RAPIDO ni PATRICK TULFO VIRAL ngayon ang nangyaring pagsagi ng bumbero sa isang nakaparadang kotse nang magresponde ito sa nagaganap na sunog sa Makati noong nakaraang linggo. Ayon sa report, kaliwa’t kanan ang parada ng mga sasakyan sa makipot na kalye ng Bangkal, Makati na naging dahilan upang masagi at matanggal ang side mirror ng itim na kotse. Naniningil pa nga ng danyos itong may-ari ng kotse sa driver ng bumbero na ginagawa lamang ang kanyang trabaho. Unang-una, mahigpit na ipinatutupad ng mga LGU (Local Government Unit) ang one-side parking…
Read MoreDay: September 15, 2026
PERSONAL EFFECTS DAW, P199.7M SHABU PALA!
On the Level ni JUNEX DORONIO “PERSONAL effects.” Iyan ang deklarasyon. Pero nang buksan ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA ang kargamento, hindi damit, sapatos o ordinaryong gamit ang sumalubong sa kanila. Shabu. Kush. Liquid methamphetamine. At hindi barya ang halaga. Umaabot sa tinatayang P199.7 milyon ang nakumpiskang illegal drugs. Kung may contest sa pagiging malikhain sa pagtatago ng droga, mukhang dapat nang isama sa shortlist ang mga nagpadala ng shipment na ito. Personal effects daw. Pero ang “personal” ay may kasamang 28,324 gramo ng hinihinalang shabu…
Read MoreSERBISYONG ARCILLAS SA STA. ROSA, MAAASAHAN AT NARARAMDAMAN
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ng kalamidad, mahalaga ang isang pamahalaang mabilis makakita at tumugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ito ang ipinakita ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa pamumuno ni Mayor Arlene Arcillas, nang mamahagi ito ng coco lumber sa mga barangay na naapektuhan ng pagbaha. Kabilang sa nabigyan ang Barangay Aplaya, Caingin at Sinalhan na malapit sa baybayin ng lungsod. Hindi lamang simpleng pamamahagi ng materyales ang hakbang na ito. Gagamitin ang coco lumber bilang pansamantalang foot bridge upang magkaroon ng alternatibong daanan ang mga residenteng…
Read MoreOBRERO NAGBIGTI SA BANYO NG PABAHAY
IMBES na harapin ang problema sa pamilya, pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang naisip na solusyon ng isang 43-anyos na construction worker na natagpuang patay sa comfort room ng isang proyektong pabahay sa Brgy. San Rafael 2, Noveleta, Cavite noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Crisanto”, binata ng Brgy. Sta Rosa 1, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima sa comfort room ng isang proyektong pabahay sa Brgy. San Rafael 2, Noveleta, Cavite bandang alas-8:30 ng umaga. Sinabi ng caretaker, bago nagpakamatay ang biktima…
Read MoreKAMPANYA LABAN SA CYBERCRIMES PAIIGTINGIN NG PNP
ALINSUNOD sa direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at DILG Secretary Jonvic Remulla, palalakasin ang pagpapatupad ng batas at mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko. Inatas ni PNP chief, PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na palakasin ng Anti-Cybercrime Group (ACG) at mga regional police unit ang kanilang mga hakbang laban sa online scam, pag-hack ng mga account, cyber fraud, at iba pang mga modus. Bilang pagtalima sa direktiba ng pangulo, pinaigting ng Pambansang Pulisya ang kampanya nito laban sa mga banta online kasunod ng malaking pagtaas sa…
Read MoreREMULLA, TUTULAK SA FRANCE PARA HADLANGAN ASYLUM BID NI ZALDY CO
NAKAPLANO ang biyahe ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla sa France upang tutulan ang iniulat na asylum bid ng puganteng dating Ako-Bicol party-list Representative Zaldy Co. Sa press briefing nitong Martes, Setyembre 15, kinumpirma ni Remulla na nasa France si Co at humihiling ng asylum. Ayon kay Remulla, layunin niyang kumbinsihin ang mga awtoridad ng France na hindi dapat pagkalooban ng asylum si Co at sa halip ay ibalik ito sa Pilipinas upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya. “Batay…
Read MorePADILLA KAKASTIGUHIN NG DOJ SA PAGTULONG MAKATAKAS SI ‘BATO’
KAKASTIGUHIN ng Department of Justice (DOJ) si Senator Robinhood Ferdinand Carino Padilla matapos siyang padalhan ng subpoena kaugnay ng umano’y pagtulong niya kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na makatakas sa Senate building noong Mayo 13, 2026. Nahaharap si Padilla sa reklamo sa ilalim ng Presidential Decree No. 1629 o kasong obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders. Iniuugnay ang reklamo sa umano’y pagtulong ni Padilla kay Dela Rosa na makalabas ng Senate building habang kasagsagan ng putukan noong Mayo 13. Batay sa CCTV footage, nakita umanong kasama ni…
Read MoreMALAKANYANG: BARMM PARLIAMENTARY ELECTION, MAPAYAPA AT MAAYOS
PARA sa Malakanyang, mapayapa at maayos ang idinaos na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Lunes, Setyembre 14, 2026, sa kabila ng ilang insidente ng karahasan na nagresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng ilang indibidwal. Tinukoy ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang initial assessments mula sa Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) kasunod ng unang parliamentary elections sa rehiyon. “The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Election conducted on Sept. 14, 2026 was generally peaceful…
Read MoreASYLUM BID NI HARRY ROQUE, WALANG BASEHAN – MALAKANYANG
BINIGYANG-DIIN ng Malakanyang na walang basehan ang asylum application ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque at iginiit na hindi political persecution ang mga kasong kinakaharap nito. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, suportado ng ebidensiya ang mga kasong isinampa laban kay Roque. Nauna rito, iniulat ni DILG Secretary Jonvic Remulla na tinanggihan na ang asylum application ni Roque matapos ang limang buwang proseso. Hindi naman tinukoy ni Remulla kung anong bansa ang nagbasura sa kahilingan nito. Sinabi ni Remulla na hihintayin muna ang…
Read More