DPA ni BERNARD TAGUINOD NOON pa man ay hindi na ako sang-ayon sa ayuda ng gobyerno dahil ginagamit lang ito ng mga congressman para sa kanilang PR as in public relations sa mga tao, as in pampabango ng kanilang pangalan kapag bumabaho na. Noong nakaraang midterm election campaign, hindi na nangampanya para maglatag ng kanilang plataporma ang mga congressional candidate lalo na ang mga incumbent, dahil sa ayuda. Ang ginawa nila, iniipon nila ang 1,000 hanggang 1,500 recipient ng iba’t ibang ayuda program sa isang lugar at bago ang pamimigay…
Read MoreCategory: OPINYON
BARZAGA KINASTIGO SA ‘PANGTO-TROLL’ SA KONGRESO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPANOOD n’yo ba ang pang-aasar ni Cong. Kiko Barzaga kay Majority Floor Leader Sandro Marcos? Pinag-usapan sa social media ang Facebook live ng batang kongresista na kilala rin bilang Cong. Meow na para sa marami ay uri ng pangto-troll. Hindi na raw debate ang ginawa nito. Pang-aalipusta na. Tamang asal ba ‘yun ng isang mambabatas? Ang Kongreso dapat ay tahanan ng talino at dangal. Hindi ito kanto na espasyo ng bastusan. Kung kabastusan ang ginawa, aba hindi ata iyon akma sa mabuting asal na dapat ipamalas…
Read MorePAGGISA KAY GUTEZA PAGLILIHIS SA TUNAY NA ISYU?
PUNA ni JOEL O. AMONGO LALO pang nawawalan ng tiwala ang taumbayan sa takbo ng isinasagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado dahil imbes na ang iginigisa nila ay ang itinuturong may sala, ay ang kredibilidad ng testigo ang kanilang pinagtutuunan ng pansin. Sabi tuloy ng ilan, paglilihis ang ginagawa ng Blue Ribbon Committee lalo na kapag sa isyu ng pagdawit ng pangalan ni dating Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects. Nitong nakaraan, iprinisinta ni Senator Rodante Marcoleta na ipinagpaalam niya kay Blue Ribbon Committee chairman Sen.…
Read MoreCORRUPT OFFICIALS ‘DI MAKALILIGTAS
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KAHIT ano pa ang katatanggi ng mga nagnakaw sa kaban ng bayan ay hindi sila makaliligtas sa mga mata ng taumbayan at ng Ama na nasa langit. Sa katunayan, ngayon pa lang ay marami ang nagsusubaybay kung saan napunta si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co. Noon ay sinabi na nasa Amerika si Co at nagpapagamot sa isang ospital, subalit kalaunan ay sinabing nasa Spain kung saan ay hinahanap siya roon ng mga Pilipino. Hindi na mapigilan ng mga Pilipino ang galit nila kay…
Read MoreCOA: HINDI NATUTULOG NA BANTAY NG KABAN NG BAYAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANG suspensyon ng 16 opisyal at empleyado ng DPWH–Bulacan First District Engineering Office ay hindi simpleng parusa lang—ito ay resulta ng matinding pagbabantay at seryosong trabaho ng Commission on Audit (COA) sa pamumuno ni Chairman Gamaliel A. Cordoba. Noong Setyembre 8, isinumite ni Cordoba ang Fraud Audit Reports na tumukoy sa maanomalyang flood control projects sa Calumpit at Baliuag, Bulacan, na nagkakahalaga ng halos P345.8 milyon. Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng irregularities sa bidding, overpricing ng materyales, at ghost accomplishments sa ilang bahagi ng proyekto. Ang…
Read MoreFUND CONTROL
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NITONG nakaraang linggo, naging saksi ako sa tindi ng galit ng napakaraming residente sa condo na aking tinitirahan. Bigla kasing nawalan ng kuryente sa buong complex at maraming trabaho ang naantala at mga taong napeste. Minsan talaga may mga aberya pero ang ikinagalit kasi ng mga residente — ang kawalan ng maayos na impormasyon tungkol sa dahilan nito, at ang paninisi ng administrasyong namamahala sa condo. Mahigit isang araw nawalan ng kuryente kaya talagang sumasabog ang group chats dahil sa sobrang galit na mga tao.…
Read MorePINOY INI-SCAM ANG MGA OFW GAMIT ANG PANGALAN NG MWO
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP Al Khobar, Saudi Arabia – Dumulog sa ating pahayagan ang tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na biktima umano ng isang kapwa Pinoy na nagngangalang Ali, na ginagamit ang pangalan ng Migrant Workers Office (MWO) at ng Philippine Embassy upang makapanloko. Ayon kay Ronel, isa sa mga biktima, nakilala niya si Ali bilang isang negosyante na nagpapakilalang konektado sa mga opisyal ng MWO at embahada. Sa simula ay naging maayos ang kanilang pakikitungo hanggang sa hiningi ni Ali ang kanyang Iqama upang gamitin sa…
Read MoreSERBISYONG MAY MALASAKIT, SERBISYONG MAYOR SUSAN YAP
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG patunay ng malasakit at responsableng pamamahala ang isinagawang Financial Assistance Payout ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac nitong Setyembre 25 sa Bulwagan ng City Hall. Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) at City Treasury Office, katuwang si Mayor Susan Yap, naiparating ang tulong-pinansyal sa mga Tarlakenyong higit na nangangailangan. Hindi maikakaila na sa panahon ngayon, malaking pasanin ang gastusin sa kalusugan at biglaang pangyayari tulad ng sunog at pagkamatay ng mahal sa buhay. Kaya naman ang programang nakalaan para sa pambayad…
Read MoreMAY GOBYERNO NA SA MAYNILA, MANANAGOT KAYO! – YORME ISKO
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ANAK ng tipaklong, ano’ng napala n’yo mga tolongges na nanggulo sa inaasahan na peaceful protest rally noong Linggo, Set. 21, 2025 sa Maynila – magdusa kayo sa piitan. Ok ang magpahayag ng damdamin, ng hinaing at pagtutol sa laganap na korupsyon, pero ang manira ng ari-arian ng gobyerno at ng mga establisimyento, ‘yun ang mali, at tama si Manila Mayor Isko Moreno, sila ay dapat na panagutin, kasi vandalism na ang ginawa ng 216 indibidwal na tangan ng Manila Police District (MPD). Sa bilang…
Read More