BILANG miyembro ng Commission on Appointments (CA), binati ni Marikina Congressman Marcy Teodoro si AFP Chief of Staff Gen. Antonio Nafarrete matapos siyang ma-confirm ng makapangyarihang komisyon. Nagbigay rin si Teodoro ng kanyang manifesto sa plenaryo ng Senado bilang suporta sa appointment ni Nafarrete na kabilang sa 37 AFP officers na kinumpirma ng CA. (DANNY BACOLOD) INAPRUBAHAN na ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni AFP Chief of Staff General Antonio Nafarrete bilang four star general. Kasama rin sa inaprubahan ng CA ad interim appointment ng 37…
Read MoreAuthor: admin 3
BOC LUMIKHA NG TOP IMPORTERS OFFICE PARA SA EPISYENTENG KALAKALAN
LUMIKHA ang Bureau of Customs (BOC) ng bagong tanggapan na tinatawag na Top Importers Office (TIO) sa bisa ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 06-2026, bilang bahagi ng mga hakbang para mapalakas ang koleksyon ng Aduana at mapahusay ang daloy ng kalakalan. Opisyal na inilunsad ng BOC, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang TIO bilang mekanismo para sa mas maayos, mabilis at episyenteng pakikipag-ugnayan sa mga pangunahing stakeholder. Binuo ang TIO bilang estratehikong tulay para isulong ang direktang koordinasyon sa pagitan ng mga pangunahing trade partner…
Read MoreFREE DIGITAL LEARNING RESOURCES AT WIFI SA COLLEGE APRUB SA KAMARA
INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 9532 o ang panukalang “Universal Access to Digital Academic Learning Resources Act” na naglalayong tugunan ang hindi pantay na access ng mga estudyante sa learning materials at maaasahang internet connection. Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, sa ilalim ng panukala ay mabibigyan ang mga estudyante sa pampubliko at pribadong higher education institutions (HEIs) ng libreng access sa mga digital textbook at iba pang academic resources, gayundin ng libreng high-speed Wi-Fi sa kanilang mga kampus. “Today,…
Read MoreRESPETO DAPAT HINDI PATAASAN NG BOSES SA COURTROOM— DIOKNO
ANG asal sa loob ng korte ay dapat nakabatay sa respeto, tamang kaugalian at wastong pag-uugali at hindi sa pagiging mabait ng mga naglalabang abogado sa isa’t isa, ayon kay House prosecutor at Akbayan Party-list Representative Chel Diokno. Ginawa ni Diokno ang paglilinaw matapos siyang tanungin tungkol sa kilos ng depensa laban sa prosekusyon kasunod ng panawagan ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte para sa “kindness” sa gitna ng Senate impeachment trial. Matatandaang sa paglilitis noong Huwebes ay kinailangan pang mamagitan ni Presiding Judge at Senator Francis “Chiz”…
Read MoreKASONG GRAVE THREATS PINABABASURA NI VP SARA
KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nito ang kopya ng motion to quash na inihain ni Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng kasong grave threats na isinampa laban sa kanya. Inihayag ito ni Prosecutor General Richard Fadullon sa isang press briefing matapos hilingin ni Duterte na ibasura ang kaso. Ayon kay Fadullon, natanggap ng korte ang mosyon ng depensa nitong Martes at inatasan ang prosekusyon na magsumite ng sagot o komento sa loob ng limang araw. “We are expecting to…
Read MoreCAVITE ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY
ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cavite dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Tropical Cyclones Luis at Maymay. Batay sa Resolution No. 5059-2026 na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite, idineklara ang state of calamity upang mapabilis ang pagbangon at pagtugon sa mga lugar na naapektuhan ng magkakasunod na pag-ulan at pagbaha. Pinahintulutan din si Cavite Governor Francisco Gabriel “Abeng” Remulla na gamitin ang P10 milyon mula sa Quick Response Fund (QRF) ng 2026 Provincial Disaster Risk Reduction and Management Fund (PDRRMF) para sa…
Read MoreUNIFORM ANTI-LITTERING ORDINANCE HIRIT SA METRO MANILA LGUs
HINIKAYAT ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang mga local government unit (LGU) sa buong Metro Manila na magpatupad ng isang uniform anti-littering ordinance upang mapalakas ang mga hakbang laban sa maling pagtatapon ng basura. Ayon kay Santos, kailangan ng Metro Manila ng iisang hanay ng mga panuntunan at parusa laban sa littering upang matiyak ang pare-parehong pagpapatupad at maiwasan ang kalituhan sa mga residente, pasahero at motorista na lumilipat mula sa isang lungsod patungo sa iba. “Metro Manila is one interconnected community. Our policies against littering should also…
Read MoreMyZonic at ₱2,500 per month: Why OGAWA’s MyZonic is the best massage chair for the elderly
MyZonic massage chair empowers seniors to live well every day. Our bodies go through changes as we grow older. Daily habits such as standing, walking, and even sitting can cause pain and discomfort as our bodies lose the strength, flexibility, and mobility they once had. While these are all normal changes, they can make daily life very difficult. Regular chores that we once accomplished with ease become more complicated. Even our sleeping patterns can be drastically affected by these natural changes in our bodies. Benefits of a massage chair for…
Read MorePhp65.6-M ayuda inilaan ng PAGCOR sa typhoon, flood victims
Ibinababa ng mga volunteer ang relief packs na ipinagkaloob ng PAGCOR para sa mga pamilyang naapektuhan ng Tropical Cyclones Luis at Maymay at Habagat. Nagkaloob ang PAGCOR ng paunang Php65.60 milyon na food at non-food assistance para sa mga lugar sa Luzon at Metro Manila na naapektuhan ng Tropical Cyclones Luis at Maymay at ng Habagat. Sa kabuuang 47,192 relief items, 23,596 ay food packs na nagkakahalaga ng Php28.91 milyon at 23,596 naman ang non-food packs na nagkakahalaga ng Php36.69 milyon. Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco,…
Read More