LUMAPIT sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang isang kabataang babae kaugnay ng reklamong rape laban sa isang transport network vehicle service (TNVS) driver. Ayon sa reklamo, inakusahan ng teenager ang driver ng sinakyang TNVS na accredited ng isang transport network company (TNC) ng panggagahasa. Batay sa salaysay ng biktima, naganap umano ang insidente noong Mayo 8, 2026 sa Quezon City. Ayon sa LCSP, sinuspinde lamang umano ng TNC ang driver matapos magsampa ng reklamo ang biktima sa kumpanya. Depensa naman ng driver, hindi umano nangyari ang paratang…
Read MoreAuthor: admin 3
31 KASO NG CYBERBULLYING NAITALA SA QC SCHOOLS
NAITALA ng Quezon City government ang 31 kaso ng cyberbullying sa mga paaralan sa lungsod noong nakalipas na taon. Ayon kay Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, nasa 90 porsyento ng mga naitalang kaso ng student bullying ang nalutas at nabigyan ng kaukulang aksyon ng mga opisyal ng mga paaralan sa lungsod. Sa ginanap na QC Journalist Forum noong Hulyo 14, sinabi ni Medalla na karamihan sa mga kaso ng cyberbullying ay naganap sa mga paaralan at agad namang nabigyan ng kaukulang solusyon ng mga school administrator. “Karamihan sa mga…
Read MorePROSECUTION TEAM TAPOS NA SA ARTICLE IV; MATIBAG HULING TESTIGO
ITINUTURING na halos kumpleto na ng House prosecution panel ang kanilang presentasyon ng ebidensya para sa Article IV o threat charge laban kay Vice President Sara Duterte, kung saan si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang magsisilbing huling testigo na ihaharap sa pagdinig sa Hulyo 21. Ito ay matapos i-withdraw ng prosecution panel ang ilan sa mga dati nilang testigo na itinuring nilang redundant, cumulative, o hindi na kinakailangang iharap pa sa Impeachment Court. Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, kukumpletuhin ni Matibag…
Read MoreSa gitna ng imbestigasyon ng NBI sa 2019 SEA Games INTEGRIDAD NG IMPEACHMENT COURT DAPAT MANATILI – CAYETANO
IGINIIT ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na kailangang mapanatili ang integridad ng impeachment court kasabay ng kanyang pagkuwestiyon sa timing ng pag-anunsyo ng National Bureau of Investigation ng imbestigasyon kaugnay ng 2019 Southeast Asian Games. Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng sinabi ni Senator-Judge Robinhood Padilla na nakapagdududa ang timing ng anunsyo ng NBI, ilang araw matapos kuwestiyunin ni Cayetano ang kahilingan ni NBI Director Melvin Matibag na ilipat sa mas maagang petsa ang kanyang pagtestigo sa impeachment trial dahil sa isang seminar sa ibang bansa. Sinabi ni Cayetano…
Read MoreVIDA PUMIYOK: BAGONG PILIPINAS HINDI RAMDAM
INAMIN ni Department of Justice (DOJ) Secretary Frederick Vida na nananatiling mailap para sa maraming Pilipino ang pangarap na Bagong Pilipinas, lalo na kung ang resulta ng matagumpay na prosekusyon ay nauuwi pa rin sa panibagong sigalot sa mga komunidad. Ito ang naging mensahe ni Vida sa ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Justice at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) nitong Miyerkoles. “We have a successful prosecution pero at the end it resulted to further conflict. So the…
Read MoreBATAYAN NG NBI SA ‘GRAVE THREATS’ SA IMPEACHMENT CASE PINALILINAW NI CAYETANO
HUMINGI ng paglilinaw si Senator-Judge Alan Peter Cayetano sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng naging batayan nito sa pag-uuri sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez bilang grave threats. Sa ikalimang araw ng impeachment trial ni Vice President Duterte, tinanong ni Cayetano si NBI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Regional Director Atty. Jeremy Lotoc, na dating hepe ng Anti-Cybercrime Division ng ahensya at nanguna sa imbestigasyon, hinggil sa mga…
Read MoreLAND CRUISER NA SANGKOT SA HIT & RUN BAKIT MAY STICKER NG HOR?
RAPIDO ni PATRICK TULFO ITINANGGI ni House Secretary General Cheloy Garafil na pagmamay-ari ng isang kongresista ang Toyota Land Cruiser na nasangkot sa isang hit and run accident at minamaneho ng isang 20-anyos sa Ortigas Ave., Mandaluyong City noong madaling araw ng July10, 2026. Ayon kay Garafil, walang anomang record na nagsasabing sasakyan ng kahit sinong miyembro ng Kongreso ang may-ari nito, kawani man o opisyal. Pero ang tanong ay paanong nagkaroon ito ng sticker na dapat ay eksklusibo lamang sa mga miyembro ng Kongreso? Gaano ba kadali makakuha ng…
Read MorePRESYO NG PAG-ANTALA
On The Level ni JUNEX DORONIO HINDI libre ang hustisya—lalo na kung ito’y pinatatagal. Sa kasalukuyang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte, bawat araw ng pagkaantala ay may katumbas na gastos na pinapasan ng taumbayan. Mayroon nang nakalaang hindi bababa sa P26 milyon ang Senado mula sa continuing appropriations sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act upang tustusan ang paglilitis. Ngunit bago pa man pormal na magsimula ang trial, tinatayang P500,000 na agad ang nagastos nang i-transmit ang articles of impeachment. Ang mas malaking tanong: Magkano ang ginagastos habang…
Read MorePAGLILINGKOD NI CONG. SANDRO MARCOS NA MAY BUNGA PARA SA MGA ILOCANO
TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI lamang nasusukat sa dami ng batas na naipapasa ang pagiging mahusay na mambabatas. Mas mahalaga kung paano naipararamdam sa mga tao ang tunay na serbisyo at kung may positibong epekto ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa Unang Distrito ng Ilocos Norte, makikita ang iba’t ibang programang naglalayong mapabuti ang kabuhayan, edukasyon, at kinabukasan ng mamamayan. Ito ang mga serbisyong direktang nakararating sa mga pamilyang higit na nangangailangan. Isa sa mga programang ito ang Sustainable Livelihood Program o SLP ng pamahalaan. Mahigit P1.9 milyon…
Read More