TAMBULI ni JESSE RUIZ LUMIKHA ng kontrobersya ang nangyaring raid kamakailan sa isang warehouse na naglalaman ng mga ilegal na sigarilyo sa Sta. Maria, Bulacan. Palaisipan pa rin sa marami kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa pagitan ng mga ahente ng Bureau of Customs at mga tauhan ng Metro Manila Regional Highway Patrol Group. Sa social media post ng veteran broadcaster Ramon Tulfo, sinabi niyang hinaras at dinisarmahan ang mga ahente ng BOC nang kinukumpiska ng HPG-NCR ang mga puslit na sigarilyo mula sa isang warehouse sa Bulacan.…
Read MoreAuthor: admin 3
GOV. DANIEL FERNANDO, KAPANI-PANIWALA BANG WALANG ALAM?
RAPIDO ni PATRICK TULFO VIRAL kamakailan ang interview ng batikang broadcaster na si Ted Failon kay Bulacan Gov. Daniel Fernando. Ginisa ni Manong Ted si Fernando sa issue ng P41 bilyong Flood Control fund para sa Bulacan. Paanong hindi gigisahin ‘yang si Gob, ilang bayan sa Bulacan ang lubog sa baha at karamihan sa mga ito kahit walang ulan ay lubog pa rin sa baha. Pero walang malinaw na ginagawa si Gob para solusyunan ang problema. Ayon kay Gob, wala siyang alam sa bilyon-bilyong halaga ng pondo na proyekto umano…
Read MoreCUSTOMS COMMISSIONER NEPOMUCENO, HINDI UURUNGAN ANG PNP-HPG
On the Level ni JUNEX DORONIO HINDI dapat maging normal sa isang bansang may batas ang eksenang isang grupo ng mga pulis ang umano’y nananakot o umaabuso sa mga tauhan ng ibang ahensiya na nagsasagawa ng lehitimong operasyon. Ito ang masakit na tanong na iniwan ng standoff sa pagitan ng ilang tauhan ng PNP-Highway Patrol Group at Bureau of Customs: Sino ang nagpapatupad ng batas, at sino ang lumalabag dito? Kung ang Customs personnel ay may lehitimong mission order at gumaganap ng tungkulin laban sa smuggling, walang dahilan upang tratuhin…
Read MoreTROPA
IBANG KLASE ang takbo ng kukute ng mga kabataan ngayon. Marahas. Butata ang panahon namin. Marami rin ang gagong kabataan noong aming henerasyon. Pero hindi naging uso sa aming hanay ang maging bayolente. May pailan-ilan lang. Kapag bad trip sa kung anoman ang tinirang droga. Wala namang may isipang war freak kapag damo ang hinithit. Peace man lang. Music trip na may hawak na ice-cold bottle of beer habang lumilipad ang diwang malaya doon sa malawak at de-kulay na imahinasyon. ‘Yan ay kung free time lang o panahong walang pasok…
Read More‘RESPETO SA LIDERATO, RESPETO SA SAN JOSEÑO’
TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang komunidad, normal lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pananaw. Hindi naman lahat ay kailangang sumang-ayon sa bawat desisyon ng isang lider. Ngunit may hangganan ang malayang pagpapahayag. Kapag nauuwi na sa pambabastos at panlalait, nawawala ang tunay na layunin ng isang makabuluhang diskurso. Ito ang mahalagang punto sa naging pahayag ni San Jose del Monte, Bulacan Mayor Rida Robes sa Ate Rida Basketball Cup 2026. Bago pa man siya magsalita, narinig umano ang ilang sumisigaw ng “Tubig, Tubig.” Sa kanyang talumpati, ipinahayag ng alkalde…
Read MoreFRUSTRATED MURDER SA TUMAGA SA PULIS
PORMAL nang sinampahan ng kasong direct assault with frustrated murder ang suspek sa pananaga kay PSSg. Noli Miraña ng San Jose Municipal Police Station sa Camarines Sur. Isinampa ang kaso noong Agosto 23 sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Camarines Sur Provincial Prosecutor’s Office, at may inirekomendang piyansa na P120,000.00. Noong Martes, Agosto 24, pormal namang inihain sa Regional Trial Court sa San Jose ang impormasyon para sa nasabing kaso. Sa ngayon, si Miraña ay patuloy na nagpapagaling sa ospital makaraang matagumpay na maibalik ang naputol niyang kamay. Tiniyak ng…
Read MoreSalpukan sa Infanta, Quezon RIDER PATAY SA TUMALSIK NA SALAMIN NG VAN
PATAY ang isang 22-anyos na rider matapos tamaan sa leeg ng nabasag na salamin ng isang van na nakasalpukan nito sa Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon noong Linggo ng hapon. Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang 22-anyos na lalaking residente ng Tanay, Rizal. Nabatid sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at patungong Infanta, Quezon nang makasalpukan ang passenger van na minamaneho naman ng 44-anyos na driver. Nabasag umano ang salamin ng van at tumalsik ang bahagi patungo sa leeg ng biktima na ikinamatay nito. (NILOU DEL…
Read More2 PATAY SA SALPUKAN NG TANDEM AT KALABAW
PATAY ang dalawang binata na lulan ng motorsiklo makaraang makabanggaan nila ang isang kalabaw na tumatakas mula sa kalaban nito sa Silay City, Negros Occidental. Ayon sa ulat ni PLt. Col. Edison Garcia, hepe ng Silay City Police Station, sakay ang dalawang biktima sa motorsiklo noong Agosto 23, Linggo ng madaling araw. Galing umano sa Bacolod City ang mga biktima patungo sa Barangay Gimbalaon ngunit pagsapit sa bahagi ng Hacienda Santo Rosario sa nasabing Barangay ay nakabanggaan nila ang kalabaw. Kaagad naman silang isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on…
Read MoreRISE COMMITTEE ISINULONG PARA PASIGLAHIN ANG EKONOMIYA
ISINULONG ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pagbuo ng isang special committee sa Senado na maghahanap ng pangmatagalang solusyon sa paghina ng ekonomiya, kabilang ang pagpapasigla ng pamumuhunan at paglikha ng mas maraming de-kalidad na trabaho. Kasama sina Senate President Sherwin Gatchalian at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, naghain si Senate Minority Leader Cayetano ng Proposed Senate Resolution No. 618 noong Agosto 24 upang likhain ang Reinvigorate Investment and Sustainable Economic Growth o RISE Ad Hoc Committee. Inaatasan ang panukalang komite na magrekomenda ng mga bagong batas…
Read More