(TOTO NABAJA) INILAGAY na rin ng Philippine National Police (PNP) sa pinakamataas na alerto ang buong Mindanao nitong Lunes, Setyembre 14, kasabay ng idinaraos na kauna-unahang BARMM Parliamentary Election. Nauna nang isinailalim sa full alert status ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) dahil sa halalan. Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., naka-full alert na rin ang mga Police Regional Offices sa Regions 9, 10, 11, 12 at 13 hanggang sa katapusan ng Setyembre. Magtatagal ang election period sa BARMM hanggang Setyembre 29. Nauna nang inanunsyo ng…
Read MoreAuthor: admin 3
2 PULIS, 3 PA ARESTADO SA SLOT FOR SALE SA PNP
TIMBOG ang limang indibidwal kabilang ang dalawang aktibong pulis, sa ikinasang entrapment operation sa Pampanga. Sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame, ibinunyag ni PNP chief, PGen. Melencio Nartatez Jr., inaresto ang lima kabilang ang dalawang aktibong pulis, sa umano’y extortion scheme na tumatarget sa mga aplikante ng PNP. “Huwag natin gawing negosyo ang ating uniporme,” bahagi ng talumpati ni Nartatez. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, nakabatay sa merit, qualification at integrity ang recruitment sa PNP, at walang slot na ibinebenta o ipinangangako. Makaraang…
Read MorePBBM TINIYAK FOOD SUPPLY SA GITNA NG MIDDLE EAST CRISIS
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa habang nagsasagawa ang administrasyon ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng patuloy na kaguluhan sa Middle East, partikular ang pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin. Sa isang Kapihan matapos ang kanyang paglahok sa 18th BRICS Summit sa New Delhi, India, sinabi ni Pangulong Marcos na nakatuon ang pamahalaan sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng pagkain at abot-kayang presyo sa kabila ng epekto ng geopolitical tensions sa…
Read MoreSC NAKAPAGTALA NG 99.9% TURNOUT SA HULING ARAW NG BAR EXAMS
IKINATUWA ng Korte Suprema (SC) ang halos perfect attendance na naitala sa ikatlo at huling araw ng 2026 Bar Examinations, kung saan umabot sa 99.9% ang turnout ng examinees. Batay sa datos ng SC, 12,010 sa kabuuang 12,017 examinees na kumuha ng ikalawang araw ng pagsusulit ang tumuloy at nakatapos sa final day ng Bar Examinations. Saklaw sa huling araw ng pagsusulit ang Criminal Law, Remedial Law at Legal and Judicial Ethics. Nanguna ang University of San Jose-Recoletos sa may pinakamaraming examinees na umabot sa 1,324, habang 357 naman ang…
Read MoreMALACAÑANG BINUKSAN PARA SA KAARAWAN NI PBBM
BINUKSAN ng Malacañang ang mga gate nito para sa libo-libong Pilipino nitong Lunes, Setyembre 14, kasabay ng pagdiriwang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kanyang ika-69 na kaarawan sa pamamagitan ng “Salo-Salo sa Palasyo.” Para sa Pangulo, hindi lamang isang pormal na birthday celebration ang okasyon kundi pagkakataon upang makasalo, makasalamuha ang mas maraming Pilipino at pasalamatan ang mga ito sa kanilang suporta. Tinatayang mahigit 9,000 bisita ang tinanggap sa Malacañang para sa taunang “Salo-Salo sa Palasyo,” habang sabay-sabay ding isinagawa ang mga pagtitipon sa 90 satellite locations sa…
Read MoreJOB FAIR, IBA PANG SERBISYO INILUNSAD SA PASAY
PASAY CITY — Dinagsa ng mga residente mula sa Pasay at karatig-lugar ang job fair at iba pang programa at serbisyong inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasay bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Cuneta Astrodome nitong Lunes. Pinangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang aktibidad, kung saan 15 kumpanya ang lumahok sa job fair na nag-aalok ng kabuuang 4,660 trabaho para sa mga naghahanap ng mapapasukan. Layunin ng aktibidad na maghatid ng direktang serbisyo at tulong sa publiko, kabilang ang mga programang nag-aalok…
Read MoreACTING VICE MAYOR PWEDENG UMAKTONG PRESIDING OFFICER NG SP – OMB REMULLA
NILINAW ni Ombudsman Jesus Crispin C. Remulla na kasama sa tungkulin ng isang Acting Vice Mayor ang pagiging presiding officer ng Sangguniang Panlungsod. Ang paglilinaw ay ginawa ni Remulla kasunod ng mga tanong tungkol sa awtoridad ni San Pablo City Acting Vice Mayor Shaira Aliyah Diaz. Nagsimula ang isyu matapos suspendihin ng Ombudsman sina San Pablo City Mayor Arcadio “Najie” Gapangada Jr. at Vice Mayor Justin Colago. Dahil kapwa suspendido ang dalawang halal na opisyal ng lungsod, umiral ang kaukulang order of succession kung saan naging Acting Mayor si First…
Read MoreMga Obispo tutol sa kontrobersyal na kasunduan ng SOCOTECO II at Ignite
Sumali na rin ang Simbahang Katolika sa lumalakas na pagtutol laban sa panukalang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II) at Ignite Power and Energy Holdings na suportado nina Enrique Razon at Manny Pacquiao. Sumulat ang dalawang obispo kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla upang hilingin ang preventive suspension ng mga miyembro ng Board of Directors ng SOCOTECO II. Sa isang liham noong Setyembre 1, nanawagan sina Obispo Cerilo Casicas ng Diyosesis ng Marbel at Caritas Philippines President Obispo Gerardo Alminaza ng Diyosesis…
Read MoreMAPAYAPANG DAYALOGO KAILANGAN SA ISYU NG PAX SILICA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY mga pagkakataong ang galit at sigaw ay nagmumula sa tunay na pag-aalala. Sa usapin ng proyektong Pax Silica, hindi natin maiiwasang maunawaan kung bakit mainit ang talakayan. Sa isang banda, nakatutukso ang pangakong USD 40 hanggang USD 70 bilyong puhunan at humigit-kumulang 190,000 na trabaho para sa ating mga inhinyero at propesyonal sa ilalim ng Luzon Economic Corridor. Sa kabilang banda, may mga sektor din na may malalalim na pangamba sa magiging epekto nito sa kalikasan, lipunan, o soberanya. Subalit, nang sumabog ang tensyon sa…
Read More