Isantabi muna pulitika – Bam KRISIS SA EDUKASYON, TRABAHO, KORUPSYON AKSYUNAN NA

IGINIIT ni Senador Bam Aquino na dapat isantabi muna ang pulitika habang patuloy na hinaharap ng mga Pilipino ang mabibigat na suliranin tulad ng krisis sa edukasyon, kawalan ng trabaho, at katiwalian. Ginawa ng senador ang pahayag bilang reaksyon sa impormasyon na posible siyang sumabak sa 2028 Presidential elections. Sinabi ni Aquino na nakahihiyang mamulitika habang patuloy na dumaranas ng mabibigat na hamon ang sambayanang Pilipino. Naniniwala si Aquino na may tamang panahon para pag-usapan ang 2028, ngunit iginiit niya na dapat unahin ng mga lider na resolbahin ang mga…

Read More

Sa kabila ng iringan sa karagatan DIRECT FUJIAN–CEBU FLIGHTS BINUKSAN

WINELCOME ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng direct flights sa pagitan ng Fujian, China at Cebu. Sa paglulunsad ng Chinatown Revitalization Phase II sa Maynila, pinasalamatan ng Pangulo si Jing Quan sa pag-anunsyo ng bagong ruta. “I thank you very much for the good news that you have brought about the flights going to Cebu,” ayon sa Pangulo. “And I hope that it will be the beginning of more interactions and people-to-people exchange between China and the Philippines,” aniya pa rin. Inaprubahan ng China ang direct flights mula…

Read More

HIGIT 24 PINOY SEAFARERS SA MGA BARKO NG RUSSIA, NANGANGANIB MAIPIT SA GIYERA KONTRA UKRAINE — ERWIN TULFO

MAKIKIPAGPULONG ngayong linggo si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) tungkol sa dapat gawin sa humigit-kumulang 24 Pinoy seafarers na nakasakay ngayon sa ilang barko ng Russia. Ayon kay Sen. Tulfo, “Gusto nating malaman kung ano ang magiging hakbang ng ating DFA at DMW para sa kaligtasan ng mga seafarers na ito.” Ang impormasyon hinggil sa bilang ng mga Pinoy seaman ay ibinahagi ni Ukraine Ambassador Yuliia Fediv kay Tulfo nang mag-courtesy call…

Read More

BULTO NG MGA PROYEKTO NG DE LEON-OWNED BELL CONSTRUCTION NASA ANTIPOLO

MULA 2017 hanggang 2026, nakuha ng construction company na nakarehistro sa pangalan ng pamilya ng professional volleyball player na si Bea de Leon ang proyektong nagkakahalaga ng P2.2 bilyon sa Antipolo City 1st District sa panahon ng panunungkulan ng tatlong miyembro ng pamilya Puno sa House of Representatives. Sa kasalukuyan, kinakatawan ni Deputy Speaker Ronnie Puno ang Distrito, na dati namang kinatawan ni Roberto Puno mula 2019 hanggang 2025 at ni Cristina Roa-Puno mula 2016 hanggang 2019. Batay sa datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Transparency…

Read More

CAAP NAGSAGAWA NG 3-DAY BOOT CAMP PARA PALAKASIN ANG AVIATION SAFETY

SUMABAK ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippine sa tatlong araw na boot camp hinggil sa aviation safety sa Talisay, Batangas. Ayon sa CAAP, matagumpay nilang naidaos ang tatlong araw na intensive boot camp noong nagdaang linggo sa Talisay. Layunin ng nasabing inisyatiba na palakasin ang technical compliance ng CAAP bilang paghahanda sa nalalapit na Universal Safety Oversight Audit Programme (USOAP) ng International Civil Aviation Organization (ICAO) sa darating na Setyembre 2026. Nakapaloob sa inilatag na programa ang ilang session na pinangunahan ni Mr. Sandra M.A. Susantha…

Read More

P55.3-M SHABU NADISKUBRE SA BIBLIYA, GERMAN TIMBOG

NASA walong kilo ng umano’y shabu na itinago sa Holy Bible, ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) katuwang Philippine Drug Enforcement Agency, sa isinagawang anti-illegal drug interdiction operation na nagresulta sa pagkakadakip sa isang German national sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Sabado. Ayon sa impormasyong ibinahagi ng tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, dumating ang German national sa NAIA mula sa kanyang connecting flight mula sa Addis Ababa, South Africa. Subalit napuna ng matatalas na custom officials sa bagahe nito nang dumaan sa…

Read More

Talamak pa rin smuggling INTEL FUND NG BOC KINUWESTYON

PATULOY pa ring kinukwestyon sa Kongreso kung paano ginagamit ng Bureau of Customs ang kanilang intelligence fund sa gitna ng malawakang pagpupuslit ng sigarilyo sa bansa. Ito ay makaraang kumpirmahin ng BOC ang pagkakaroon nila ng Intelligence fund subalit hindi naman naipaliliwanag kung paano ito ginagamit. Lumutang ang usapin hinggil sa intel fund ng BOC matapos lumitaw sa pag-aaral ng tobacco company na JTI Philippines, na walo sa bawat sampung sigarilyo na ibinebenta sa Mindanao ay smuggled cigarettes. Tanging ang BOC lamang umano ang hindi nakakaalam na sa parteng Mindanao…

Read More

GINHAWA AT PANGANIB NA HATID NG CELLPHONE AT AI

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI na hiwalay sa ating pang-araw-araw na buhay ang cellphone at artificial intelligence (AI). Mula paggising hanggang pagtulog, hawak natin ang teknolohiyang minsang ipinangakong magpapagaan ng buhay. Minsan nga, nagulat pa ako dahil ang pinakikinggan ko palang music mix ay gawa ng AI kaya pala kahit anong search ay hindi ko makita ang artist o ‘yun original music sa youtube. Ngunit habang patuloy ang pag-unlad nito, dumarami rin ang mga pag-aalala at tanong kung hanggang saan ang pakinabang, at kailan ito nagiging panganib? Tulad na lang…

Read More

Pangako at Pangarap ni Isko: Mas Matatag at aktuwal na Serbisyong Pangkalusugan

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA panahon na patuloy ang hamon sa sektor ng kalusugan sa bansa, mahalaga ang bawat hakbang na magpapalakas sa pundasyon ng ating medical education at serbisyong pampubliko. Ang kamakailang groundbreaking ng College of Allied Health Sciences Building ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, ay hindi lamang simpleng seremonya—ito ay malinaw na mensahe ng pamumuhunan sa kinabukasan ng healthcare sa lungsod. Ang limang-palapag na gusali, na itatayo mula…

Read More