NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), ang humigit-kumulang 200 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1.36 bilyon sa Manila International Container Port (MICP). Nakatago ang hinihinalang droga sa mga salansan ng karton sa loob ng isang 40-foot container. Binigyang-diin ni DILG Secretary Jonvic C. Remulla na resulta ang pagkakasabat ng pagtutulungan ng mga ahensya at pagpapalitan ng intelligence information sa mga bansa sa ASEAN. Ayon kay Remulla, nakatuon ang…
Read MoreDay: November 4, 2026
Malakanyang may pakiusap sa mga tauhan ng ahensya ROMUALDEZ BUHAY VIP SA BJMP?
TIWALA ang Malakanyang sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa gitna ng mga alegasyon ni veteran broadcaster Mon Tulfo hinggil sa umano’y iregularidad sa kustodiya at espesyal na pagtrato kay dating House Speaker Martin Romualdez. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na mahalagang matukoy ang katotohanan sa isyu upang matiyak na walang sinomang nakatatanggap ng espesyal na pagtrato dahil lamang sa posisyon, relasyon o katayuan sa buhay. “Pantay-pantay po dapat ang pagtrato kahit anuman ang posisyon mo, kahit anoman ang relasyon…
Read MoreVILLAR NANAWAGAN NG MAS MATATAG NA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA HARAP NG BANTA NG SUPER EL NIÑO
NANAWAGAN si Senator Mark Villar ng mas matibay at koordinadong hakbang upang mapangalagaan ang seguridad sa pagkain ng bansa sa harap ng banta ng “Super” El Niño. Ayon kay Villar, maaaring maapektuhan ng matagal na tagtuyot ang produksyon at distribusyon ng pagkain, magpataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at magdulot ng panganib sa mga pamilyang Pilipino. Batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), umabot na sa ₱6.8 bilyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng El Niño hanggang Oktubre 2026, habang 109 na lugar ang nagdeklara ng state…
Read MoreWARRANT NI BATO GALING DAYUHANG KORTE, P50M PABUYA MULA SA MGA PILIPINO?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING nagtatanong ngayon sa lansangan, palengke, at social media – bakit tila mas masigasig pa ang sarili nating gobyerno na ipatupad ang warrant of arrest na galing sa International Criminal Court laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, kaysa mismong ICC? Kung ang warrant ay nagmula sa isang dayuhang hukuman na matagal nang sinasabi nating wala nang hurisdiksyon sa Pilipinas mula nang kumalas tayo noong 2019, bakit tayo pa ang nangunguna sa pag-aresto sa sarili nating senador? Pangalawa, hindi maikakaila ang pagtataka ng taumbayan sa…
Read MoreANG PUNDASYON NG KAHANDAAN SA GITNA NG TAHIMIK NA DIGMAAN
TAMBULI ni JESSE RUIZ ISANG mapayapang umaga ang inaakala ng marami, ngunit sa ilalim ng katahimikan, unti-unting gumagalaw ang isang makinarya ng impluwensya, paniniktik, at estratehikong presyon. Batay sa mga datos at kaganapan sa loob at labas ng bansa, malinaw na humaharap ang Pilipinas sa tinatawag na “gray zone warfare”—isang uri ng digmaan na hindi gumagamit ng hayagang putok ng baril, kundi nag-iiwan ng mabibigat na bakas sa ating teritoryo, ekonomiya, at kamalayan. Sa karagatan, ramdam ngayon mga katoto, ang patuloy na panggigipit sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ), mula…
Read MoreHindi Lang Abo ang Dapat Nilang Panagutan
GEN Z ni LEA BAJASAN BILANG isang fur parent, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding galit at lungkot sa nangyaring ito. Hindi biro ang mawalan ng alagang hayop, lalo na kung ilang taon mo na silang kasama at itinuring na bahagi ng pamilya. Alam natin kung gaano kasakit ang mawalan ng alaga. Kaya kung dumating man ang araw na kailangan na silang mamaalam, ang huling bagay na gugustuhin natin ay malaman na hindi man lang sila nabigyan ng maayos na pagtrato pagkatapos nilang mamatay. Kaya naman nakadudurog ng puso ang…
Read More