172 ARESTADO SA ONLINE SABONG SA MAYNILA

UMAABOT sa 172 katao ang inaresto matapos salakayin ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR) ang isang ilegal na online sabong operation sa Tondo, Maynila. Ayon kay CIDG NCR chief Col. John Guiagui, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad noong Martes ng gabi sa isang cockfighting coliseum sa Vitas, Tondo matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa ilegal na aktibidad. Sinabi ni Guiagui na tinatayang umaabot sa 500 sabong ang isinasagawa araw-araw sa naturang pasilidad, na tuluy-tuloy at umaandar ng 24-oras dahil sa online betting.…

Read More

P102-M SHABU NADISKUBRE SA CHOPPING BOARDS, COURIER ARESTADO

HAWAK ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang babaeng Malaysian national na nasabat dahil sa bitbit nitong 15 kilo ng hinihinalang shabu na nakatago sa chopping boards makaraang madiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group. Ayon sa report, ang tinatayang P102 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu na itinago sa mga sangkalan o chopping board, ay nasamsam sa ikinasang anti-narcotics operation sa NAIA Terminal 1. Bunsod nito, inaresto ang isang pasaherong Malaysian na…

Read More

HOUSE PANEL NAGLABAS NG SUBPOENA SA IMPEACHMENT CASE NI VP SARA

INAPRUBAHAN ng House Committee on Justice ang pagpapalabas ng mga subpoena bilang bahagi ng imbestigasyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte, partikular sa alegasyon ng “unexplained wealth.” Sa botong 34-1, pinayagan ng komite ang pag-isyu ng subpoena duces tecum sa Office of the Ombudsman upang isumite ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ni Duterte para sa mga taong 2007–2013, 2016–2022, at 2022–2025. Naglabas din ng subpoena sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makuha ang mga rekord kaugnay ng umano’y pagbabanta ni Duterte laban kina…

Read More

PBBM LALAGDAAN BATAS PARA SUSPENDIHIN O BAWASAN BUWIS SA LANGIS

INAASAHAN na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan na suspendihin o bawasan ang excise tax sa fuel. Ayon sa Pangulo, target niyang mapirmahan ang panukala sa loob ng araw bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis. Layunin ng panukala na payagan ang Pangulo na i-adjust ang fuel excise taxes upang mapagaan ang bigat ng mataas na pump prices sa mga konsyumer. Kasabay nito, ipinatutupad na ng pamahalaan ang fuel subsidies para sa…

Read More

PBBM: ‘ENERGY EMERGENCY’ HINDI PANGKALAHATAN

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang idineklarang State of Energy Emergency ay hindi isang pangkalahatang national emergency kundi nakatuon lamang sa sektor ng enerhiya. Ayon sa Pangulo, ang hakbang ay isang “very specific and precise” na tugon sa banta sa suplay at presyo ng enerhiya dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Ipinaliwanag niya na ang sitwasyon sa Strait of Hormuz—na dinadaanan ng malaking bahagi ng global oil supply—ay may direktang epekto sa Pilipinas na umaasa sa imported na langis. Dagdag ng Malacañang, nagsisilbing “precautionary tool” ang deklarasyon upang…

Read More

SET IBINASURA PETISYON VS TULFO

NAGPASALAMAT si Senator Erwin Tulfo matapos ibasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang quo warranto petition na inihain laban sa kanya ng dating mamamahayag at abogado na si Berteni ‘Toto’ Causing. Sa isang pahayag, pinasalamatan rin naman ni Tulfo ang kanyang legal team, sa pangunguna ni Atty. Karen Jimeno, na siyang humarap at nagtanggol sa kanya laban sa naturang reklamo. “Masaya po tayo sa opisyal na pagbasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa quo warranto petition laban sa akin. Lubos po ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal sa desisyong ito…

Read More

MOCK TRIAL O MOCKERY NG HUSTISYA?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY napanood akong video ng criminology students na gumawa ng mock trial tungkol sa panggagahasa. Dapat seryoso iyon dahil pagsasanay ito para sa totoong kaso. Pero sa gitna ng eksena, may isang estudyante na nagbitaw ng bastos na linya. Biglang nagtawanan ang buong silid na parang wala lang. Doon ako napahinto. Hindi lang dahil sa sinabi, kundi dahil sa naging reaksyon. Walang pumigil. Walang nagtanong kung tama pa ba ang nangyayari. Sa halip, tinanggap iyon bilang normal na parte ng eksena. At doon nagsimulang…

Read More

SA PAGSASABING WALANG KRISIS SA LANGIS, USEC. CLAIRE CASTRO INUULAN NG BATIKOS

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGALIT ang mga senador sa sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na wala pang krisis sa langis ang bansa. Ayon kay Senator Loren Legarda, mahigit isang daan na ang presyo ng langis, sasabihin ng Palasyo ng Malakanyang na walang pang krisis sa langis. Kaugnay niyan, ipinatawag ng Senado si Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin at iba pang mga opisyal nito upang alamin ng mga senador ang ginagawang hakbang nila sa nararanasang krisis sa langis sa bansa.…

Read More

DAR NAMAHAGI NG KAGAMITANG PANSAKA SA CATANDUANES

NAGKALOOB ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng mga kagamitang pansaka upang palakasin ang produksyon ng gulay sa Pandan, Catanduanes. Kabilang sa ipinamahagi ang isang hand tractor at water pump unit sa Lumabao Aksyon sa Kasaganaan Asosasyon Inc. (LAKAS), isang agrarian reform beneficiary organization. Ayon sa DAR, ang dalawang farm machinery and equipment na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱140,000 ay makatutulong sa mas mabilis na paghahanda ng lupa at sa pagtitiyak ng sapat na suplay ng tubig para sa mga pananim. Isinagawa ang pamamahagi sa ilalim ng Sustainable Livelihood Support component…

Read More