PLANONG paimbestigahan ni Senate President Vicente Sotto III ang pagkakait ng Food and Drug Administration (FDA) na gamitin ang gamot na Ivermectin laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19). Inilabas ni Sotto ang kanyang plano dahil hindi niya nagustuhan ang desisyon ng FDA na huwag ibenta sa mga botika ang Ivermectin. Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang aminin ni Sotto na umiinom siya ng nasabing gamot kada dalawang linggo makaraang makumbinsi siya ng ilang kaibigan hinggil sa “mataas na bisa” nito laban sa COVID-19. Hindi maintindihan ni Sotto kung bakit inaprubahan…
Read MoreMonth: May 2021
8 DAGDAG SA COVID DEATHS SA 3 CAMANAVA CITIES
INIULAT na walo ang namatay sa COVID-19 sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas noong Mayo 5, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, lima ang patay sa Caloocan City at pumalo na sa 27,406 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 25,202 na ang gumaling at 776 na ang namatay. Dalawa naman ang binawian ng buhay sa Navotas at 396 ang active cases makaraang 31 ang gumaling at 26 ang nagpositibo. Sumampa na sa 10,567 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, at sa naturang bilang…
Read MoreMOST WANTED SA SORSOGON HULI SA QC
ARESTADO ng District Special Operations Unit (DSOU) ang no. 3 most wanted person ng Gubat Municipal Police Station sa Sorsogon, sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City nitong Huwebes. Ayon sa report ni P/Maj. Sandie Caparroso, hepe ng District Special Operations Unit (DSOU), kinilala ang suspek na si Victor Espeña y Pelonia, 42-anyos, residente sa Brgy. Gubat, Sorsogon. Ang suspek na wanted sa kasong rape ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marion Jacqueline P. Poblete, presiding judge ng Branch…
Read MoreHackers ng account sa Facebook MAG-INA TIMBOG SA EXTORTION
ARESTADO sa entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang mag-ina matapos umanong kikilan ang babaeng hinack ang Facebook account, kapalit ng hindi pagpapakalat sa social media ng sex video ng biktima sa Sta. Mesa, Manila. Ayon sa ulat ng NBI-Sarangani District Office, bumiyahe pa mula sa Sarangani, General Santos City ang biktimang si “Amor” matapos itong payuhan na pumunta sa Manila. Makaraang mapagkasunduan ng biktima at ng mag-inang sina Maricar Sena at si Jingky Joy Sena ang pagpapadala ng pera, ay agad ikinasa ang…
Read MoreEugene Torre, World Chess Hall of Famer na
HUMIHINGI ng paumanhin ang SALA SA INIT… SALA SA LAMIG kay Filipino Chess Grandmaster Eugene Torre na naidambana na pala ng World Chess Federation sa World Chess Hall of Fame noong ika-20 ng Abril 2021. Kulang isang buwan nang huli ang SALA SA INIT …para bigyan ng pagkilala ang isang bayani ng Philippine sports na nakapagbigay ng karangalan hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa bansa at sa larangang napili niya hanggang sa maging Grandmaster siya. Pero naniniwala kami, ‘huli man ay naihahabol din.’ Ang pagiging GM ang pinakamataas,…
Read MoreEXCLUSION NG FOREIGN NATIONALS, GATASAN NG ILANG BI-AIRPORT OFFICIALS
MATAPOS na mabuking kamakailan ang mga fake exemptions ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa travel suspension na ipinataw ng IATF kaugnay sa pagpapasok ng mga Chinese workers sa bansa ay agad na nakialam ang National Task Force against COVID-19. Noong April 20, 2021 ay nagpalabas ng isang exemption si NTF Chairperson at Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na humihiling kina Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, DFA , Undersecretary Brigido Dulay at Civil Aeronautics Board, Executive Director Virgilio Dulay na payagang makapasok sa bansa ang may…
Read MoreP10K AYUDA NI CAYETANO KAPLASTIKAN LANG
MAY patalastas si Taguig – Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na lumalabas sa telebisyon tungkol sa P10,000 ayuda. Ang punto ng patalastas ay kagyat na pag-ukulan ng pansin ng Kamara de Representantes ang panukala niyang P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Filipino. Ilang araw na ang nakalipas, nagpalabas ng press release si Cayetano kung saan iniyabang nito na nagbigay ang kanyang pangkat ng P10,000 sa 200 manggagawa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Pokaragat na ‘yan! Si Cayetano po ay kinatawan ng unang distrito ng Lungsod ng Taguig at bayan ng…
Read More2 SENIOR NA MANGINGISDA NASAGIP NG PHIL. NAVY
NASAGIP ng Navy vessel BRP Alfredo Peckson (PC372) ang dalawang mangingisdang senior citizen sa San Pedro Bay, sa pagitan ng mga lalawigan ng Samar at Leyte noong Martes, Mayo 4. Ayon sa ulat, ang PC372, na ang kapitan ay si Lt. Commander John Paul Acio, PN, ay nagsasagawa ng Maritime Patrol sa Naval Forces Central area nang mamataan nila ang dalawang biktima habang palutang-lutang sa karagatan. Ang mga nasagip ay ang magkapatid na sina Alberto Ellema, 78-anyos, at Guillermo Ellema, 74-anyos. Ang magkapatid ay agad na nilapatan ng lunas, pinagpalit…
Read MoreESTUDYANTE KALABOSO SA P.5-M SHABU
MAHIGIT sa kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa isang 23-anyos na estudyante sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Malate, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Datu Asraf Saban y Rajamuda alyas “Datu,” binata ng Blk. 27, Lot 40, MCC Village, New Lower Bicutan, Taguig City. Base sa ulat ng MPD-Station 9, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa panulukan ng Mother Ignacia at Pres. Quirino avenues sa Malate, Manila na…
Read More