HOG RAISERS HINILING NA IBALIK 40% TARIFF SA IMPORTED PORK; HIGPITAN INSPEKSYON, PAGBABAKUNA LABAN SA ASF

HINIMOK ng mga hog raiser at pork producer ang pamahalaan na ibalik ang dating mas mataas na taripa sa imported pork at higpitan ang pagbebenta ng karne upang maprotektahan ang lokal na industriya at kalusugan ng mga mamimili. Sa isinagawang Pork Producers Town Hall Meeting and Solutions Seminar sa Four Seasons MOA Seaside sa Pasay City nitong Miyerkules, iginiit ng Agricultural Sector Alliance Partylist (AGAP), Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PROPORK) at Philippine Pork Council Alliance Inc. ang pangangailangang tugunan ang umano’y “over-importation” ng baboy. Ayon sa grupo,…

Read More

SENADOR VILLAR, NANAWAGAN NG AGARANG PAGPASA NG COMPREHENSIVE SCHOOL SAFETY ACT

NANAWAGAN si Senator Mark A. Villar para sa agarang pagpasa ng Senate Bill No. 2426 o ang panukalang Comprehensive School Safety Act, kasunod ng sunod-sunod na insidente ng karahasan na kumitil sa buhay ng mga estudyante at kawani ng paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa kanyang co-sponsorship speech, binigyang-diin ni Villar na ang bawat buhay na nasasayang ay nangangailangan ng konkreto, angkop at mabilis na tugon upang maprotektahan ang mga bata, guro at personnel laban sa karahasan sa mga paaralan. “Lubos pong nakakaalarma ang sunod-sunod na insidente ng…

Read More

SENIOR CITIZENS’ BENEFITS ‘DI MAAANTALA — MALACAÑANG

TINIYAK ng Malacañang sa mga senior citizen na hindi maaantala ang pagpapalabas ng kanilang mga government benefits. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang pagresolba sa mga reklamong may kaugnayan sa P10,000 cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarian Act (ECA). Ayon kay Castro, nakarating na sa Pangulo ang mga reklamong inihain sa Anti-Red Tape Authority (ARTA), kung saan inatasan niya ang mga kinauukulang ahensya na tugunan ang usapin. “Ito po ay nakarating sa…

Read More

“STUPID” REMARK HINDI PAGLABAG SA SUB JUDICE RULE – LACSON

NANINDIGAN si Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi paglabag sa sub judice rule ang paggamit niya ng salitang “stupid” sa kanyang pagtatanong sa testigong si Lemuel Ortonio, assistant chief of staff ng Office of the Vice President (OVP). Ayon kay Lacson, sumang-ayon si Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na hindi mali o offensive ang paggamit niya ng naturang salita dahil hindi tao ang tinukoy niya kundi ang mga dokumentong isinumite ng OVP bilang katwiran sa paggamit ng mahigit P500 milyon na confidential funds. Sa kanyang pagtatanong, pinagkumpara ni…

Read More

ANTI-BULLYING MEASURE PASADO SA KAMARA

INAPRUBAHAN ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa Setyembre ng bawat taon bilang National Bullying Awareness and Prevention Month. Ang House Bill No. 10134, o “National Bullying Awareness and Prevention Month Act,” ay nagkakaisang inaprubahan noong Martes sa botong 245 pabor, walang tutol at walang abstention. Binigyang-diin ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na dapat kabilang sa pagprotekta sa mga bata ang pagtiyak na ligtas ang mga paaralan at komunidad bilang mga lugar kung saan maaari silang matuto at lumago…

Read More

‘GHOST SPENDING’ AT AUDIT PROBLEM ISYU SA OVP FUNDS HINDI ALYAS — SOLON

IGINIIT ni House prosecution panel spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na hindi ang paggamit ng mga alyas ang ugat ng kontrobersiya sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), kundi ang umano’y maling paggasta at kawalan ng audit trail sa paggamit ng pondo ng bayan. Ginawa ni Alonto Adiong ang pahayag bilang tugon sa naging pahayag ni Senator-Judge Robin Padilla sa impeachment trial kung saan ikinumpara nito ang mga kwestiyonableng pangalan sa acknowledgment receipts (ARs) sa mga alyas na ginamit ng mga bayaning Pilipino noong…

Read More

HINDI PULITIKA SOLUSYON SA PROBLEMA SA TUBIG SA SJDM

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI madali ang mawalan ng tubig. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan, ang tulo ng gripo ay hindi simpleng kaginhawaan kundi batayang pangangailangan. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ramdam na ramdam ng mga residente ang epekto ng mga nakalipas na taon ng kawalan at mababang kalidad ng supply ng tubig. Sa kasalukuyan, dumadaan ang lungsod sa proseso ng paglipat o transition mula sa dating tagapaghatid ng serbisyo na Primewater/Hiraya patungo sa isang mas may karanasang water utility…

Read More

ANG SALITA NG DIYOS AY HINDI KAILANGANG IPILIT

GEN Z ni LEA BAJASAN NAKITA ko ang diskusyon tungkol sa taong sinita ng security guard habang nagbabahagi ng “Word of God” sa loob ng tren. Marami ang nagsabing trabaho ng isang mananampalataya ang mangaral at hindi dapat siya pinipigilan. Naiintindihan ko naman iyon. Pero para sa akin, may hangganan din ang pangangaral, lalo na kapag nasa pampublikong lugar ka. Hindi ako tutol sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. Kung gusto mong magbahagi ng iyong pananampalataya, wala akong problema roon. Ang problema ko ay kapag ginagawa ito sa lugar kung…

Read More

Kapag Hindi Pa Final, Dapat Bang Mauna ang Hatol?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial kay Vice President Sara Duterte, muling umiinit ang usapin sa Article 1 na tumatalakay sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Ayon kay dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, dapat itong ibasura dahil ang findings ng Commission on Audit (COA) na ginagamit na batayan ay hindi pa pinal. Mahalagang tanong ito hindi lamang para sa kampo ng bise presidente kundi para sa buong proseso ng…

Read More