SA PAGSIPA NG INFLATION SA 4.1%, PERA PINATATAASAN

UMAPELA si ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad aprubahan ang pagtaas ng Personnel Economic Relief Allowance (PERA) kasunod ng pagsirit ng inflation rate sa 4.1% nitong Marso. Ayon kay Tinio, halos nadoble ang inflation mula 2.4% noong Pebrero, dulot ng umiiral na global crisis. “Every peso of a teacher’s pay buys less. Combined with relentless oil price hikes, this is an emergency for educators and public servants. PERA must be increased now,” ani Tinio. Binigyang-diin ng mambabatas na nananatiling P2,000 ang…

Read More

AUTOMATIC INFLATION-TRIGGERED FUNDING KONTRA PAGTAAS NG BILIHIN, IGINIIT

IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat maging batas na ang pagpapatupad ng ‘automatic inflation-triggered funding’ para sa social assistance programs kapag umabot sa kritikal na antas ang presyo ng mga bilihin, pamasahe, at utilities tulad ng kuryente at tubig. Sinabi ni Gatchalian na nakapaloob na rin ito sa rekomendasyon ng Senate PROTECT Committee na naglalayong protektahan ang mga tinatawag na vulnerable families mula sa matinding epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan. Sa ilalim ng iminumungkahing sistema, ang mga kasalukuyang benepisyaryo — gaya ng mga nasa ilalim ng 4Ps —…

Read More

KAMPANYA LABAN SA CHILD LABOR, PINAIIGTING NG DOLE

MAS pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kampanya laban sa child labor sa ilalim ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL). Layunin ng programa na wakasan ang sapilitang pagtatrabaho ng mga bata at matiyak ang kanilang access sa edukasyon at proteksyong panlipunan. Mula 2022 hanggang 2024, bumaba ang bilang ng child laborers mula 828,000 sa 509,000, habang mahigit 232,000 bata ang nailayo sa mapanganib na trabaho. Sa ilalim ng Project Angel Tree, higit 59,000 bata ang nabigyan ng tulong tulad ng pagkain, damit at school supplies. Samantala,…

Read More

TEODORO SA ARAW NG KAGITINGAN: “MANINDIGAN PARA SA REPUBLIKA!”

NANAWAGAN si Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. sa mga Pilipino na “piliin ang Republika” sa gitna ng mga hamon ng bansa. Ito ay kanyang sinabi sa wreath-laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani bilang bahagi ng ika-84 na Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week. “Hindi tayo pwedeng tumiklop sa harapan ng mga interes ng ating bansa,” diin ni Teodoro. Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng pagpapalakas ng bansa upang makasabay sa ibang mga bansa at hindi “pagtulak-tulakan” sa pandaigdigang entablado. Kasabay nito, patuloy ding…

Read More

P15-B DOJ BUILDING SA PARAÑAQUE, MAGAGAMIT NA NGAYONG 2026

LILIPAT sa Parañaque City ang bagong gusali ng Department of Justice (DOJ) ngayong 2026 na nagkakahalaga ng P15 bilyon. Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Frederick Vida sa kanyang 100-day report, kung saan sinabi niyang ililipat ang pangunahing tanggapan mula Padre Faura, Maynila patungo sa Aseana Avenue. Ani Vida, magsisilbing sentrong tanggapan ang bagong gusali para sa iba’t ibang opisina kabilang ang Office of the Secretary, National Prosecution Service, at iba pang legal units. Matatagpuan ang bagong DOJ complex malapit sa mga tanggapan ng Bureau of Immigration (BI), National Bureau…

Read More

LTFRB: HALOS P1-B FUEL SUBSIDY NAIPAMAHAGI NA SA PUV SECTOR

MANILA, Philippines — Umabot na sa halos P1 bilyon ang naipamahaging fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicle (PUV) driver at operator sa buong bansa. Batay sa pinakahuling datos, kabilang sa mga nakatanggap ang mga nasa National Capital Region na umabot sa P200 milyon, gayundin ang mga rehiyon ng CALABARZON, Central Luzon, at Central Visayas. Tig-P5,000 ang ibinibigay sa bawat benepisyaryo na kinabibilangan ng mga driver at operator ng jeepney, UV Express, bus, taxi, transport network vehicle service (TNVS), tricycle, delivery services,…

Read More

CORPORATE RECORDS NI VP SARA, MISTER HININGI NG KAMARA SA SEC

INATASAN ng House Committee on Justice ang Securities and Exchange Commission (SEC) na isumite ang corporate records nina Vice President Sara Duterte at asawang si Manases Carpio kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment proceedings. Sa subpoena na pirmado ni House Speaker Faustino Dy, pinadadalo si SEC Chairperson Atty. Francis Edralin Lim sa pagdinig sa Abril 14, 2026 sa House of Representatives. Kabilang sa pinasusumiteng dokumento ang certified true copies ng General Information Sheets at audited financial statements ng mga kumpanyang nakapangalan sa mag-asawa. Layunin ng hakbang na mapagtibay ang reklamo hinggil…

Read More

SENATOR DELA ROSA: ‘ABSENERO NG TAON’

GAYA ng inaasahan, nanguna sa mga senador na may pinakamaraming absent sa First Regular Session ng 20th Congress si Senador Ronald Bato dela Rosa. Sa official records ng Senado, sa loob ng 58 session days, 31 ang naitalang absent ni dela Rosa na nagsimulang hindi pumasok noong November 2025. Pumapangalawa sa may pinakamaraming absent at late sa session ay si Senate Minority leader Alan Peter Cayetano na 14 na beses na hindi nakapasok sa session at 24 na beses late. Sumunod naman si Senador Camille Villar na may 16 na…

Read More

“DIYOS ANG PAG-ASA” — CAYETANO SA GITNA NG KRISIS

NANINIWALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na sa kabila ng kinahaharap na problema sa ekonomiya at pulitika, may pag-asa pa rin ang Pilipinas sa tulong ng Diyos. Sa isang Facebook Live nitong Abril 7, ibinahagi ni Cayetano ang kanyang “3Ps framework” — purpose, potential, at power — bilang gabay sa pagharap sa hamon ng buhay. “Sobrang daming pagsubok… but remember that God always gives hope, always gives an answer,” ani Cayetano. Ayon sa senador, maaaring gamitin ng Diyos ang Pilipinas bilang instrumento ng pagpapala o ang ibang bansa…

Read More