KUMPIYANSA si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na sapat na ang apat na Articles of Impeachment upang mapatalsik at tuluyang madiskwalipika sa public service si Vice President Sara Duterte. Ayon kay Rep. De Lima, na isa sa mga endorser ng reklamo, pinagsama-sama ang mga kaso sa apat na artikulo upang maging mas malinaw at diretso ang presentasyon ng ebidensya kapag umakyat na ito sa Senado. “Kinondense na lang lahat para mas malinaw… para mas coherent, ‘yung mga similar grounds ay kinonsolidate na lang into one,” paliwanag ni Rep.…
Read MoreAuthor: admin 3
LOAN RELIEF ISINUSULONG NI VILLAR; PINALALAKAS SUPORTA NG SSS AT GSIS
ISINUSULONG ni Sen. Mark Villar ang paglikha ng mas sistematikong loan relief para sa mga manggagawang Pilipino at maliliit na negosyo sa gitna ng epekto ng krisis sa langis. Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 366 at ng panukalang “RELIEF Act” (Senate Bill No. 2032), nananawagan ang senador sa mga government financial institution na magpatupad ng loan moratorium, grace period, at condonation ng penalties upang mabigyan ng “financial breathing room” ang mga apektadong sektor. Sa isang pagdinig, kinilala ni Villar ang mga inisyatiba ng Government Service Insurance System (GSIS) ngunit…
Read MoreIMPEACHMENT VS VP SARA APRUB NA SA HOUSE PANEL
INAPRUBAHAN ng House Committee on Justice ang committee report na nagrerekomenda ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos makakita ng sapat na probable cause. Sa botong 55-0, pinagtibay ang Articles of Impeachment na iaakyat na sa plenaryo ng Kamara para sa deliberasyon at pinal na botohan. Ayon kay Committee Chairperson Gerville Luistro, dumaan sa masusing pagsusuri ang ebidensya kabilang ang findings ng Commission on Audit (COA) at ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Sentro ng reklamo ang umano’y maling paggamit ng confidential funds na nagkakahalaga ng P500 milyon…
Read More‘FULL GOV’T RESPONSE’ INIUTOS SA MAYON ASHFALL
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang full government response para tugunan ang epekto ng ashfall mula sa patuloy na pag-aalburuto ng Mayon Volcano, partikular sa mga bayan ng Guinobatan at Camalig sa Albay. Ayon sa Malacañang, naka-full swing na ang response operations upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko, matiyak ang kaligtasan ng mga residente, at mapanatiling bukas ang mga kalsada at mahahalagang serbisyo. Agad namang kumilos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operations, kabilang ang pag-aalis ng makapal na abo sa mga…
Read MoreSPEAKER DY: TIGILAN NA FAKE NEWS
NANAWAGAN si House Speaker Faustino Dy na itigil na ang pagpapakalat ng “fake news,” na aniya’y hindi nakatutulong sa pagresolba ng mga suliranin ng bansa. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon ng House of Representatives, iginiit ni Speaker Dy na ang maling impormasyon ay nagsisilbing hadlang sa mga konkretong solusyon ng pamahalaan. “Sa mga nagtatanim ng pagdududa sa isip ng taumbayan, nakikiusap kami na itigil ninyo na ang pagpapakalat ng fake news dahil hindi ito nakakatulong sa pagresolba sa mga problema ng ating bayan,” pahayag ni Speaker Dy. Tiniyak…
Read MoreP249.8-M SHABU NAHARANG, BOC PINATIBAY ANG BORDER CONTROL
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA gitna ng lumalalang hamon ng ilegal na droga at patuloy na paggalaw ng kalakalan sa bansa, muling ipinakita ng Bureau of Customs (BOC) ang mahalagang papel nito sa pagpapatibay ng seguridad sa ating mga hangganan—hindi lamang sa pamamagitan ng mga operasyon, kundi pati sa mga repormang pang-sistema. Isa sa pinakamalaking kamakailang tagumpay ay ang pagkakasabat ng P249.83 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa LED spotlights sa isang warehouse sa Pasay. Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, at mahuhusay…
Read More‘VAT’ NAMAN GANYAN?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMING Pilipino ang nangangailangan ng tulong ngayong panahon ng krisis, ngunit konting haplos lang ang ipinadarama ng gobyerno para maibsan ang pasanin nila sa araw-araw. May nagsusulong na suspendihin ang excise tax sa diesel at gasolina, at ang pagpapababa ng VAT mula 12 percent papuntang 10 percent. Magandang hakbang ito na makakapitan ng ordinaryong mamamayan na gulping-gulpi na ng pagtaas ng presyo ng bilihin, kuryente at produktong petrolyo. Mula sa 10 percent ay itinaas ang VAT sa 12% sa ilalim ng Expanded VAT Law (2005) na…
Read MoreMURANG BIGAS NG MARCOS ADMIN, MALAKING TULONG SA MGA TAGA-ALBAY – GOV. NOEL ROSAL
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng patuloy na hamon sa ekonomiya at kalamidad, isang makabuluhang hakbang ang inilunsad sa Malilipot, Albay—ang programang “Benteng Bigas Meron Na.” Isa itong konkretong patunay na ang pamahalaan, kapag kumilos nang may malasakit, ay kayang magbigay ng agarang ginhawa sa mamamayan. Hindi maikakaila na ang pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na ng bigas, ay mabigat na pasanin para sa maraming Pilipino. Kaya ang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo ay hindi lamang simpleng programa—ito ay isang lifeline para sa mga…
Read MoreCAAP: PALIGID NG MAYON, NO-FLY ZONE
NITONG Linggo pinagbawalan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng aircraft na lumipad nang direkta sa ibabaw ng Mayon Volcano sa gitna ng eruptive activity na ipinamamalas nito. Sa inilabas na Notice to Airmen ng CAAP, walang eroplano ang pinapayagang lumipad mula ground level hanggang 11,000 feet mula sa tuktok ng Mayon Volcano, lalo na sa loob ng ipinaiiral na six-kilometer radius danger zone. “This precautionary measure is being enforced due to the potential hazards posed by volcanic ash, airborne particles, and sudden volcanic activity, which…
Read More