INIHAYAG ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na plano ng Kamara na kumuha ng private litigators upang tumulong sa prosecution panel sakaling umusad sa Senado ang impeachment trial laban kay Sara Duterte. Ayon kay Luistro, bagamat may mga abogado sa House of Representatives of the Philippines, kailangan ang karanasan sa aktwal na paglilitis dahil magiging pormal na trial ang proseso sa Senate of the Philippines. Sinabi niya na sa ilalim ng impeachment rules, dapat ay may 11 public prosecutors mula sa Kamara, ngunit walang pagbabawal…
Read MoreAuthor: admin 3
QC DIST. 5 BRGY. CHAIRMAN, NAKIKIALAM SA HOA ELECTION?
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKARATING sa aking kaalaman na isang barangay chairman sa District 5 ng Quezon City, ang ngayon pa lang ay namumulitika na sa mga residente sa lugar. Pati ba naman ang eleksyon ng Homeowner Association (HOA) sa subdibisyon na malapit sa isang mall sa nasabing distrito, ay pinakikialaman ni Kapitan. Bumuo itong si Kapitan ng grupo o Homeowner Association para banggain o labanan ang kasalukuyang HOA officers ng subdibisyon. Ayon sa source, isasagawa ang eleksyon ng HOA ng nabanggit na subdibisyon sa Mayo 10, 2026. Ang…
Read More‘MALAMBOT’ ANG SENADO KAY BATO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ISA sa mga paboritong upakan ngayon ng mga netizen itong si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa dahil sa kanyang pagiging absenero. Suki na nga siya kung tutuusin dahil maya’t maya napapansin siya bagaman hindi siya visible sa Senado. Kaya madalas ding maitanong kung bakit hindi siya pwedeng disiplinahin ng kanyang mga kasama. Malambot daw ang Senado at hindi ubra sa matigas na ‘bato’. Nakikita na ng publiko ang problema, hindi lang sa pag-absent ng senador kundi ang kabiguan ng Senado pagdating sa pagdidisiplina sa sarili nitong…
Read MoreKAPAG ANG PAMBANSANG AWIT AY GINAWANG REMIX
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HINDI lahat ng maaaring gawing kanta ay dapat ginagawang pang-aliwan. Iyon ang naiisip ko habang pinanonood ko ang muling pag-ikot ng isang video online. Makikita rito ang mga kabataang Filipino-American sa loob ng isang party setting, sumasayaw at tumatawa habang tumutugtog ang remixed na bersyon ng “Lupang Hinirang.” May halong trap at club beats ang tunog, na parang inalis ang bigat at pinalitan ng ritmo ng sayawan. Para sa ilan, mukhang biro lang o creative expression. Pero para sa iba, tila may nalabag na…
Read More3 CHINESE NATIONALS INARESTO NG BI SA ONLINE SCAM AT MONEY LAUNDERING
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese nationals sa Angeles City, Pampanga dahil sa hinihinalang online scam at money laundering. Nahuli sila habang gumagamit ng mga computer para sa panlilinlang sa mga dayuhang biktima. Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga suspek na sina Zhang Zheng, 42; Ren Yi, 28; at Zhang Shengjun, 31, inaresto habang aktong nag-ooperate ng computer equipment na gagamitin sa panloloko target ang mga dayuhan. Ayon sa imbestigasyon, bahagi sila ng “breakaway” scam groups na binubuo ng dating POGO…
Read MoreWalang credible threat vs Marcos Jr. AFP, PNP MINALIIT ‘TSISMIS’ NA KUDETA
MINALIIT ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kumakalat na ulat hinggil sa umano’y tangkang destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., wala silang beripikadong intelligence na nagpapakita ng seryoso at nakaambang banta ng kudeta o pag-aalsa na suportado ng militar. Gayunman, tiniyak ng PNP na mananatili itong naka-heightened alert bilang pag-iingat. Nauna rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na may ilang retiradong opisyal ng militar na umano’y nagtatangkang mag-recruit ng mga…
Read MoreVILLAR NAMAHAGI NG TULONG SA TSUPER, MANGINGISDA SA PAMPANGA
NAMAHAGI ng tulong si Senador Mark Villar sa mga jeepney driver at mangingisda sa Apalit, Pampanga sa ilalim ng MARKalinga Program. Kabilang sa ipinamahagi ang grocery packs at sako-sakong bigas bilang suporta sa sektor ng transportasyon at pangingisda na apektado ng mataas na presyo ng langis. Ayon kay Villar, layunin ng programa na matulungan ang mga manggagawa na patuloy na nagsisilbi sa publiko sa kabila ng hirap sa kabuhayan. Binanggit din ng senador ang epekto ng tumataas na gastusin sa operasyon ng mga mangingisda, na nagdudulot ng pagbawas sa bilang…
Read MoreCOMELEC, AFP AT PNP NAGPULONG PARA SA BARMM, SK ELECTIONS 2026
NAGPULONG ang Commission on Elections, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines kasama ang iba pang ahensya upang talakayin ang preparasyon para sa 2026 BARMM Parliamentary Elections at Sangguniang Kabataan elections. Pinangunahan ang command conference nina COMELEC Chairman George Erwin Garcia, PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., at AFP Acting Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Arvin Lagamon sa Camp Crame. Dinaluhan din ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at election stakeholders upang tiyakin ang koordinasyon para sa maayos, mapayapa, at kapani-paniwalang…
Read MoreTAX RECORDS NI VP SARA MANANATILING SELYADO
NAGPASYA ang House Committee on Justice na panatilihing selyado ang kahon ng tax records ni Vice President Sara Duterte at kanyang asawang si Atty. Manases Carpio. Sa botong 38-6, inaprubahan ng komite ang mosyon na isama ang selyadong kahon sa opisyal na records at ipadala ito sa Senate of the Philippines kung sakaling umusad ang impeachment trial. Ang kahon ay naglalaman ng mga dokumentong isinumite ng Bureau of Internal Revenue noong Abril 22 bilang tugon sa subpoena ng Kamara kaugnay ng mga alegasyon laban sa Bise Presidente. Ayon kay Manila…
Read More