P.2-M MARIJUANA NASABAT SA CAVITE

CAVITE – Arestado ang isang hinihinalang tulak at nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang mahigit sa P.2 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Nino”, 33, isang tricycle driver, ng Brgy. Talaba 4, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-11:50 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Bacoor Component City Police Station (CCPS) sa Brgy.…

Read More

DRIVER INATAKE, JEEP BUMANGGA

TAGAYTAY CITY – Hinihinalang inatake sa puso ang isang pampasaherong jeepney driver kaya nabangga nito ang isang sasakyan sa lungsod noong Lunes ng umaga. Naisugod pa sa Mendez Specialist Hospital ang biktimang si alyas “Lito”, 56, ng Brgy. Upli, Alfonso, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Napag-alaman, minamaneho ni alyas “Dante”, 53, ang kanyang sasakyan habang nakasunod naman ang minamanehong pampasaherong jeepney ng biktima at binabagtas ang kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Road, Brgy. Mendez, Crossing West, Tagaytay City patungo sa direksyon ng Manila. Ngunit pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay bigla…

Read More

1K SAKO NG ASUKAL MULA THAILAND NAKUMPISKA NG BOC

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) ang kargamento na naglalaman ng 1,000 sako ng refined sugar na walang karampatang import permits at clearance. Ang mga nakumpiskang asukal ay nagkakahalaga ng P5 milyon na nakumpiska sa Port of Manila. Kasunod ng Pre-Lodgement Control Order na inisyu ni POM District Collector Alexander Gerard E. Alviar, isinailalim sa physical examination ang dalawang 20-foot containers at doon natuklasan ang mga laman nitong asukal. Ikinasa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Sugar Regulatory Administration (SRA), Department of Agriculture (DA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba…

Read More

WPS BLOC SA KAMARA BUBUUIN

MARIING kinondena sa Mababang Kapulungan ang pagbuntot ng dalawang Chinese Coast Guard (CCG) guard vessel sa bark ng Atin Ito Coalition na nagsagawa ng ‘Concert at Sea for Peace’ sa West Philippine Sea (WPS). Kasabay nito, kinumpirma ni Akbayan party-list representative Perci Cendaña na bubuo sila ng tinatawag na West Philippine Sea Bloc sa Kamara sa 20th Congress na naglalayong paigtingin pa ang pagtatanggol sa karapatan ng bansa sa nasabing karagatan. Ayon sa kay Cendaña, nangyari ang pagbuntot ng Chinese Coast Guard na may body number na CCG 3306 at…

Read More

DUTERTE YOUTH KINATAWAN NG MGA ABUSADO

“THEY represent no one but the abusers, warmongers and misogynists we fight against.” Ganito ang paglalarawan ng Gabriela Youth sa Duterte Youth party-list na taliwas sa ipinapalabas umanong sila ay kumakatawan sa mga kabataan sa Mababang Kapulungan bilang isang party-list group sa ika-20 Kongreso. Ginawa ng Gabriela Youth ang pahayag kasabay ng paghahain ng panibagong disqualification case laban sa Duterte Youth kahapon dahil pekeng kinatawan umano ng mga kabataan ang grupo ni Ronald Cardema. Sa anim na taon ng Duterte Youth sa Kongreso, wala umanong ginawa ang mga ito kundi…

Read More

SURVEY SA IMPEACHMENT WA EPEK SA PROSECUTION TEAM

HINDI magpapaapekto ang prosecution team ng Mababang Kapulungan sa survey ng Pulse Asia na nagsasabing singkwenta porsyento sa mga respondent ay hindi sang-ayon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio. Paniniwala ito ni Mamamayang Liberal (ML) party-list representative-elect Leila De Lima na inaasahang makakasama sa 11-kataong prosecution panel matapos siyang imbitahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasama si incoming representative Atty. Jose Manuel Tadeo ‘Chel’ Diokno ng Akbayan party-list, na maging bahagi ng prosekusyon na maglilitis kay Duterte sa impeachment court. “Wala po,” ani De Lima nang…

Read More

LEGARDA NANGUNGUNA SA MULING PAGPAPATIBAY NG 2015 MANILA CALL TO ACTION

Si Senator Loren Legarda ang nagbigay ng keynote address sa DFA Ocean Talk: The 2015 Manila Call to Action, Charting Philippine Ocean-Climate Policy Towards the 2025 UN Ocean Conference (UNOC3) na ginanap noong Martes, 27 Mayo 2025, sa National Museum of Fine Arts, Manila. Inorganisa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasama ang napakahalagang suporta ni Legarda, ginanap ang event sa pakikipagtulungan ng Embassy of France to the Philippines at Micronesia, Intramuros Administration, at Liter of Light. Isang dekada matapos ilunsad ang Manila Call to Action on Climate Change kasama…

Read More

Cyberzone launches Gadget Hunt with Insta360 X5 as Grand Prize

Gamified Facebook campaign gives tech fans a chance to win new gadgets and gear to celebrate the season Cyberzone, the Philippines’ largest chain of tech lifestyle hubs takes adventure to the next level with Cyberzone Gadget Hunt , a social media-driven campaign that invites digital adventurers to take on a series of online challenges for a shot at winning the new Insta360 X5 —a cutting-edge 8K 360° action camera designed for creators, thrill-seekers, and storytellers. “Tech is all about adventure and exploration,” said Mr. Patrick Pacla, Vice President – Operations…

Read More

SM Group Exclusive Job Fair, gaganapin sa May 29 sa SM City Dasmariñas

Naghahanap ka ba ng bagong trabaho at oportunidad? Inaanyayahan ka ng SM Supermalls, kasama ang SM Retail, sa SM Group Exclusive Job Fair na gaganapin ngayong May 29, 2025 (Huwebes) sa Main Event Center, SM City Dasmariñas. Ang mga job seeker ay kumakausap sa isang recruiter sa SM Labor Day Job Fair noong May 1 sa SMX Convention Center Manila. Anumang industriya ang iyong karanasan – fashion apparel, food & beverage, bank, hardware, logistics, o anupaman—mayroong trabaho para sa lahat. Pinag-isa ng natatanging job fair na ito ang mga pinagpipitagang…

Read More