PINUNA ng isang vlogger/social media influencer si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo sa pananahimik sa gitna ng flood control scandal, gayung malaki aniya ang naging papel nito sa pagbuo ng 2025 budget bilang chairperson ng House Committee on Appropriations. “Kamusta na kaya si Titser Stella Quimbo? Dati tricycle lang sinasakyan neto at mookha pa syang butikeng pagod, ngayon naka artista van at mas mayaman pa sa Principal hahaha!” post ni Jack Argota sa kanyang Facebook page. Pinuna ni Argota ang pananahimik ni Quimbo, at sinabing isa ang…
Read MoreDay: September 23, 2026
P10.16-B OP BUDGET, LUSOT NA SA HOUSE PLENARY
Pormal nang tinapos ng House of Representatives ang plenary deliberations para sa panukalang P10.16-bilyong pondo ng Office of the President (OP) para sa 2027. Ayon kay House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson at Bataan Rep. Albert Garcia, na nagsilbing budget sponsor sa plenaryo, karamihan sa pondo ng OP ay nakalaan para sa operating expenses, kabilang ang ₱7.46 bilyon para sa maintenance and other operating expenses (MOOE). “This is an office that tightened its own belt before asking our people or any agency,” ani Garcia. Mas mababa ng 64.02% ang…
Read MoreKARAMIHAN SA PAMILYA NG MISSING SABUNGEROS, ‘DI NA NAKIKIPAG-UGNAYAN SA DOJ
ISA-ISA nang nawawala sa komunikasyon ang mga kaanak at pamilya ng mga missing sabungeros na nagsampa ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban kay gambling tycoon Charlie “Atong” Ang at iba pang respondents. Ito ang kinumpirma ni DOJ Prosecutor General Anthony Fadullon, na nagsabing hindi na makausap ng mga prosecutor ng DOJ ang karamihan sa mga pamilyang dati nang pursigidong ituloy ang mga kaso kaugnay sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. “Napansin namin na unti-unti nawawala na yung complainants at totally hindi na nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan sa…
Read MoreSHOW CAUSE ORDER VS VIRAL RIDING IN TANDEM
SINUSPINDE ng Land Transportation Office o LTO ng 90-araw ang lisensya ng isang rider na umano’y bumato sa batang sakay ng tricycle sa Antipolo City, Rizal. Naglabas din ang LTO ng Show Cause Order laban sa rider at kanyang backrider, na inatasang humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office sa Setyembre 29 para magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at iba pang dokumento. Naka-alarm status naman ang motorsiklo habang isinasagawa ang kaukulang proseso, at maaari ring tuluyang bawiin ang lisensya ng rider kung mapatutunayang hindi siya karapat-dapat…
Read MoreBOTO SA CONVICTION NI VPSD POSIBLENG IBABA SA 14
MAAARING bumaba sa 14 senador ang kailangan na boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte matapos baguhin ng Senate Impeachment Court ang nauna nitong ruling na nagtakda ng 16 na boto para sa conviction. Sa botong 13 pabor, isa tutol at anim na hindi lumahok, inaprubahan ng impeachment court ang apela ni Senator-Judge Erwin Tulfo na baguhin ang batayan sa pagkukuwenta ng two-thirds vote. Ang bagong formula ay nakabatay sa mga senator-judge na legal, aktwal at may kakayahang lumahok sa impeachment trial sa oras ng botohan, sa halip na…
Read MoreInendorso ni Robredo LEONEN BILANG NEXT CHIEF JUSTICE
INENDORSO ni dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo si Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para maging susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema. Sa isang liham na may petsang Setyembre 11, 2026 at tinanggap ng Supreme Court-Judicial and Bar Council at Office of the Chief Justice noong Setyembre 23, pormal na inirekomenda ni Robredo si Leonen para sa pinakamataas na posisyon sa hudikatura. “With great honor, I nominate and endorse Senior Associate Justice Marvic Leonen to be the next…
Read MoreJONVIC SABLAY SA ANUNSYO SA ASYLUM NI ROQUE
UMAMIN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla nitong Miyerkoles, Setyembre 23, na wala pang desisyon sa asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa Netherlands. Sa kabila nito, sinabi ng kalihim na nasa “purgatoryo” ang estado ng aplikasyon ni Roque dahil hindi pa ito naaaprubahan o natatanggihan. “Walang desisyon. Kaya hindi siya tinanggap o tinanggihan. Nasa purgatoryo siya. Sa usapin ng aplikasyon para sa asylum, nasa purgatoryo siya,” paliwanag ni Remulla. “Kailangang makamit ang hustisya. Umaasa tayo na tatanggapin ng Netherlands…
Read MorePinoy pride, Bayanihan bida sa .. KASALANG BRIAN POE AT MARGE GUTIERREZ
HINDI lang pag-iibigan kundi maging ang kulturang Pilipino at diwa ng bayanihan ang tampok sa kasal nina FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe at Department of Justice Undersecretary Margarita “Marge” Gutierrez noong Setyembre 8. Mula sa wedding giveaways hanggang sa pagkain, siniguro ng bagong kasal na may kuwento at kabuluhan ang bawat detalye ng kanilang espesyal na araw. Isa sa mga tampok na souvenir ng kasal ang handcrafted sundial na likha ni Prof. Toym Imao, Dean ng UP College of Fine Arts. Ang disenyo nito ay hango sa apat…
Read More