AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP NAPAKARAMING liham o email akong natatangap araw-araw na kung saan ang mga OFW o mga kamag-anak ng mga OFW ay humihingi ng tulong para sa kanilang mga kapamilya na nasa ibang bansa. Isa sa nakapukaw ng aking pansin ay ang email na ipinadala ng kapatid ng isang nurse na nasa Saudi Arabia na isa ring kawani ng ating gobyerno na tila sa kawalan na ng pag-asa, ay lumapit na sa AKOOFW. Ayon sa kanyang liham ay kabilang ang kanyang kapatid sa pitong (7) nurses na…
Read MoreCategory: OPINYON
ONLINE CIVIL SERVICE EXAMS ANGKOP SA ‘NEW NORMAL’
FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES IKINAGAGALAK natin ang pagtugon ng Civil Service Commission sa panawagan na gawing online na ang government eligibility examinations. Natutuwa tayo na kinikilala ng CSC ang pangangailangan na mag-adjust ayon sa dinidikta ng panahon. Kaisa ako ng ibang kababayan nating nananalig na maihabol pa natin na magkaroon ng civil service exam ngayong huling quarter ng taon. Matatandaang una nang sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na ang kanilang tanggapan ay inatasan na magsagawa ng pag-aaral, pagsusuri, at pangangalap ng mga alternatibong paraan upang maisagawa ang…
Read MoreOA ANG SECURITY NI CONGRESSMAN
BLIND Item ulit tayo: Sino itong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na mistulang takot na takot at sobrang OA as in over acting sa kanyang security dahil kung umasta ang kanyang mga security ay parang head of state ang kumag. Mismong ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent ang naka-Saksi kung gaano ka-OA ang security ng mambabatas na ito nang dumating sa Batasang Pambansa para magtrabaho at i-secure ang kanyang pondo. Bagama’t 30 kilometer per hour lamang ang pinapayagang takbo ng mga sasakyan sa loob ng Batasan Complex,…
Read More‘SAN FERNANDO’, FOLK SAINT NG MASANG FILIPINO
SA sobrang dami ng problema tungkol sa korapsyon sa administrasyong Duterte, hindi gaanong napag-uusapan ang dalawang panukalang batas hinggil sa pagpapalit ng “Del Monte Avenue” sa “Fernando Poe Jr. Avenue” sa Quezon City. Nakasalang sa Senado ang Senate Bill No. 1822 at sa Kamara de Representantes naman ay ang House Bill No.7499. Tahasang tutol dito ang Orders of Friars Minor (OFM) of San Pedro Bautista dahil sa makasaysayang kahulugan ng pangalang Del Monte Avenue. Ang nasabing kalye at ang nakapalibot na pamayanan/distrito rito ay ipinangalan sa “retreat” na itinatag ni…
Read MoreOFW NA NAKAKULONG SA IBANG BANSA, HUMIHINGI NG SAKLOLO
KAGABI sa aming programa na Usapang Pangkapayapaan-Usapang Pangkaunlaran o UP UP Pilipinas kasama si Philippine Air Force Colonel Geraldo Zamudio, ang aming topic ay ukol sa “ethics in Online Broadcasting” at ang aming bisita ay isang batikan sa online broadcasting at Pangulo ng Philippine Online Broadcaster Association (POBA) na si Eroll Consulta Dacame. Maraming magagandang impormasyon ang naibahagi ni ginoong Dacame at umaasa ako na maraming mga online broadcaster ang mas naliwanagan sa mahalagang parte na kanilang gagampanan sa paghahatid ng tamang impormasyon at pati na rin sa pagbibigay ng…
Read MorePASKO HINDI MAPIPIGILAN NG COVID-19
BAGAMAT dumadaan ngayon ang mga Pinoy sa kahirapan dahil sa Covid-19 pandemic ay nananatili pa rin tayong matatag at may positibong pananaw na malalagpasan natin ang pagsubok na ito. Kitang-kitang sa paligid natin lalo na sa mga commercial establishments pagdating ng gabi ang mga kumukuti-kutitap na kislap ng ibat-ibang kulay ng mga naggagandahang ilaw ng mga Christmas lights. Nagpapantunay lamang na ang mga Pinoy ay hindi nagpapatalo o nagpapaapekto sa banta ng Covid-19. Pagpasok pa lamang ng buwan ng Setyembre ay nagsimula na ang iba na maglagay ng palamuti para…
Read MorePALPAK NA MADRAS SECURITY PRINTERS, PASADO SA NEDA AT PSA
PALAGAY ko, inaabangan ng publiko ang susunod na aksyon ni Senadora Imee Marcos sa ginawa ng National Economic Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa national I.D. dahil mukhang mayroong anomalya rito. Nitong Oktubre 9, hiningan ni Marcos ng kagyat na paliwanag ang NEDA at PSA tungkol sa pagka panalo ng Madras Security Printers at Mega Data Corporation sa naganap na bidding para sa paggawa ng pambansang I.D. Ang Madras ay pag-aari ng mga negosyanteng Indian, samantalang ang Mega Data ay mga negosyanteng Filipino naman ang nagmamay-ari.…
Read More“Walang dapat ikahiya!”
ITO ang mensaheng ipinarating ni Pilipino-Amerikanong coach na si Erik Spoelstra sa mga miyembro ng Miami Heat, sa kanilang mga taga-sunod at sa media sa aniya’y bigong kampanya nila sa 2020 NBA. Naging emosyonal ang malambot magsalitang si Spoelstra sa paglalarawan ng madawag na daang tinahak ng kanyang koponan sa NBA Finals bubble na natapos noong Linggo, kung kailan natamo ng Los Angeles Lakers ang kanilang ika-17 titulo. Ang malayong agwat ng resulta ng Game 6 sa pitong larong serye ay hindi inaasahan ni Spo at ng kanyang mga manlalaro,…
Read MoreINFO FARMING
MABUTI naman at binigyan ng Malacanang ng atensyon ang ‘information farming” na ginagawa ngayon, hindi lamang ng mga ahensya ng gobyerno kundi ng pribadong sektor, ngayong panahon ng pandemya. Bago ka makapasok sa isang establishment, kailangang magfill-up ka muna sa form na ibibigay sa iyo. Isulat mo run ang complete address mo, contact number, email address at siyempre pangalan mo. May mga guwardya ang masyadong mahigpit, magpapakita ka ng ID para i-check kung tama ba ang impormasyon na isinulat mo sa form nila, Naninigurado sila masyado. Kailangan daw yun para…
Read More