LUMIPAD patungong Dubai si Tokyo Olympian Eumir Marcial noong Sabado upang lumahok sa Asian Elite Boxing Championships kung saan plano niyang ipagpatuloy ang kanyang paghahanda para sa XXXII Palaro ng Olimpiyada na nakatakdang ganapin sa Tokyo dalawang buwan mula ngayon. Ang torneo sa Dubai, na nakatakdang magsimula ngayong araw ay huling yugto ng kanyang paghahanda sa layong mahandugan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya mula sa tuwing ika-apat na taong pagtitipon ng pinakamahuhusay na atleta sa daigdig. Dala ng 25 anyos na Zamboangueño papuntang Dubai ang halos pitong buwang paghahanda…
Read MoreCategory: OPINYON
PURO TAGA-ADMIN ANG PUMOPORMA
AMININ man ng administrasyon o hindi, nagseself-destruct sila sa pamumuno sa ating bansa. Marami silang mga pahayag at desisyon ang isinusuka ng sambayanang Filipino. Malaki ang epekto nito sa sinumang kandidato ng administrasyon, hindi lamang sa pampanguluhan kundi maging sa kanilang mga kandidato sa senado sa susunod na eleksyon. Pero magtataka ka, halos lahat ng mga pumuporma sa susunod na eleksyon ay taga administrasyon. Hindi lang sa presidential race kundi sa senatorial race. Actually hindi na napag-uusapan ang local election eh. Nagsimula akong mag-cover sa pulitika noong 1995 at maraming…
Read MoreANO KAYA SUSUNOD SA COVID-19?
MARAMI ang nagtatanong kung ano kaya ang susunod na mangyayari pagkatapos ng COVID-19? Bagama’t hindi pa natatapos ang problema ng maraming bansa sa pananalasa ng COVID-19 ang iba naman ay panay na ang ginagawang girian. Tulad na lamang nitong nakalipas na linggo ng sumiklab ang bombahan sa pagitan ng Israel at ang militanteng Hamas sa Gaza Strip. Nagalit umano ang militanteng Hamas sa ginawang pagpapaalis ng Israeli military sa ilang Palestinong Muslim sa isang Mosque sa Jerusalem. Kaya sa galit nila ay nagpakawala sila ng daan-daang bomba na pinuntirya nila…
Read MoreSi Eumir Marcial mukhang pera?
ISANG atleta lamang ang maaaring makaintindi sa isang atleta. Hindi ang ilang lider ng sport. Ito ang leksiyong naipahatid ng sikat na basketbolistang si Thirdy Ravena sa lahat ng atletang kapareho niya, kabilang ang boksingero at Olympic qualifier na si Eumir Marcial. Kamakailan, ang tatlong beses na kampeon sa UAAP ay napaulat na nag-alok ng tulong sa Pilipinong dating world junior middleweight champion, na napaulat na may hidwaan sa Association of Boxing Alliances of the Philippines. Ang problema ni Marcial at ng ABAP ay hinggil sa napipintong paglahok ng boksingero…
Read MorePINOY NA LAGING BUGBOG SARADO SA AMO GUSTO NANG UMUWI SA BANSA
ISA na namang kababayan natin ang nagparating sa atin ng mapait niyang karanasan at humihiling na siya ay matulungan para makauwi na dito sa bansa. Siya ay si Muslimin Haron Imam na nagtatrabaho bilang waiter at cashier sa Riyadh, Saudi Arabia. Nagsimula siyang magtrabaho sa Saudi noong 2017 sa pamamagitan ng A&W International Manpower Services Specialist. Ang pangalan ng kanyang amo sa Saudi ay Hamdah Husain Ak Mukhles na walang tigil ang ginagawang pambubugbog sa kanya at kahit pa tapos na ang kanyang kontrata ay ayaw siyang pauwiin, hindi na…
Read MoreOJT SA BI, MINAMANYAK?
ANG kabataan ang pag-asa ng Bayan. Ito ang wika ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ngunit paano na lang kung ang ating mga kabataan ay pagsamantalahan ng ilang mga mapagsamantalang opisyales ng ating pamahalaan? Nangyayari ang ganitong kaso sa Bureau of Immigration (BI) kung saan ay maraming mga kababaihan na may angking kagandahan ang kumakapit sa patalim at ang iba naman ay nananatiling tikom na lamang ang bibig sa mapait na nangyayari sa kanila sa kamay ng isang mapagsamantalang opisyales sa ahensiya. Ang mga College Students mula sa…
Read MorePATUNAYAN NINYONG WALANG KORAPSYON SA FDA
MARAHIL nagsimula na ang Anti – Red Tape Authority (ARTA) sa pagtanggap sa mga paliwanag ng Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa reklamong pagkaantala ng mahigit 600 aplikasyon ng iba’t ibang kumpanya upang maibenta na sa mga palengke ang kanilang mga produkto. Kasama sa mga aplikasyon ay isinumite pa ng mga kumpanya noong 2014. Pokaragat na ‘yan! Hindi pa si Rodrigo Duterte ang pangulo ng Pilipinas n’yan. Hindi pa si Undersecretary Rolando Enrique “Eric” Domingo ang administrador ng FDA n’yan. Nang nabunyag sa media ang aksyon ng ARTA hinggil…
Read MorePANGANGAMPANYA NG MGA POLITIKO NALIMITAHAN NG COVID
KUNG hindi dahil sa COVID-19 na hindi pinigilan ng China na kumalat sa buong mundo, malamang kabi-kabila na ang pangangampanya ng mga politikong tatakbo sa susunod na eleksyon. Bago sumabog ang COVID-19, pagtuntong ng ganitong mga panahon ay kabi-kabila na ang pangangampanya ng mga politiko. Nandyan yung magpapatawag ng pulong sa bawat barangay ang mga local officials para magparamdam. Bawat barangay pinupuntahan na ni Mayor lalo na sa mga probinsya na hindi niya ginagawa kapag nanalo na siya. Saka lang sila magpaparamdam isang taon bago ang eleksyon. Kaya kunwari 50…
Read MoreMARAMI PA RING PASAWAY
MAHIGIT isang taon na tayong naghihirap dahil sa COVID-19 pero ang dami pa ring mga Pinoy ang pasaway. Tulad na lamang kamakailan nang dagsain ng mga tao ang Gubat sa Ciudad sa Brgy. 171 Bagumbong, Caloocan City kasabay ng selebrasyon ng Mother’s Day. Sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa mass gathering kasabay pa ng pagpapatupad ng mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capitol Region plus ay binalewala pa rin ito ng pamunuan ng Gubat sa Ciudad. Mahigit kumulang sa limang daang katao ang dumagsa sa nasabing…
Read More