Mas mahigpit na seguridad ilalatag SCHOOL POLICIES REREPASUHIN NG PNP

INATASAN ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng komprehensibong pagrepaso sa mga umiiral na polisiya sa seguridad sa mga paaralan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Layunin nitong maiwasan ang pag-ulit ng madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng iba pa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni PNP Spokesperson Colonel Allen Rae Co na nire-review na ng PNP ang lahat ng security protocols sa mga institusyong…

Read More

DOJ INIUTOS MALALIMANG IMBESTIGASYON SA PAMAMARIL SA ESKWELAHAN SA TACLOBAN

INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) ang masusi at malalimang imbestigasyon kaugnay ng madugong pamamaril sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng lima pa. Ayon sa DOJ, nakipag-ugnayan na ito sa Office of the Regional Prosecutor ng Region VIII upang makalap ang buong detalye ng insidente. Sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacloban City Police Office sa koordinasyon ng Office of the City Prosecutor of Tacloban. Kasalukuyang tinitipon ng mga awtoridad ang mahahalagang impormasyon kabilang ang pagkakakilanlan ng mga nasawi,…

Read More

PAG-AMYENDA SA JUVENILE JUSTICE LAW SA BANSA, DAPAT IPRAYORIDAD!

RAPIDO ni PATRICK TULFO ANG barilang nangyari noong Lunes sa isang paaralan sa Tacloban ay pangatlo nang insidente ng karahasan sa loob ng paaralan, kung saan pawang mga menor de edad ang mga suspek. Tatlo ang patay sa walang habas na pamamaril ng dalawang estudyante sa Tacloban (edad 14 at 16) noong Lunes (June 22, 2026). Noong June 16, 2026 nangyari naman ang pananaksak sa pitong grade 5 students sa isang private school sa Gen. Trias, Cavite kung saan isang Grade 8 na estudyante ang suspek. Isang insidente rin ng…

Read More

PARANG BOY SCOUTS, LAGING HANDA ANG DSWD

On the Level ni JUNEX DORONIO MAY isang imaheng madaling pumasok sa isip kapag naririnig ang katagang “Laging Handa”—ang Boy Scouts na laging nakaposisyon, organisado, at handang tumulong sa oras ng pangangailangan. Sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa, tila ganito rin ang anyo ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD): alerto, mabilis kumilos, at hindi natitinag sa hamon ng panahon. Kamakailan lamang, naglabas ang DSWD ng higit sa P378.3 milyon na tulong para sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Southern…

Read More

TULOY-TULOY ANG MALASAKIT NG MGA UMALI SA NOVO ECIJANOS

TARGET ni KA REX CAYANONG MAY mga programang agad nawawala kapag tapos na ang pangangailangan o kapag lumipas na ang panahon ng kampanya. Ngunit may mga serbisyong nagpapatuloy dahil tunay na malasakit ang pundasyon nito. Isa sa mga halimbawa nito ang patuloy na pamamahagi ng bigas ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa iba’t ibang komunidad sa lalawigan. Sa Talavera, muling nakinabang ang mga residente ng Barangay Matingkis, Bagong Silang, at Valle sa programang naglalayong matiyak na may pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Novo Ecijano. Kapuri-puri na pinangunahan ni…

Read More

P2.6-M ILLEGAL DIESEL NASAMSAM SA DRIVER AT HELPER SA MARINDUQUE

ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) SA Boac, Marinduque ang isang truck driver at helper mula sa Tiaong, Quezon matapos mahulihan ng 8,000 litro ng diesel na walang kaukulang lisensya mula sa Department of Energy (DOE). Kabilang sa kinumpiska ng mga awtoridad ang tanker truck na gamit sa transaksyon. Nahaharap ang mga mga suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33 (Illegal Trading of Petroleum Products). (NILOU DEL CARMEN) 309

Read More

BUHAWI MULING NANALASA SA TABING DAGAT SA QUEZON

NAYANIG ang mga residente at bakasyunista sa Barangay Libjo, Infanta, Quezon nang biglang mamuo at humagupit ang isang malakas na buhawi mula sa dagat noong Linggo dakong alas-6:20 ng gabi. Sa lakas ng hangin, may mga bangkang inangat at inihagis, habang pinsala naman ang inabot ng ilang kabahayan, cottages, at may natumbahang mga puno. Agad namang nag-utos si Mayor LA Ruanto ng assessment para sa agarang tulong sa mga apektadong residente. Ayon sa ulat, ito ang magkakasunod na insidente ng buhawi sa lugar nitong mga nakalipas na buwan kaya’t labis…

Read More

10 ARESTADO SA KAMPANYA KONTRA KRIMEN SA NUEVA ECIJA

PEÑARANDA, Nueva Ecija – Sa loob lamang ng isang buwan sa pamumuno ni Officer-in-Charge PCPT Silvestre C. Colanza, nakapagtala ang Peñaranda Municipal Police Station (MPS) ng mahahalagang operasyon laban sa kriminalidad kabilang ang kampanya laban sa ilegal na droga, pag-aresto sa mga wanted person, pagkahuli ng loose firearms, at pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa, na nakatulong sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa munisipalidad. Nabatid na mula Mayo 21 hanggang Hunyo 21, 2026, pinaigting ng Peñaranda MPS ang kampanya nito laban sa mga wanted person, na nagresulta…

Read More

HOUSE PROSECUTION UUNAHIN ASSASSINATION PLOT ARTICLE SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

ILALATAG muna ng House prosecution panel ang artikulo hinggil sa assassination plot, grave threats at inciting to sedition sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Z. Duterte. Ito ang nakasaad sa isinumite nilang preferred sequence of evidence sa Senate impeachment court noong Hunyo 22. Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, nakabatay ang pagkakasunod-sunod sa trial strategy at sa layuning mas madaling maunawaan ng publiko ang mga alegasyon at ebidensya. “The sequence, according to the presentation of evidence, Article 4, assassination…

Read More