BATANGAS – Patay ang mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo matapos na masalpok ng kasalubong na truck sa national highway sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Analyn Gervacio at Daryl Gervacio. Batay sa report ng Rosario Police, patungong direksyon ng town proper ang mga biktima nang salpukin ang mga ito ng kasalubong na Isuzu truck na minamaneho ni Ferdinand Almadrones na patungo sa direksyon ng bayan ng Ibaan bandang alas-8:00 ng gabi. Biglang umanong sinakop ng truck ang linya ng mga biktima kaya nagkasalpukan.…
Read MoreMonth: May 2021
‘ASSET’ NG PULIS, PINATAHIMIK
SINASABING isang “asset” ng mga pulis ang “pinatahimik” ng umano’y hitman ng tulak ng ilegal na droga, makaraang pagbabarilin sa Malate, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Abraham Damil, 30, kaanib ng Commando Gang at residente sa 1254-A Gonzalo St., Malate. Samantala, ang mag-isang gunman na nakasuot ng gray jacket, short pants, ballcap at face mask ay mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Batay sa ulat ni Det. Dennis Suba, ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-4:40 ng hapon nang mangyari ang pamamaril sa panulukan ng C.…
Read MoreLOLA, 2 PA ARESTADO SA P17.5-M SHABU
ARESTADO ang isang 59-anyos na lola at dalawang umano’y kasabwat nito makaraang makumpiskahan ng tinatayang P17.5 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Bon Joni Visda y Angeles, 25, binata, istambay; Josephine Rada y Mago, 59, may asawa, istambay, at Mae Jane Rada y Mago, 23, dalaga, online seller, pawang ng B53, L3, Phase 12, Brgy. 188, Tala, Caloocan City. Nasakote ang tatlo sa kanilang bahay dakong alas-5:10 ng hapon matapos isumbong na umano’y nagtutulak ng ilegal na droga, Makaraan…
Read MoreTRAVEL BAN PINALAWIG
PINALAWIG ng Pilipinas ang travel ban nito sa mga byahero na magmumula sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka sa gitna ng mataas pa ring bilang ng COVID-19 cases. Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang mga byahero mula sa mga nasabing bansa ay hindi papayagan makapasok ng Pilipinas mula Mayo 7 hanggang Mayo 14. Sakop ng nasabing travel ban ang mga byaherong nanggaling sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka “14 days bago pa ang pagdating ng mga ito sa Pilipinas”. Nauna rito, ipinagbawal na ng Pilipinas ang…
Read MoreOrdinansa rerepasuhin ng DILG at LGUs ‘DI TAMA MAGSUOT NG FACE MASK HUHULIHIN
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kapulisan na hulihin at ikulong sa istasyon ng pulis ang mga pasaway na hindi isusuot nang maayos ang face mask sa pampublikong lugar. Nais din ng pangulo na imbestigahan ang mga ito at panatilihin ng 9 oras sa police station. Sa kanyang Talk To The People, sinabi ng Chief Executive na ang face mask ay “critical need” para mapigil ang pagsirit ng COVID-19 cases. “My orders to the police, those who are not wearing their masks properly in order to protect the public……
Read More15-TAON PUGANTE NALAMBAT NG PNP-PRO5
WINAKASAN ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director, P/Brig. General Jonnel C. Estomo ang 15 taong pagtatago ng puganteng rape suspect nang masakote ito sa Barangay Poblacion Zone 1, Del Gallego, Camarines Sur. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang rape suspect na si Reynaldo Baldon Melleza ng Sitio Bukal, Brgy. Kinatakutan, Tagkawayan, Quezon, itinuturing bilang top 4 most wanted personality sa bayan ng Gallego sa lalawigan ng Camarines Sur. Makaraan ang validation and intelligence operation, ikinasa ni P/Capt. Ermelo G. Dichoso, hepe ng Del Gallego Municipal Police, katuwang ang…
Read MoreSEAMAN NAMATAY SA QUARANTINE HOTEL
PATAY na nang matagpuan ang isang 41-anyos na seaman sa inookupahang silid sa isang quarantine hotel sa Paco Manila, iniulat ng pulisya nitong Huwebes. Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, inabutan ng hotel attendant na wala nang buhay ang biktimang si Marlon Regalado, seaman ng Philippine Transmarine Carriers Incorporated, tubong Tanauan, Batangas, sa silid ng Go Hotel na ginagamit na quarantine facility para sa mga seaman. Ayon sa imbestigasyon ni Det. Erikson Aguilar, dumating sa bansa mula sa Hong Kong ang biktima at nag-check-inn sa Go Hotel sa…
Read MoreKAMARA ISASARA MUNA PARA SA DISINFECTION
BILANG preparasyon sa pagbabalik-trabaho ng mga mambabatas sa Mayo 17, 2021, isasara muna ang lahat ng mga tanggapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Base sa memorandum na inilabas ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, walang pasok sa Batasan Complex mula Mayo 10 hanggang 14. Ito ay dahil isasailalim sa disinfection ang lahat ng mga tanggapan sa Batasan Complex at maihanda ito sa pagbabalik ng sesyon ng mga mambabatas mula sa isa’t kalahating buwang session break. Tatlong linggo na lang ang natitirang sesyon ng Kongreso sa 2nd Regular Session ngayong 18th Congress o mula…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-28 Bahagi) Proseso ng pamamagitan ‘di nagbunga para matuloy Pacquiao-Mayweather
TATLONG taon ang nakaraan matapos ideklara ng promoter ni Manny Pacquiao noong Enero 7, 2010 na si Bob Arum na patay na ang negosasyon para ilaban ang Filipino sa wala pang talong Amerikanong si Floyd Mayweather Jr., biglang sumulpot ang isang Pinoy na artista at waiter na si Gabriel Salvador na nagpresintang kaya niyang mamagitan sa dalawang kampo para matuloy ang sagupaang pinakahihintay ng buong daigdig ng boksing. Isang araw bago ang deklarasyon ni Arum, ang kampo ng eight-division world champion at seven-division world champion ay kinailangang sumailalim sa isang…
Read More