HARASSMENT NG CHINA SA PHIL. NAVY SHIP, INAASAHAN NA – DFA

HINDI umano nababahala ang Department of National Defense sa naganap na panibagong pangha-harass ng China nang dikitan at harangan ng China People’s Liberation Army Navy ships ang nagpapatrolyang Philippine Navy ship sa bisinidad ng Bajo de Masinloc, 11 nautical miles ng Masinloc, Zambales. Hindi na ito naka-aalarma, ayon kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa isang chance interview matapos ang ginanap na Closing Ceremony para sa Balikatan 40-2025 iteration sa Camp Aguinaldo, Quezon City. “I’m not alarmed and I’m not surprised. Sinasabi ko na matagal na pakikibaka ito, pahayag ng…

Read More

P.5-M PABUYA SA JOHNNY DAYANG CASE; SUSPEK TUKOY NA

NAGLAAN ng kalahating milyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan at ang lokal na Pamahalaan ng Kalibo sa kinaroroonan ng suspek sa pamamamril sa beteranong mamamahayag na si Johnny Dayang sa Villa Salvacion, Brgy. Andagao, Kalibo noong Abril, 29 taong kasalukuyan. Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, sinabi ni Aklan Police Provincial Office (APPO) spokesperson Police Captain Audrey, sa backtracking ng Special Investigation Task Group (SITG) ay nakilala na ang suspek. Lahat na posibleng dinaanan ng suspek ay ni-review ng SITG ang CCTV footage hanggang sa nakita ito na hindi…

Read More

4,125 PDLs KWALIPIKADONG BUMOTO SA LUNES

INUTUSAN ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang mga superintendent ng mga piitan at penal farms na tiyakin ang maayos at mapayapang halalan sa Mayo 12. Ayon sa BuCor, 4,125 persons deprived of liberty (PDL) mula sa iba’t ibang piitan ang kwalipikadong bumoto. Kabilang dito ang mga nakakulong sa New Bilibid Prison, Davao Prison, Leyte Regional Prison, at iba pa. Sinabi ni Catapang na noong Disyembre, nagkaroon ng kasunduan ang BuCor, COMELEC, PAO, at BJMP para magpatupad ng inklusibong pagboto para sa mga PDLs sa mga…

Read More

VP SARA PINABABASURA SA DOJ KASO LABAN SA KANYA

NAGSUMITE na ng counter affidavit si Vice President Sara Duterte sa Department of Justice kaugnay ng kasong inciting to Sedition at Grave Threats na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na isinampa ng National Bureau of Investigation. Ito ay matapos sabihin ni VP Duterte na may kinausap na siyang tao para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag pinatay na siya. Ayon kay Paul Lim, isa sa legal counsel ng Pangalawang Pangulo, laman ng counter affidavit ni VP Duterte…

Read More

N. ECIJA ‘KULELAT’ NA PROBINSYA SA REGION 3 β€” DSWD, DTI

BINANSAGANG pinakamahirap na probinsya o ‘poorest of the poor’ sa Gitnang Luzon ang lalawigan ng Nueva Ecija, base sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) at ng Department of Trade and Industry (DTI). Nasa 6.4 milyong indibidwal ang sinuri ng DSWD kung saan 1,548,767 ang na-identify na poorest of the poor sa Gitnang Luzon. Sa bilang na ito, ang Nueva Ecija ay mayroong pinakamahirap na residente na umaabot sa 417,939. Bumagsak ang kalidad ng kabuhayan ng mga Novo Ecijano sa loob ng mahabang pamumuno ni Governor Aurelio…

Read More

SUPORTA NG SAN JOSE, BATANGAS TINIYAK SA FPJ PANDAY BAYANIHAN PL

(FPJ Panday Bayanihan Partylist’s Second Nominee, Mark Patron, Senator Grace Poe, and FPJ Panday Bayanihan Partylist’s First Nominee, Brian Poe) PINATUNAYAN ng mga Batangueno ang mainit nilang pagsuporta sa FPJ Panday Bayanihan Party-list nang dumugin ng mahigit 12,000 tagasuporta ang kanilang Miting de Avance sa FPJ Arena. Bahagi lamang ito ng matinding suporta na tinatanggap ng FPJ Panday Bayanihan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nagpapahiwatig ng mataas na potensyal para sa partylist na makakuha ng higit sa isang upuan sa Kongreso at maghatid ng serbisyo na nakatuon sa…

Read More

MAYORAL BET SA CAVITE INIREKLAMO PANGHIHIMASOK AT PANINIRA SA KANYANG BARANGAY LEADERS

DINAKIP ng mga tanod ang isang barangay leader na pinasok nila sa tahanan nito kung saan ginaganap ang isang pagpupulong sa Tanza, Cavite. Ayon sa reklamo, walang pahintulot na pinasok ng dalawang tanod ang tahanan ng Barangay leader ni Mayoral Candidate Icel Del Rosario Morales bandang alas-5 ng hapon sa Julugan 3, sa nasabing bayan. Inireklamo nila ang mga tanod na sina Raul Bautista at Allan Yolangco. Reklamo ng barangay leader ni Del Rosario, nasa gitna sila ng isang voters’ education at poll watchers’ meetingβ€”isang legal at demokratikong aktibidadβ€”ay pwersahang…

Read More

BUKIDNON VOTES NAKUHA NI CAMILLE

SA karagdagang pagpapalakas ng kanyang base sa Mindanao, nakuha ni Camille Villar ang suporta nina dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Bukidnon Gov. Oneil Roque noong Huwebes. Nagpasalamat si Camille Villar sa Bukidnon sa suporta, na aniya, ay napakahalaga sa pagsapit ng halalan ngayong Lunes. “Daghang salamat Senator Migz Zubiri, Governor Oneil Roque, at sa lahat ng lokal na opisyal ng Bukidnon sa inyong mainit na pagsuporta. Ang inyong malasakit at pagtutulungan sa inyong lalawigan ay isang tunay na inspirasyon para sa akin,” aniya. Sinabi ni Camille na lagi…

Read More

MALABUENOS, BUONG SUPORTA SA ATEACHER; POLL RATINGS TUMAAS

MAINIT na tinanggap ng libu-libong Malabuenos ang Ateacher partylist sa matagumpay na motorcade na isinagawa sa lungsod, isang malinaw na indikasyon na susuportahan ng mga taga-Malabon ang partylist sa May 12 midterm elections. Ang makulay na motorcade, sa pangunguna ng Ateacher nominee na si Virginia Rodriguez, ay umikot sa lungsod at inihayag ang iba’t ibang mga programang idinisenyo upang tulungan ang komunidad, lalo na ang mahihirap. Ang aktibong pakikitungo ni Rodriguez sa mga ordinaryong mamamayan at mga residente ay nagbigay sa partylist ng positibong resulta sa mga survey kung saan…

Read More