P61.2-M SHABU NASAMSAM, TARGET NA 4 HVIs ARESTADO

HUMIGIT-KUMULANG sa siyam na kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa inilunsad na joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa Brgy. Bacao 1, General Trias, Cavite noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, apat na hinihinalang mga kasapi ng bigtime drug syndicate ang naaresto sa pinagsanib na anti-drug operation na isinagawa sa pangunguna ng PDEA Regional Office – NCR Northern District Office, katuwang ang PDEA RO-NCR Regional Special Enforcement Team…

Read More

BAGONG PGH PLANONG ITAYO SA CAVITE

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa General Trias, kasabay ng paglalatag ng plano para sa bagong ospital ng Philippine General Hospital sa lalawigan. Sa “Bawat Bayan Makikinabang” event, sinabi ng Pangulo na layunin ng financial assistance at rice aid na matulungan ang mga komunidad sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at bilihin. Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pondo ang mga lokal na pamahalaan mula sa Local Government Support Fund kapalit ng pamamahagi ng bigas sa mga residente. “Bawat dalawang buwan may…

Read More

DAMBUHALANG BLUEFIN TUNA, NALAMBAT SA QUEZON

ISANG dambuhalang bluefin tuna na tumitimbang ng 253 kilos, ang nalambat ng mga mangingisda sa Infanta, Quezon. Dumaong ang bangka sa Dinahican Fishport noong Sabado ng umaga, kung saan anim katao ang nagtulong-tulong upang maibaba ang napakalaking isda mula sa sasakyan-dagat. Ayon sa mga mangingisda, ilang araw nilang pinaghirapan ang pangingisda at paglalambat sa karagatang bahagi ng Pacific Ocean sa silangan ng Quezon at Aurora bago nila nahuli ang naturang tuna. Sa kabila ng laki at bigat ng huli, sa halip na malaking kita, problema sa presyo ang kanilang kinaharap.…

Read More

AFP, US FORCES MAGSASAGAWA NG LIVE FIRE EXERCISE SA LUZON

KASUNOD ng deployment ng US Marine Corps ng kanilang Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS), isang makabagong land-based anti-ship missile system ang nakibahagi sa joint Balikatan 41-2026 “Maritime Key Terrain Security Operations” (MKTSO) na layuning palakasin ang kakayahan ng Pilipinas at US na depensahan ang mga estratehikong karagatan sa bansa. Nakatakda namang magsagawa ngayong Lunes Mayo 4, 2026, ng Counter-Landing Live Fire Exercise North ang mga sundalong kasali sa nagaganap na joint Balikatan 41-2026 sa La Paz Sand Dunes, Laoag City, sa Ilocos Norte. Bahagi ito ng mas malawak na…

Read More

DELIVERY RIDER, TIMBOG SA P4-M DROGA SA LUCENA

ARESTADO ang isang high value individual sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City matapos makumpiskahan ng mahigit dalawang daang gramo ng hinihinalang ilegal na droga. Kinilala ang suspek na si alyas “Charles”, 31-anyos, isang delivery rider at residente ng Parañaque City. Naaresto ang suspek bandang alas-7:40 ng gabi noong Mayo a-uno sa Purok Masagana, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, ng pinagsanib na puwersa ng Lucena City Police at Quezon Maritime Police, sa koordinasyon ng PDEA. Nakumpiska mula sa suspek ang anim na plastic bag at isang sachet ng hinihinalang shabu…

Read More

NDRRMC, PNP NAKA-RED ALERT SA CEBU PARA SA ASEAN SUMMIT

NAGTAAS ng alerto ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine National Police (PNP) sa Cebu kaugnay ng nalalapit na 48th ASEAN Leaders’ Summit. Ayon sa NDRRMC, itinaas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (RDRRMC)–Central Visayas ang alert status nito sa Red Alert simula Abril 30. Nabatid na naglabas ng Memorandum No. 22, Series of 2026 si RDRRMC Central Visayas Chairperson Director Joel Mamon upang ihanda ang mga kinakailangang hakbang para sa inaasahang pagdagsa ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.…

Read More

11 POLICE OFFICERS SINIBAK SA KASO NG MISSING SABUNGEROS

IPINAG-UTOS ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang dismissal ng 11 tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (RDEU-NCRPO) kaugnay sa mga kaso ng nawawalang sabungero. Ayon sa NAPOLCOM, napatunayan ang administrative liability ng mga akusado sa dalawang bilang ng grave misconduct at dalawang bilang ng conduct unbecoming of a police officer kaugnay ng mga kasong kidnapping. Kabilang sa pinatawan ng parusa ang mga sumusunod: Police Lieutenant Colonel Ryan Jay E. Orapa, Police Major Mark Phillip S. Almedilla, Police Senior Master Sergeant Mark Anthony A. Manrique,…

Read More

HIGIT 2K TRABAHO TAMPOK SA LABOR DAY JOB FAIR SA SM MARILAO

LIBU-LIBONG naghahanap ng trabaho ang dumagsa sa SM City Marilao sa isinagawang job fair kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day nitong Mayo 1. Ang aktibidad ay inorganisa katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang bahagi ng ika-124 na Labor Day, sa ilalim ng temang “Disenteng Trabaho Para sa Lahat: Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas Sama-samang Mararating,” kasama ang Provincial Public Employment Service Office (PESO) at Marilao Municipal PESO. Aabot sa 2,054 na bakanteng trabaho ang inalok sa mga aplikante mula sa iba’t ibang sektor. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito,…

Read More

P1-M SHABU NASAMSAM SA 4 HVIs SA RIZAL

APAT katao ang naaresto makaraang makumpiskahan ng mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team sa Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal noong Abril 29, 2026. Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), ang mga suspek na sina alyas “Evelyn”, 51; “Michael”, 50; “Eryll”, 26, at “Even”, 22, pawang itinuturing na high value individuals (HVIs). Sa pakikipagtulungan ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagresulta…

Read More