CLICKBAIT ni JO BARLIZO PANIC mode na raw ang mga mandarambong. Naku, ba’t naman natataranta na ang mga tulisan ng pera ng bayan? Nasagap natin sa bulong-bulungan, may mga dambuhalang kontratista at opisyal na sangkot sa bilyong flood control projects ang kumikilos ngayon para mapigilan ang posibleng pagpasok nila sa selda. ‘Yan pala kaya tuliro na. Bakit hindi e ang balita isasampa na ng Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan. At alam n’yo ba? WALANG PIYANSA! Isang libong tao daw ang posibleng makulong! Buti sana kung isang libo’t isang tuwa kaso…
Read MoreCategory: OPINYON
SEN. MARCOLETA, DAPAT IMBESTIGAHAN!
RAPIDO ni PATRICK TULFO NANINIWALA si Atty. Michael Henry Yusingco, Senior Research Fellow at the Ateneo Policy Center of the Ateneo School of Government, na hindi lang dapat pagpaliwanagin si Sen. Rodante Marcoleta, kundi dapat ay imbestigahan dahil sa isinumite nitong report ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN). Base sa report na ipinasa ni Marcoleta sa Senado, nasa kulang-kulang P52M ang kanyang assets o ari-arian. Pero sa isinumite nitong Statement of Contribution and Expenses (SOCE), umaabot sa P122.5 milyon ang nagastos nito noong nakaraang 2025 National…
Read MoreFREEDOM OF INFORMATION BILL, ISABATAS NA!
PUNTO DE BISTA NI BAMBI PURISIMA TALAGANG kailangan na natin ng transparency sa gobyerno at ang Freedom of Information (FOI) law na wala tayo. Sa maraming pagkakataon, nakatago, hindi bukas at malinaw sa publiko ang mga gawain ng gobyerno, lalo na sa pagsasapubliko ng mga impormasyon at mga desisyon at aksyon ng mga halal at hinirang sa posisyon sa lokal at pambansang pamahalaan. Kung may transparency, may FOI law, may makukuhang impormasyon ang taumbayan na magsisiguro na ang mga opisyal ng gobyerno ay mapipigilan at maparurusahan kung gumagawa ng labag,…
Read MoreMAY SAKIT NA OFW SA SAUDI ARABIA, ‘DI PINAUUWI NG KUMPANYA
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG overseas Filipino worker (OFW) na si JR, isang skilled worker sa Riyadh, Saudi Arabia, ang kasalukuyang humaharap sa matinding kalbaryo matapos umanong tanggihan ng kanyang kumpanya ang kanyang kahilingan na makauwi sa Pilipinas, sa kabila ng kanyang lumalalang kondisyon sa kalusugan. Ayon sa pahayag ng kanyang kaanak, noong Hunyo 2024 ay nagsimulang makaranas si JR ng pananakit ng balakang at pwetan, kalakip pa ng pagdumi na may kasamang dugo. Sa una ay inakala niyang ito ay normal lamang, ngunit kalaunan ay hindi…
Read MoreCORRUPTION, PAGKAGAHAMAN ANG NAGPAPALALA SA KALAMIDAD
DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG mayroong nagpapalala sa kalamidad na ang mga ordinaryong mamamayan ang nabibiktima, ay ang corrupt officials mula noon hanggang ngayon, at kagahamanan ng maimpluwensyang mga negosyante na kasabwat ang government officials. Isang matibay na halimbawa rito ang kalamidad na naranasan ng mga Cebuano at Negrenses nang manalasa ang Bagyong Tino noong mga unang araw ng November, na maliwanag na bunga ng corruption at pagkagahaman. Laging magkadugtong ang katiwalian ng mga taong gobyerno at kagahaman ng mga negosyante o pribadong mga tao na nagdudulot ng matinding kalamidad…
Read MoreKALAMIDAD NA ANG NAGPAPATUNAY, NAKAMAMATAY ANG KORUPSYON
PUNA ni JOEL O. AMONGO KALAMIDAD na mismo ang nagpapakita o nagpapaalala na dapat tigilan ng mga nasa gobyerno ang kanilang pagsalaula sa kalikasan at pagnanakaw sa kaban ng bayan. Iba ang ganti ng kalikasan, walang makapipigil at walang magagawa ang mga tao, pero maaaring maibsan ang tama nito depende sa mga tao rin. Tulad ng pananalasa ng Bagyong Tino nitong nakaraan, sa komunidad na mismo ng Cebu City dumaloy ang tubig-baha na may dalang naglalakihang mga bato, punong kahoy at iba pa na humambalang sa gitna ng nasabing siyudad…
Read MoreAMA SALAMAT NA PINAHINA MO ANG BAGYONG UWAN
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS PINASASALAMATAN natin ang Amang nasa langit na bagama’t napakalawak at napakalakas ng Bagyong Uwan ay walang masyadong nagbuwis ng buhay sa ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar na sinalanta nito. Sana ay hindi na madagdagan pa ang naiulat ng Office of Civil Defense (OCD) na dalawa katao lang ang nagbuwis ng buhay sa pananalasa ng Bagyong Uwan sa nakalipas na mga oras. Kung pagbabasehan natin ang reports ng weather agencies ng bansa, ang lawak ng sakop ng Bagyong Uwan ay mula Surigao sa…
Read MorePAGWASAK SA KALIKASAN, PAGWASAK SA BUHAY
EDITORIAL TUWING may bagyong dumaraan sa Pilipinas, pare-pareho ang balita — mga bahay na nilulubog ng baha, mga bundok na gumuho, at mga pamilyang nawawalan ng tahanan sa isang iglap. Ngunit sa likod ng mga trahedyang ito, may mas malalim na dahilan: ang unti-unting pagkasira ng ating kalikasan dahil sa sobrang pagku-quarry at pagkakalbo ng kagubatan. Ang mga pagbaha ay hindi lamang likha ng kalikasan, kundi bunga rin ng kasakiman ng tao. Sa iba’t ibang lalawigan, ang mga bundok na dating luntian ay ngayo’y kalbo at sugatan. Kinayod ng quarrying…
Read MoreAPEKTADO NA EKONOMIYA SA TALAMAK NA KATIWALIAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO BUMAGAL ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa 4% nitong third quarter ng taon. Ito ang pinakamababang lebel sa loob ng higit isang dekada kung hindi isasama ang panahon ng pandemya. Ayan, isa raw sa dahilan ang korupsyon sa flood control projects at ang epekto ng mga kalamidad. Naku, hindi pa mawawala ang isyu ng eskandalo ng korupsyon kaya malabong makamit pa ang paglago ng ekonomiya sa 5.5 hanggang 6.5 porsyento ngayong taon. Dahil lugmok ang ibang nasalanta ng mga kalamidad ay rerendahan din nila ang…
Read More