MAAARING ituring bilang mastermind ng flood control project anomalies si dating House Speaker Martin Romualdez kung mapatutunayang kinunsinte niya ang pamamayagpag ng katiwalian. Sa privilege speech sa Senado, hinimay ni Senador Rodante Marcoleta ang laman ng video statement ni Romualdez kung saan iginiit na hindi siya maaaring maging mastermind sa anomalya dahil collective, multi-layered at nagsasangkot sa lahat ng sangay ng gobyerno ang paggawa ng budget na pinagmulan ng pondo para sa flood control projects. Sinabi ni Marcoleta na sa paglabas ng video ay tila lalo pang dumami ang tanong…
Read MoreAuthor: admin 3
25 CONTAINERS NG PEKENG PRODUKTO NASABAT NG CUSTOMS
NASA 25 container vans na naglalaman ng undeclared agricultural goods at counterfeit products na nagkakahalaga ng P136.92 milyon, ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs. Personal na ininspeksyon ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang tinatayang P136.92 milyong halaga ng misdeclared, regulated, and prohibited goods sa Port of Manila. “The operation was conducted in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to intensify efforts against smuggling and illicit trade,” ani Nepomuceno. Base sa ulat, ang shipments na binubuo ng 25 containers ay pawang naka-consigne sa…
Read MoreNUSTAR Online celebrates PH-JPN friendship as Official Lifestyle Gaming Partner of Matsuri in Manila 2026
Contestants of the NUSTAR of the Night Cosplay Contest pose with judges and a NUSTAR Online representative during the awarding of P20,000 cash, plaque, and exclusive merchandise to the winner. NUSTAR Online takes part in one of the country’s biggest celebrations of Japanese culture and festival as the Official Lifestyle Gaming Partner of Matsuri in Manila 2026, reinforcing its commitment to meaningful experiences that bring together entertainment, culture, and community. Matsuri in Manila 2026 holds special significance as it commemorates the 70th anniversary of diplomatic relations between the Philippines and…
Read MoreMGA DATING NPA NA APEKTADO NG MAYON ASHFALL PINATUTULUNGAN
“MY instruction to OPAPRU is to check on the situation of the former rebel communities we are assisting in Bicol in light of the eruption of Mayon Volcano, and to ensure that appropriate support is provided as needed.” Ito ang inihayag ni Presidential Peace Adviser Mel Senen Sarmiento matapos na ipinag-utos ang mahigpit na koordinasyon sa Department of Social Welfare and Development at local government units na tumulong sa mga dating rebelde na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Inatasan ni Presidential Peace Adviser Mel Senen Sarmiento ang Office of…
Read MoreUS CITIZENS PINAIIWAS SA PRESENSYA NG NPA
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS NAGBABALA ang United States Embassy sa Manila sa kanilang mamamayan na umiwas sa ilang lugar sa Pilipinas na may presensya ng communist New People’s Army (NPA). Ayon sa embahada, partikular na pinaiiwas ang mga Amerikano sa mga bulubunduking lugar sa Leyte, Mindoro, Negros, at Samar na pinaniniwalaang mga lugar na pinagkakanlungan ng nalalabing mga kasapi ng communist terrorist group. Kamakailan ay idineklarang areas of heightened concern at target ng focus military operation ng military ang nasabing mga lugar, para masimot ang nalalabing mga kasapi…
Read MoreMAY MALI SA PAGDADALA NI MENDOZA SA BIR BOX SA IMPEACHMENT?
PUNA ni JOEL O. AMONGO SINABI ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na may mali sa ginawang pagdadala ni Commissioner Charlito Martin Mendoza ng BIR box na naglalaman ng tax records ng mag-asawang Vice President Inday Sara Duterte at Atty. Mans Carpio, sa House Committee on Justice sa Kamara kamakailan. Sa panayam kay Atty. Henares ng radio DWIZ, sinabi nitong maaaring may kaharaping problema sa usaping legal si BIR Commissioner Mendoza sa kanyang pagdadala ng BIR box sa Kamara. Aniya, bagama’t napagkaisahan ng mga miyembro ng…
Read MoreKAKAMPINK ITUTUMBA NG NBI CHIEF?
Syanong Detektib ni LUCIO S. PAPA NILALANGGAM sa social media ang umano’y audio recording ng pagtatalo sa pagitan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag at isang certified Kakampink na kinilala sa pangalang Mel Sabio. Dangan naman kasi, sadyang makapanindig-balahibo ang maririnig sa audio recording — ang pagbabanta sa buhay ni Sabio. Nag-ugat ang pagtatalo sa pagitan nina Sabio at lalaking tinukoy sa Facebook post na si Matibag, sa mga patutsada kaugnay ng isyu sa kontrata ng kuryente sa San Pedro, Laguna. Paulit-ulit kong pinakinggan ang audio recording.…
Read MoreP61.2-M SHABU NASAMSAM, TARGET NA 4 HVIs ARESTADO
HUMIGIT-KUMULANG sa siyam na kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa inilunsad na joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa Brgy. Bacao 1, General Trias, Cavite noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, apat na hinihinalang mga kasapi ng bigtime drug syndicate ang naaresto sa pinagsanib na anti-drug operation na isinagawa sa pangunguna ng PDEA Regional Office – NCR Northern District Office, katuwang ang PDEA RO-NCR Regional Special Enforcement Team…
Read MoreBAGONG PGH PLANONG ITAYO SA CAVITE
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa General Trias, kasabay ng paglalatag ng plano para sa bagong ospital ng Philippine General Hospital sa lalawigan. Sa “Bawat Bayan Makikinabang” event, sinabi ng Pangulo na layunin ng financial assistance at rice aid na matulungan ang mga komunidad sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at bilihin. Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pondo ang mga lokal na pamahalaan mula sa Local Government Support Fund kapalit ng pamamahagi ng bigas sa mga residente. “Bawat dalawang buwan may…
Read More