PICTURE NI IMEE KASAMA PRIME SUSPECT SA QUE KIDNAP-SLAY KUMAKALAT

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HABANG lumalapit ang araw ng halalan, lumalayo naman ang posibilidad na makapasok si presidential sister Imee Marcos sa Senado. Kung napapansin ninyo, laglag pa rin sa pre-election surveys si Senator Imee kahit sinasabing bilyon-bilyong piso na ang kanyang nagagastos sa kampanya. Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations na isinagawa nitong April 11-15 at kinomisyon ng Stratbase Group, nasa pang-13 at pang-14 pwesto lang si Imee katabla ang comedian at host na si Willie Revillame. May mga nag-aalinlangan din kung makatutulong pa ba sa kandidatura ng…

Read More

IBALIK ANG KAPANGYARIHANG INALIS SA NFA

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KUNG ako ang tatanungin, sang-ayon ako na ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) sa pagbili ng palay mula sa mga magsasaka. Tulad ng sinasabi ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, para matiyak na may murang bigas na mabibili ang mga Pilipino sa mga palengke. Bukod sa murang bigas na mabibili sa mga pamilihan ay malaking tulong din ito sa lokal na mga magsasaka. Ang nangyayari kasi ngayon, ang bumibili ng palay ng mga magsasaka ay traders lang na binabarat ng mga ito. Binabarat…

Read More

BBM LAGPAK SA SURVEY, VP SARA UMAKYAT

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI na nakapagtataka kung bakit bumagsak sa survey si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pinakahuling lumabas na Pulse Asia Research para sa kanilang Marso 2025 Ulat ng Bayan survey. Lumalabas na 17% puntos ang approval rating ni Pangulong Marcos mula sa dating 42% noong Pebrero sa 25% nitong Marso. Ang kanyang disapproval rating ay umakyat naman ng 21 puntos o 53%. Karamihan ng mga Pilipino o 54% ay nagpahayag din ng kanilang kawalan ng tiwala sa Pangulo (Marcos), tumaas mula sa dating 32%. Bumagsak…

Read More

ROQUE KAY IMEE: ‘DRUG USE’ NI BBM IBUKING MO NA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni Atty. Harry Roque si Senator Imee Marcos na aminin sa publiko na gumagamit ng ilegal na droga ang kapatid na si Pres. Ferdinand Marcos Jr. Sa isang Facebook live, naglitanya si Roque at binanggit pa ang naging panayam umano noon sa The Rolling Stones member na si Keith Richards na nagsabing sinuplayan sila ni Marcos Jr. ng kilo-kilong cocaine. Sa social media platform na reddit, pinag-usapan na ng mga netizen ang sinasabing pahayag ni Richards na inilabas umano ng isang magazine. Gayunman, wala umanong…

Read More

POPE FRANCIS PUMANAW NA

SUMAKABILANG BUHAY sa edad na 88 si Pope Francis. Sa Facebook post ng Vatican News, ang Santo Papa ay pumanaw sa kanyang tirahan sa Vatican Casa Santa Marta nitong Lunes, April 21, 2025. Noong Linggo, sakay ng open-air popemobile si Pope Francis ay humarap sa St. Peters Square sa unang pagkakataon mula sa kanyang pagkaka-ospital dahil sa double pneumonia. Sa kanyang pagpapagaling, nilimitahan ng kanyang doktor ang kanyang trabaho kung saan sa Easter Mass, ang kanyang mensahe ay binasa na lamang ng isang aide. Samantala, inaantabayan pa ang pahayag ng…

Read More

Kung patuloy dededmahin taas-sahod – solon RATINGS NI MARCOS LALONG SASADSAD

KAILANGANG sertipikahan na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang P200 legislative wage hike kung nais niyang tumaas ang kanyang approval at trust ratings sa buong bansa. Ito ang iginiit ng grupo ni House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza matapos sumadsad ng 25 porsyento ang approval at trust rating ni Marcos Jr. habang mahigit 50 porsyento na rin umano ang dismayado sa pamamalakad nito sa gobyerno. “This is a sobering signal and a wake-up call that the direction of this administration is falling far short of our people’s expectations,” ayon…

Read More

MOST WANTED SA MURDER SA CAPIZ, NATUNTON SA CAINTA

ARESTADO sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, ang isang 69-anyos na senior citizen na most wanted person sa kasong pagpatay sa Capiz, makaraang matunton sa Cainta, Rizal noong Sabado ng gabi, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang suspek na si Nelson Laurilla, may asawa, ng Mambusao, Capiz sa Western Visayas. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-11:15 ng gabi nang silbihan nina Police Captain Josephus Melpaz, chief ng Operation Section, at Police Lieutenant Meynard…

Read More

BANGKAY ITINAPON SA GITNA NG KALSADA

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung biktima ng salvage ang natagpuang patay sa gitna ng kalsada sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Inilarawan ang biktima na isang lalaking tinatayang may edad na 30-40 anyos, may taas na 5″3″, payat ang pangangatawan at may mga tattoo sa ulo at buong katawan. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang natagpuan ng rumorundang mga barangay tanod ang duguang bangkay ng biktima sa San Marino Phase 5 sa NIA Road, Brgy. Salawag, Dasmariñas City. May mga tama ng bala sa…

Read More

2 NPA NA MANGINGIKIL SA MGA POLITIKO, PATAY SA SAGUPAAN

MASBATE – Dalawang hinihinalang miyembro ng communist New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentro nang makasagupa nila ang nagrespondeng militar sa Barangay Libertad, sa bayan ng Cawayan noong Biyernes Santo, Abril 18, 2025. Ayon sa ulat ng 2nd Infantry Battalion, nasa 12 rebelde ang kanilang nakasagupa na tumagal ng ilang minuto, na ikinasugat din ng isang sundalo. Isa pang rebelde ang naaresto at umaming may balak silang mangikil sa mga lokal na kandidato. Narekober ng mga awtoridad ang dalawang baril, tatlong anti-personnel mines, at mga dokumento ng grupo. (JESSE…

Read More