHANDAAN SA KRISIS SA PINAS, NALANTAD!
RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGPA-PANIC ngayon ang mga Pinoy dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Hindi lang ang mga may sasakyan ang apektado nito, kundi lahat ng mga Pilipino dahil sa pagtaas din ng presyo ng mga bilihin. Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina, tumaas ang gastusin sa pag-angkat ng mga produktong ibinabyahe sa iba’t ibang lugar. Dahil sa kinahaharap nating krisis, nalantad na hindi handa ang ating bansa at ang Pilipinas ang nangunguna sa listahan ng mga bansang…
Read MoreKAUNA-UNAHANG CORONARY ANGIOPLASTY WITH STENTING SA OSMA, TAGUMPAY !
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA wakas, may magandang balita mula sa sektor ng kalusugan ang Ospital ng Maynila, isang pampublikong ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan, na matagumpay na nakapagsagawa ng kauna-unahang angioplasty procedures nito. Isang milestone na hindi lang teknikal o medikal, isa itong patunay na kaya pala ng gobyerno na maghatid ng advanced cardiac care kung gugustuhin. Isipin mo, dalawang pasyente ang naligtas gamit ang procedure na sa mga pribadong ospital, nagkakahalaga ng P1 milyon hanggang P1.5 milyon. Sa Maynila, libre o halos libre ito.…
Read MoreLEDAC MOMENTUM: ‘DI LANG BILANG, KUNDI AKSYON – CONG. SANDRO MARCOS
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng masalimuot na takbo ng lehislatura, isang mahalagang tanong ang muling umuusbong: nasusukat ba ang tunay na serbisyo sa dami ng batas, o sa bilis ng pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan? Ang ulat ni House Majority Leader Cong. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos hinggil sa naipasa at umusad na 18 sa 52 prayoridad ng LEDAC bago ang Semana Santa, ay nagbibigay ng malinaw na larawan ng isang Kamara na hindi nagpapahuli sa oras. Aba’y sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy…
Read MoreDISMAYADO SA PBBM ADMIN DUMARAMI
PUNA ni JOEL O. AMONGO SAMU’T SARING pag-PUNA ang inaabot ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mabagal nitong pagtugon sa krisis sa langis sa bansa. Imbes na pahupain ang galit ng sambayanang Pilipino ay dinagdagan pa ng pagsasabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na wala pang krisis sa langis, sa kabila ng kaliwa’t kanang pagtataas ng mga gasolinahan ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo. Kundi pa nagalit ang mga senador sa kabagalan ng aksyon ng pamahalaan sa malaking problemang kinahaharap ng bansa ay…
Read MoreWORK FROM HOME PINAG-AARALAN
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MUKHANG mauulit ang nangyari noong nagkaroon ng COVID-19 pandemic at ipinatupad ang tinatawag na work from home para maiwasan ang hawaan ng nasabing virus sa mga Pilipino. Ngayon dahil sa krisis na dulot ng giyera sa Gitnang Silangan ay pinag-aaralan ng pamahalaan ng Pilipinas na ibalik ang work from home para maibsan naman ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin, pamasahe at iba pang serbisyo. Si Sen. Erwin Tulfo ay iminungkahi na ibalik ang work from home program ng mga pribadong kumpanya…
Read MoreBAGONG MUKHA NG PORK BARREL
SYANONG DETEKTIB TULAD ng sakit na tuberculosis ang katiwalian sa pamahalaan. Pati ang buwanang kontribusyon sa Pag-IBIG Fund ng mga manggagawang Pilipino, namumurong mapurnada. Dangan naman kasi, “isinugal” ng Pag-IBIG Fund ang pondong nakalaan bilang pautang sa mga miyembrong nangangarap makapagpundar ng sariling tahanan. Una nang sumingaw ang bulilyaso sa transaksyon sa pagitan ng EEI Corp. at ng RYM Business Management Corporation na pag-aari ni dating House Speaker Martin Romualdez. Binili ng RYM ni Romualdez, sa halagang P1.2 bilyon ang 20 percent shares ng EEI noong kalagitnaan ng 2023. Matapos…
Read MoreOFW SA KUWAIT NAGPAPASAKLOLO SA PANG-AABUSO NG AMO
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NANAWAGAN ng agarang tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait dahil sa nararanasang matinding pang-aabuso mula sa kanyang employer. Ang biktima ay kinilalang si Juliet Maguan, isang domestic worker na dumating sa Kuwait noong Hulyo 5, 2024 upang magtrabaho at suportahan ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Dumulog sa akin si Tupi, South Cotabato Councilor Mao Yabut upang humingi ng tulong at agarang aksyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW). Nabatid na kasalukuyang naninirahan ang pamilya ni Maguan sa Barangay Kalkam,…
Read MoreBAKIT LUBOG SA PUTIK AT HIRAP ANG BUHAY NG FILIPINO?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ALAM n’yo ba na mayroong mahigit 200 political parties na accredited ng Comelec na ang tayo o sakop ay nasyonal at lokal, kasama ang party-list? Noon ay dalawa lang ang political party sa bansa: Nacionalista Party (NP) na itinayo noong April 1907 nina dating Pres. Manuel L. Quezon at dati ring Pres. Sergio Osmena para isulong ang pagkalas ng Pilipinas sa pananakop ng US. Matapos ang liberation sa kamay ng Hapones noong 1945, kumalas ang tropa ni dating Senador Manuel Roxas at itinayo ang…
Read More