Totoong serbisyo at pag-unlad ng Maynila, prayoridad ni Yorme Isko!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MAY kumakalat na tsismis sa social media: si Manila Francisco “Isko” Moreno Domagoso raw ang dark horse sa presidential elections sa 2028, kasi raw, sa madalas na pagbisita ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay laging kasama nito ang 24/7 na alkalde ng Maynila. Wala raw kasing matunog na pangalang pwedeng suportahan ni PBBM, at ang mga nagpipresentang kandidato sa panguluhan, walang karisma, walang hatak sa publiko, at walang maipagmamalaking accomplishment sa larangan ng lantad na governance, transparency at accountability. At walang maikakabit na…

Read More

SERBISYO AT EDUKASYON PARA SA MGA NOVO ECIJANO, MAS PINAIIGTING NI GOVERNOR AURELIO “OYIE” UMALI

TARGET ni KA REX CAYANONG ANG paggunita sa ika-130 Unang Sigaw ng Nueva Ecija ay hindi lamang pag-alala sa tapang ng ating mga ninuno. Ito rin ay pagkakataon upang suriin kung paano isinasabuhay ng mamamayan ngayon ang kanilang diwa ng pagkakaisa at paglilingkod. Sa pamumuno ni Governor Aurelio “Oyie” Umali, binigyang-diin ang kahalagahan ng isang pamahalaang hindi lamang nakikita sa mga seremonya, kundi higit na nararamdaman sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan. Makikita ito sa mga programang inilalapit sa mga Novo Ecijano, kabilang ang PGNE Mobile Pharmacy na naglalayong gawing…

Read More

3 NAWAWALA, 10 NAILIGTAS SA TUMAOB NA MOTORBOAT

PATULOY ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Binmaley, Pangasinan para sa tatlong residente na nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang motorboat sa Camaley-Balogo River noong Setyembre 12, 2026. Bandang alas-11:40 ng gabi nang mangyari ang insidente habang sakay ng motorboat ang 13 katao. Ayon sa ulat ng pulisya, nagsisimula pa lamang maglayag ang bangka nang biglang pumasok ang tubig dito. Nag-panic ang mga pasahero at nagtalunan sa ilog. Dahil sa malakas na agos, tatlo ang natangay…

Read More

BINATA TINARAKAN NG GUNTING SA ULO

TINARAKAN ng gunting sa ulo ang isang 19-anyos na binata ng kanyang kapitbahay nang naramdamang dehado siya sa suntukan sa Barangay Paradahan II, Tanza, Cavite nitong Linggo ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Paul”, ng Brgy. Paradahan II, Tanza, Cavite dahil sa sugat sa ulo makaraang tarakan ng gunting ng kapitbahay nitong si alyas “Gil”, 26, ng nasabi ring barangay. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. Paradahan, Tanza, Cavite kung saan nagkaroon…

Read More

3 ROBBERY GROUP MEMBERS, TIMBOG SA BATANGAS PORT

NAPIGILAN ang pagbiyahe patungong Calapan, Oriental Mindoro ng tatlong lalaking umano’y miyembro ng Fernandez syndicated group matapos arestuhin sa Port of Batangas. Sasakay na sana ang tatlo ng FastCat nang isilbi sa kanila ang kani-kanilang warrant of arrest ng PNP Regional Intelligence Unit CALABARZON at Batangas Maritime Police, sa pakikipag-ugnayan sa Port Police Station. Ayon sa pulisya, nahaharap ang mga ito sa mga kasong robbery at isinailalim na sa kustodiya ng Batangas City Police para sa kaukulang proseso at dokumentasyon bago iharap sa korte. (NILOU DEL CARMEN) 185

Read More

ERWIN TULFO, HINIMOK DILG NA I-UPGRADE AIR ASSETS PARA SA MAS MABILIS NA EMERGENCY RESPONSE

HINIMOK ni Senador Erwin Tulfo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na palakasin at ipamahagi sa iba’t ibang rehiyon ang aerial assets ng Philippine National Police (PNP) upang mas mabilis na makaresponde sa mga sakuna, labanan ang krimen, at protektahan ang kalikasan. Sa ginanap na budget briefing ng DILG para sa pondo ng 2027, binigyang-diin ni Tulfo ang matinding pangangailangan sa mabilis na pagresponde mula sa himpapawid, lalo na sa malalayong lugar na talamak ang illegal logging at kaingin, tulad ng Palawan at Sierra Madre. “Sa ngayon,…

Read More

AFP RESERVISTS HINIKAYAT NG DND NA PALAKASIN AKTIBIDAD SA COASTAL AT ISLAND PROVINCES

HINIKAYAT ng Department of National Defense (DND) ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Reserve Force na palakasin ang kanilang mga aktibidad, partikular sa mga coastal at island province na itinuturing na vulnerable sa security threats at kalamidad. Inilahad ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang panawagan sa pagtatapos ng 47th AFP National Reservist Week sa Camp Aguinaldo, na ginanap mula Setyembre 3 hanggang 10 na may temang “Laang Kawal: Sandigan ng Bayan sa Kapayapaan, Kaayusan, at Katatagan.” Ayon kay Teodoro, malaking puwang sa depensa ng bansa ang…

Read More

CAYETANO PABOR SA PAGSALI NG PILIPINAS SA MARITIME RESCUE TREATY PARA PROTEKTAHAN FILIPINO SEAFARERS

PABOR si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pagsali ng Pilipinas sa International Convention on Maritime Search and Rescue (SAR) na layong palakasin ang koordinasyon ng mga bansa sa pagsagip sa mga taong nasa panganib sa dagat. Co-sponsor at co-author si Cayetano ng Proposed Senate Resolution No. 643 sa ilalim ng Committee Report No. 98, na humihingi ng pagsang-ayon ng Senado sa pag-akyat ng Pilipinas sa 1979 SAR Convention. Ayon kay Cayetano, kailangan ang mas mahigpit na regulasyon at maayos na koordinasyon upang maprotektahan ang mga taong nasa dagat,…

Read More

EDUKASYON SENTRO NG PAMUMUHUNAN NG GOBYERNO SA KABATAAN—SPEAKER DY

INIHAYAG ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Sabado na inilalagay ng administrasyong Marcos at Kongreso ang edukasyon sa sentro ng pamumuhunan ng pamahalaan, kung saan nakalaan ang pinakamalaking pondo para sa sektor sa panukalang pambansang badyet para sa 2027 upang mabigyan ang mga batang Pilipino ng patas na pagkakataong makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Sa kanyang pagharap sa mga estudyante, iskolar, lokal na opisyal at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa ikaapat na LegisHear public consultation sa South Cotabato, sinabi ni Speaker…

Read More