3 PEKENG MTPB PERSONNEL ARESTADO

ARESTADO ang tatlong nagpanggap na mga personnel ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa aktong nanghihingi ng karagdagang parking fee na mas mataas sa ipinatutupad ng Lungsod ng Maynila, sa harapan ng Rizal Memorial Stadium sa kahabaan ng Adriatico St., Brgy. 720, Zone, 78, Malate, Manila. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority or Official Functions) sa ilalim ng Revised Penal Code, ang naarestong mga suspek na sina Roel Grayda, 37; Emerson Adonis, 26, at Jervin Cordial, 23-anyos. Ayon sa ulat ni PMSG Oscar Vargas Jr.,…

Read More

HOUSE PROBE SA NCAP SUPORTADO NG LCSP

SUPORTADO ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) ang isasagawang imbestigasyon ng Kongreso sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program (NCAP) ng ilang local government unit (LGU) sa Metro Manila. Ayon kay LCSP founder Atty. Ariel Inton, dapat siyasatin ng Kongreso ang legalidad ng pagpapatupad ng NCAP ng mga LGU, lalo’t mayroon nang traffic management system na pinangangasiwaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). “Bakit may NCAP pa ang LGU samantalang may NCAP nang pinatutupad ang MMDA sa pamamagitan ng Unified Traffic Framework na dapat ay MMDA lang ang…

Read More

MAYNILA, PANGATLO SA MAY PINAKAMALAKING GDP SA MGA HUC

PUMANGATLO ang City of Manila sa mga Highly Urbanized Cities (HUCs) sa bansa na may pinakamalaking Gross Domestic Product (GDP) noong 2025, batay sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, umabot sa ₱1.06 trilyon ang GDP ng Maynila noong 2025, dahilan upang mapanatili nito ang posisyon bilang isa sa pinakamalalaking city economies sa bansa. Batay sa ulat ng PSA na inilabas noong Oktubre 6, 2026, nanguna ang Quezon City at Makati City, habang pumangatlo ang Maynila. Malaki ang ambag ng services sector sa ekonomiya ng lungsod,…

Read More

BIR KINUMPIRMA P85.34M KABUUANG NET INCOME NINA VP SARA AT CARPIO MULA 2007

KINUMPIRMA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa impeachment trial nitong Huwebes, Oktubre 8, na umabot sa P85.34 milyon ang pinagsamang net income nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio mula 2007 hanggang 2025. Mas mababa ito ng halos P13 milyon sa P98.66 milyong net worth na idineklara ni Duterte sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). Kinumpirma rin ng BIR na may inilabas na Letter of Authority (LOA) na may kaugnayan sa Bise Presidente o sa kanyang asawa, ngunit…

Read More

KAHIT VP NA, SARA TUMANGGAP PA RIN NG SAHOD SA DAVAO LGU — BIR

TUMANGGAP umano si Vice President Sara Duterte ng compensation income mula sa City Government of Davao noong 2023, bukod sa kanyang kinita bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Iniharap ni Atty. Anne Lorraine Garcia-Marquez ng BIR sa Senate impeachment court ang 2023 Income Tax Return (ITR) ni Duterte, kung saan nakalakip ang BIR Form 2316 mula sa kanyang employer na City Government of Davao. “Ibig sabihin naka-receive si VP Sara ng compensation income for 2023,” ani Garcia-Marquez. Hindi naman malinaw sa pagdinig…

Read More

SA MGA REKLAMO LABAN KAY VP SARA, MUKHANG SA ARTICLE 2 SIYA MADIDIIN

RAPIDO ni PATRICK TULFO SA apat na Articles of Impeachment na kinahaharap ngayon ni Vice President Sara Duterte sa gumugulong na impeachment trial laban sa kanya, tila pinakamabigat ang Article 2 o ang mga alegasyon ng unexplained wealth, undeclared bank accounts at false o unrevealed entries sa Statement of Assets, Net Worth and Liabilities o SALN nito. Kung pagbabasehan ang mga narinig na testimonya mula sa AMLAC (Anti-Money Laundering Council) at mga opisyales ng mga banko, kung saan mayroon existing at closed accounts ang mag-asawang Sara Duterte at Atty. Mans…

Read More

May pag-asa pa ba na mapatino ang Customs?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Sa mundong ito, may mga malinis pa ba? Meron bang isa riyan na maaaring umangkin at ipagmalaki sa mundo: Wala akong dungis. Wala akong dumi sa mukha. Maaalaala natin ang sinasabi ng ating matatanda: Humarap na muna tayo sa salamin at tingnan baka tayo ay may dungis sa mukha o may muta sa mga mata, bago natin sabihan o kutyain ang ating kapwa na siya ay may dungis at puno ng muta. Nasasabi ito ng inyong abang lingkod pagkat marami sa ating mga kapatid…

Read More

PASS AWAY

HOPE ni GUILLER VALENCIA JESUS says, “Heaven and earth will pass away, but My words will never pass away,” (Luke 21:33). This statement of our Lord Jesus is in accordance with fact or reality. In real world, ito’y isang katotohanan na ilang sibilisasyon, ekonomiya, kaharian at mga tagumpay ng tao ay naglaho at ‘di nagtagal. But the word of God still exists. Prophet Isaiah stated this, “The grass wither and the flowers fall, but the word of God stands forever,” (Isaiah 40:8). Bilang Christian or believers at least tayo ay…

Read More

P66M-P98M KADA TAON ‘DI NAIDEKLARANG ARI-ARIAN NG DUTERTE-CARPIO COUPLE

UMAABOT sa P66 milyon hanggang P98 milyon kada taon ang sinasabing hindi naideklarang ari-arian nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio, batay sa kuwenta ng House prosecution matapos ikumpara ang kanilang mga financial record sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Duterte mula 2022 hanggang 2025. Ayon kay impeachment adviser at spokesperson Ace Barbers, lumabas sa bank records at testimonya na hindi umano lubusang naideklara sa SALN ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang mga ari-arian. “Bank records and testimony show that…

Read More