INIREKLAMO ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang 13 opisyal mula sa kompanya ng prominenteng pamilyang Gothong sa Cebu, hinggil sa malawakang pagpupuslit ng mga sigarilyong nagkakahalaga ng P13 billion. Kabilang sa mga inirekomendang kaso ang paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act at Economic Sabotage Act. May kaugnayan ito sa pagkakasabat ng 59 container ng smuggled cigarettes sa isang pribadong pantalan sa Cebu, dalawang buwan na ang nakalilipas. Batay sa imbestigasyon, nagmula sa China ang mga pekeng sigarilyo na gumamit umano ng mga tatak ng kilalang…
Read MoreAuthor: admin 3
3 ARAW NA SPECIAL NON-WORKING DAY SA METRO MANILA, PAIIRALIN PARA SA ASEAN SUMMIT
NAKATAKDANG ideklara ang Nobyembre 16 hanggang 18 bilang special non-working days sa Metro Manila bilang bahagi ng paghahanda sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na dadaluhan ng mahigit 20 pinuno ng iba’t ibang bansa. Kaugnay nito, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nitong magbigay ng seguridad sa mga lider at delegadong dadalo sa pagtitipon, at itataas sa full alert status ang antas ng alerto ng buong puwersa mula Nobyembre 15 hanggang 18. Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nasa 19,869 pulis ang…
Read MoreSEN. ERWIN TULFO, PINURI NCDA SA LIFETIME VALIDITY NG UNIFIED PWD ID
PINURI ni Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development Chairman Sen. Erwin Tulfo ang patakaran ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na magkaloob ng lifetime validity sa Unified Persons with Disabilities (PWD) identification cards ng mga indibidwal na may permanenteng kapansanan. Sa ilalim ng NCDA Administrative Order No. 001, Series of 2026, itinatatag ang isang digitally integrated at nationally recognized identification system para sa mga kwalipikadong PWD. Layunin din nitong mapigilan ang pamemeke at paggamit ng mga pekeng PWD ID. Nagpasalamat si Tulfo sa NCDA dahil binigyang-pansin…
Read MorePPA, KUMITA NG P10.59 BILYON SA UNANG 9 NA BUWAN NG 2026
UMABOT sa P10.59 bilyon ang net income ng Philippine Ports Authority (PPA) sa unang siyam na buwan ng 2026, mas mataas ng 15 porsyento kumpara sa P9.19 bilyon na naitala sa kaparehong panahon noong 2025. Dahil dito, inaasahang makapagtatala muli ang PPA ng malaking dividend remittance sa pamahalaan bago matapos ang taon, bilang pandagdag sa pondo ng gobyerno. Batay sa financial report ng PPA, tumaas naman ng 11 porsiyento ang kabuuang revenues nito sa P24.79 bilyon, habang umakyat ng walong porsiyento ang gastusin sa P12.08 bilyon. Pinakamalaking bahagi ng kita…
Read MoreSWELDO, BONUS, P5K CASH GIFT MAAGANG IPAMIMIGAY SA MAYNILA
MAAGANG makatatanggap ng pamasko ang mga empleyado ng Manila City government. Inanunsyo ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na sabay-sabay na ibibigay sa Biyernes, Nobyembre 13, ang sweldo, year-end bonus, at P5,000 cash gift ng mga kawani ng lungsod. “Malugod ko pong ipinapaalam sa inyo na may sweldo sa Biyernes! At may 13th month! At ‘yung 5,000 na bonus! Makukuha niyo nang maaga at sabay-sabay na,” ani Domagoso sa flag-raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes, Nobyembre 9. Naglaan ang lungsod ng kabuuang P817,312,760 para sa year-end bonus at…
Read MoreINTON: KAILANGAN NG BATAS NA MAGTATAKDA NG SAKLAW NG POLITICAL DYNASTIES
IGINIIT ni Atty. Ariel Inton ang pangangailangan ng malinaw na batas na magbibigay-kahulugan at magtatakda ng saklaw ng political dynasties sa bansa, lalo na sa harap ng mga ulat na may magkakamag-anak na nagbabalak tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa Quezon City. Ayon kay Inton, nakasaad sa Article II, Section 26 ng 1987 Constitution na dapat tiyakin ng Estado ang pantay na pagkakataon sa paglilingkod-bayan at ipagbawal ang political dynasties alinsunod sa depinisyong itatakda ng batas. Gayunman, hangga’t walang umiiral na pambansang batas na nagtatakda kung anong mga ugnayang pampamilya…
Read MorePNP NAKATANGGAP NG NASA 500 IMPORMASYON KAY DELA ROSA
NAKATANGGAP ang Philippine National Police (PNP) ng hindi bababa sa 500 impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga, sinabi ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na karamihan sa mga impormasyong natanggap ay ipinadala sa pamamagitan ng text messages. Ayon kay Nartatez, ipinadadala ang mga impormasyon sa mga police station, gayundin sa mga pulis at kanilang mga commander. Sinabi ng PNP chief na lahat ng natatanggap na impormasyon ay sumasailalim sa beripikasyon. May ilan na rin umanong…
Read MorePAGKUMPLETO SA ALAMINOS-SAN PABLO BYPASS ROAD PINAMAMADALI
PINAMAMADALI na ng national government ang pagkumpleto sa Alaminos–San Pablo Bypass Road upang agad na maibsan ang mabagal na daloy ng trapiko sa Maharlika Highway at mapabilis ang biyahe ng mga motorista sa Laguna at Quezon. Patuloy ang konstruksyon sa mga natitirang bahagi ng proyekto, kung saan nakapaglatag na ng konkretong kalsada sa Barangay San Agustin, Alaminos, Laguna, habang sinimulan na rin ang road base preparation sa Barangay San Miguel, San Pablo City. Ayon sa DPWH Region 4A, inaayos pa lamang ang ilang usapin sa Road Right-of-Way o ROW na…
Read MoreCOMMITTEE REPORT SA 2027 BUDGET MALABO PA NGAYONG LINGGO
HINDI pa maihaharap sa plenaryo ng Senado ngayong linggo ang committee report kaugnay ng panukalang 2027 national budget, kinumpirma ni Senate Committee on Finance Chairman Senator JV Ejercito. Sinabi ni Ejercito na una nilang target na ilatag ang committee report sa Miyerkoles, Nobyembre 11, subalit nagpapatuloy pa ang pagrebisa rito. Ipinaliwanag ng senador na kabilang sa masusing sinusuri ng komite at iba pang senador ang mga panukalang budget ng ilang ahensya, partikular ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr), gayundin ang House-approved General Appropriations…
Read More