CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATINDI ang paratang ni Senator Rodante Marcoleta na tila itinago ng pamunuan ng Senate Blue Ribbon Committee si Martin Romualdez sa gitna ng imbestigasyon sa flood control corruption. Ayon kay Marcoleta, sa halip na harapin ng Senado ang seryosong alegasyon laban sa dating House Speaker, ginamit pa raw ang inter-parliamentary courtesy upang hindi ito mapatawag at makaharap sa mga tanong. Kung tama ang sinabi ni Marcoleta, malaking tanong ito sa kredibilidad ng imbestigasyon ng Komite sa pamumuno ni Senator Panfilo Lacson. Sa mga nakaraang pagdinig, paulit-ulit…
Read MoreCategory: OPINYON
Team Building ng Media sa HOR huwag Paniwalaan, Speaker Dy!
Balitang ‘di Kanais-nais MAY nakarating na “Marites” sa Balitang ‘Di Kanais-nais mula sa informant ng pitak na ito, na plano ng grupong Sindikato ng Media sa loob ng House of Representatives, na magkaroon ng isang Team Building na binubuo ng house accredited media, sa madaling salita bultuhan. Wow! Super dami n’yan, tila mahigit sa 100. Ayon sa source, ang binabalak na team building ng Media Syndicate sa HOR ay hindi para sa buong Accredited Media kundi sa mangilan-ngilang reporter na ang nais ay mangolekta ng budget para sa planong outing,…
Read MoreKAPAG GINAWANG CONTENT ANG KAPANSANAN
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISANG lalaki ang nakapila sa priority lane ng ticket station sa LRT-1. Habang papalapit siya sa counter, kapansin-pansin ang kanyang paglakad na tila pilay. Para bang hirap siyang igalaw ang isang paa. Ngunit pagkapasok niya sa gate ng istasyon, tila nawala ang pagkapilay at diretso na siyang naglakad papunta sa platform. Ang video ay unang kumalat sa TikTok mula sa account na gumagamit ng pangalang @naughty.perry. Ayon sa mga nakakakilala kung saan nangyari ang lugar na ito, ang insidente ay nangyari sa Monumento Station.…
Read MoreBAKIT NAGAGAWA NG ILAN NA MANATILI SA KAPANGYARIHAN AT MAGSAMANTALA SA SALAPI NG BAYAN?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KUNG talagang seryoso ang sinomang nanunungkulan sa gobyerno sa kasalukuyan ay panahon na po marahil na magwalis-walis ang mga ito sa loob at labas ng kanilang tahanan. Iyon po ang nakikitang solusyon ng inyong abang lingkod para magkaroon ng tahimik na kalooban si Juan Dela Cruz, ang mailagay sa basurahan at maitapon at masunog ang mga basura ng pamahalaan. Graft and corruption, pandarambong, pang-aabuso sa poder, kapabayaan at kainutilan sa serbisyo publiko at marami pang iba — ang mga ito po ang mga problema.…
Read MoreGIYERA SA GITNANG SILANGAN, MALAKI EPEKTO SA PILIPINAS AT BUONG MUNDO
RAPIDO ni PATRICK TULFO PINANGANGAMBAHAN nga na tumagal pa ng ilang linggo o buwan ang hidwaan sa pagitan ng US, Israel at Iran. Ngayon pa lang ay malaki na ang epekto nito sa buong mundo, lalo na sa Pilipinas. Tuluyan nang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo at malamang susunod na rito ang presyo ng mga bilihin at pamasahe. Dapat ay magkasa na ang gobyerno ng kanilang contingency plan sakaling magtuloy-tuloy ang kaguluhang ito. Hindi kakayanin ng simpleng mamamayan ang napakataas na presyo ng bilihin. Para sa isang empleyado…
Read MoreSERBISYONG MODERNO AT PANANAGUTAN SA PAMAHALAAN, ISINUSULONG NI ASENSO PINOY REP. INDY OAMINAL
TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na sa gitna ng patuloy na hamon sa serbisyong pangkalusugan at pamamahala sa bansa, mahalagang makita ang mga lider na hindi lamang nagmumungkahi ng pagbabago kundi aktibong kumikilos upang maisakatuparan ito. Isa sa mga ganitong hakbang ang isinusulong ni Asenso Pinoy Representative Atty. Indy Oaminal na naglalayong gawing mas moderno, episyente, at responsable ang sistema ng pamahalaan. Sa pagdinig ng House Committee on Health, binigyang-diin ni Oaminal ang pangangailangang i-modernize ang mandatory immunization program ng bansa. Lumalabas sa datos ng Department of Health…
Read MoreTAPUSIN NA MGA BALIMBING
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATAGAL nang bahagi ng bokabularyong pampulitika sa Pilipinas ang salitang “balimbing.” Ito ‘yun kilalang bansag sa mga politikong kayang magpalit ng kulay, partido, at paninindigan depende sa ihip ng hangin ng kapangyarihan. Sa tuwing may bagong administrasyon, tila ba may migration ng mga halal na opisyal kaya lahat ay gustong mapunta sa mayorya at nakalimutan na ang ipinangakong prinsipyo sa taumbayan. Kaya’t mahalagang pag-usapan ang panukalang nakabinbin ngayon sa House of Representatives na tinawag na House Bill 7914 o Political Party System Reform Act, na naglalayong…
Read MoreUMUWING MAHIGIT 300 PINOYS GALING DUBAI, EFFORT NG UAE, ‘DI NG PHIL. GOV’T?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY lumabas na isyu ngayon na inaangkin daw ng kasalukuyang administrasyon ang umuwing mahigit sa 300 Pinoys mula sa Dubai na sakay ng eroplano ng United Arab Emirates (UAE), sinabing sila ay bahagi ng repatriation program ng pamahalaan? Ito ay taliwas sa katotohanan dahil mismo ang pamahalaan ng UAE ang gumawa ng hakbang para mapauwi sa Pilipinas ang mga Pilipino na na-stranded sa kanilang bansa. Kung mayroon mang iilang OFWs na naisama sa biyahe pauwi sa Pinas, sila ay pawang may mga ticket na ngunit…
Read MoreGIYERA SA MIDDLE EAST UMEPEKTO NA SA PINAS
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI maiwasan na madadamay ang Pilipinas sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Israel, Amerika at Iran dahil matapos na pumutok ang sigalot ay sinundan naman ito ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Natural, ‘pag tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, kaakibat niyan ang pagtaas din ng presyo ng mga pangunahing bilihin na ginagamitan ng transportasyon. Hindi maihahatid sa mga pamilihan ang mga produkto mula sa mga sakahan kung hindi nila isasakay sa mga truck na nagdedeliber nito. Gumagamit ng mga traktora…
Read More