P10-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Mahigit sa P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa arestadong tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si alyas “Sian”, 30-anyos, binata. Ayon sa naantalang report ng pulisya, dakong alas-6:25 ng gabi noong Martes, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) RO NCR-EDO, kasama ang Philippine National Police (PNP) sa…

Read More

P5.8-M KUSH NASABAT SA PORT OF CLARK

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency ang P5.844 milyong halaga ng high-grade “kush” na idineklarang dried broccoli. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, nadiskubre ng mga tauhan ng Customs, katuwang ang mga ahente ng PDEA, ang 3,896 grams ng high-grade marijuana, na mas kilala bilang “kush,” na may street value na umabot sa P5,844,000 sa isinagawang interdiction operation sa Port of Clark. Nabatid na nagmula ang kontrabando na unang ideneklarang “freeze dried broccoli”, sa Thailand at…

Read More

TATAK VILLAR: CAMILLE VILLAR VOWS TO STRENGTHEN SUPPORT FOR THE AGRICULTURE SECTOR

Samahan ng Industriya ng Agrikutura (SINAG) partylist Rep. Rosendo So has endorsed Camille Villar’s senatorial bid, saying her continuous support in improving agriculture is vital for the farming sector. Campaigning in several towns in Pangasinan on Thursday, Camille Villar vowed to support more measures that would revitalize agriculture and livestock industry. Rep. So cited Camille has concern for the welfare of farmers, and poultry and livestock raisers — just like her parents, former Senate President Manny Villar and Sen. Cynthia Villar. Rep. So credited to the Villars the approval last…

Read More

KAHALAGAHAN NG CDO WARNING SYSTEM TINALAKAY

IPINALIWANAG ni DOST Secretary Renato Solidum ang kahalagahan ng Cagayan de Oro River Basin Flood Forecasting and Warning System na nagkakahalaga ng P300 million sa ginanap na inauguration ceremony na dinaluhan ni Japan Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary H. E. Endo Kazuya sa pakikipagtulungan ng kanilang Japan International Cooperation Agency (JICA). Layon nitong mamonitor ang sitwasyon tuwing nagkakaroon ng mga pagbaha sa naturang lugar. Kasama rin sa dumalo sina PAGASA Administrator Nathaniel Servando at iba pang local officials na idinaos sa Barangay Molugan, El Salvador City, Misamis Oriental. (BENEDICT ABAYGAR, JR.)…

Read More

TUP BINULABOG NG BOMB THREAT

NAGKAROON ng tensyon sa Technological University of the Philippines (TUP) makaraang makatanggap ng mensahe ang apat na estudyante sa magkakaibang oras, na may sasabog umanong bomba sa loob ng campus sa San Marcelino St., at Ayala Blvd., Ermita, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Unang nakatanggap ng mensahe ang apat na estudyante bandang alas-4:58 ng madaling araw at sumunod ng dakong alas-7:10 ng umaga at dakong alas-7:15 ng umaga. Dahil dito agad nilang pinagbigay-alam ito sa nakatalagang security guard sa compound ng TUP, na iniulat naman sa Manila Police District…

Read More

Sa kabila ng pagpapatigil COMELEC PATULOY SA PAGHAHANDA SA INTERNET VOTING

NAKAHANDA ang Commission on Elections (Comelec) na sagutin ang petisyon na inihain sa Supreme Court (SC) na naglalayong ipatigil ang pagboto sa internet sa May 12 midterm elections, pahayag ni Comelec Chairman George Garcia. Sa ngayon, sinabi ng poll chief, na nagpapatuloy ang kanilang paghahanda para sa internet voting sa 77 posts abroad at 16 posts ang gagamitin sa automated counting machines. Ang petisyon ay inihain ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) na sinabing ang paggamit ng digital ballots ay hindi awtorisado ng umiiral na batas. Gayunman, sinabi ni…

Read More

Dagdag-sahod, seguridad iginiit SLEX EMPLOYEES NAGLUNSAD NG BIGLAANG WELGA

NAGLUNSAD ng biglaang welga ang mga empleyado ng South Luzon Expressway o SLEX nitong Biyernes. Nagtipon-tipon ang mga manggagawa, bitbit ang kanilang mga plakard, sa Petron gas station sa Kilometer 54 ng SLEX Northbound sa Cabuyao, Laguna. Kabilang sa kanilang mariing ipinaglalaban ang agarang pagtaas ng kanilang sahod, pagbabalik sa trabaho ng mga empleyadong tinanggal umano nang hindi makatarungan, at ang pagkakaroon ng kasiguraduhan sa kanilang mga posisyon. Iginiit din nila ang matagal na nilang hinihiling na Collective Bargaining Agreement o CBA, at binigyang-diin na halos apat na taon na…

Read More

31 PULIS SIBAK SA ILEGAL NA PAGSISILBI NG WARRANT OF ARREST SA NEGOSYANTENG CHINESE

SINIBAK ni National Capital Region Police Office (NCRPO), Chief Police Major General Anthony Aberin, ang buong pwersa ng District Special Operation Unit ng Eastern Police District dahil sa umano’y pagtangay sa halos P85 milyon halaga ng alahas at pera sa isang negosyanteng Chinese National sa Las Piñas City. Kabilang sa nasibak ang dalawang opisyal ng EPD-DSOU na ngayon ay isinasailalim sa imbestigasyon. Inaalam na ni Aberin kung mayroon pang ibang kasama ang walong pulis na sangkot sa paghain ng ‘illegal’ arrest warrant. Samantala, tinanggalan na ng service firearms at kinumpiska…

Read More

Walang Pinoy na maiiwan; PINOY PARTY-LIST ISUSULONG DE KALIDAD NA EDUKASYON, JOB OPPORTUNITIES AT SERBISYONG MEDIKAL

SINIGURO ng Pinoy Party-list na walang mamamayang maiiwan sa mga isusulong nitong programa, partikular ang mga miyembro ng indigenous communities. Ipinangako ng Pinoy Party-list ang pagbibigay ng mas maayos na access sa edukasyon, job opportunities, at healthcare. Ayon sa nasabing party-list group, hindi lang nito basta layuning makakuha ng pwesto sa Kongreso kundi nais nitong magsilbing boses para sa marginalized groups at upang maiangat ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Ilan lamang sa mga programang pagtutuunan ng Pinoy Party-list ay ang mga may kaugnayan sa edukasyon, livelihood, at kalusugan ng mamamayan.…

Read More