Muling iginiit ng Malacañang na ang liderato ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang kanilang kinikilala. Ito ay kasunod ng usapin sa Senate leadership matapos igiit ng kampo ni Senator Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang kasalukuyang Senate President. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na legal ang naging pagpapalit ng liderato sa Senado. Binanggit ni Castro ang sitwasyon noong 2015 kung saan, sa kabila ng pagkakakulong ng tatlong senador at pagliban ng iba pang miyembro, ay nakapag-convene pa rin…
Read MoreCategory: BALITA
MAS MABIGAT NA PARUSA SA ONLINE CHILD ABUSE, LUSOT SA KAMARA
APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang isang priority measure ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na magpapalakas sa laban ng bansa kontra online child sexual abuse at exploitation, kabilang ang mga bagong banta mula sa artificial intelligence (AI) at iba pang makabagong teknolohiya. Sa botong 284 pabor, ipinasa ng House of Representatives ang House Bill No. 9461 o ang “Child Online Safety and Protection Act of 2026.” Layunin ng panukala na palakasin at palawakin ang Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation…
Read MoreLEGALIDAD NG SENATE LEADERSHIP CHANGE KUKWESTYUNIN SA SC
BALAK magpasaklolo sa Korte Suprema ng political party na Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP) kaugnay ng sinasabing ilegal na palitan ng liderato sa Senado. Ayon kay PDP Deputy Spokesperson Atty. Ferdinand Topacio, hindi sapat ang 12 boto upang legal na makapaghalal o makapagpalit ng Senate President. Aniya, malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na kinakailangan ang mayorya ng lahat ng miyembro ng Senado o hindi bababa sa 13 boto. Nakatakdang kwestiyunin ng PDP sa Korte Suprema ang naging hakbang ng ilang senador na umano’y nagpalit ng liderato ng Senado sa…
Read MorePBBM, SENADOR, KONGRESISTA MULING IDINIIN SA MALETA SCANDAL
INULIT ng 18 dating Marines sa Senado ang mga nauna nilang inilabas na alegasyon kaugnay sa pagdedeliber umano nila ng male-maletang pera sa ilang personalidad mula kay dating Cong Zaldy Co. Sa isinagawang pagdinig ng Cayetano-bloc Blue Ribbon Committee, pinangalanan ng 18 dating Marines sina dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos gayundin sina Senators Vicente Tito Sotto III at Senador Erwin Tulfo. Kasama rin sa mga binanggit na nakatanggap ng maleta sina Congressmen France Castro, Raul Manuel, Arlene Brosas, Leila de Lima, Sandro Marcos, Paulo Ortega, Joseph…
Read MoreWALANG VIP TREATMENT KAY EX-DPWH SEC BONOAN – PNP
Tiniyak ni PNP chief Director General Jose Melencio Nartatez Jr. na walang espesyal o VIP treatment na ibibigay kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan habang nasa kustodiya ng Philippine National Police. Ito ay matapos mailipat si Bonoan sa isang pribadong ospital noong Martes ng gabi mula sa PNP General Hospital. “I have directed the PNP Health Service and the CIDG to maintain full transparency, enforce tight security, and ensure that no special or ‘VIP’ treatment is extended,” ani Nartatez. Si Bonoan ay kabilang sa…
Read MoreMALACAÑANG KAY VP SARA: PAGLILINIS SA MGA NASASANGKOT SA KORUPSYON, NAKAAALARMA
ITINUTURING ng Malacañang na nakaaalarma ang umano’y tangkang paglilinis ni Vice President Sara Duterte sa mga pangalan ng mga indibidwal na nasasangkot sa korapsyon. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ipinakikita umano ng Bise Presidente na biktima lamang ng political persecution ang mga personalidad na nahaharap sa mga kaso. “Nakakaalarma ang mensahe ng Bise Presidente dahil nililinis na niya ang mga sangkot sa korapsyon. Dahil ba sa kaalyado niya ang mga ito? Pinapalabas niya na mga biktima lamang silang lahat ng political persecution,”…
Read More1 PANG PAKETE NG COCAINE, ISINUKO NG MANGINGISDA
MULING nabulabog ang tahimik na isla ng Patnanungan sa lalawigan ng Quezon, matapos anurin ang isa pang pakete ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng mahigit P5.8 milyon. Kusang-loob na isinuko ng 39-anyos na mangingisdang si alyas “Dennis” ang mahigit isang kilo ng puting crystalline substance, sa mga awtoridad. Ayon sa ulat, nangunguha ng alimango si Dennis sa dalampasigan ng Sitio Katmon, Barangay Busdak noong Lunes ng umaga, nang mapansin ang pakete. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpamalas ng katapatan ang mga residente rito. Ito na ang ikatlong beses ngayong…
Read MoreP198K PUSLIT NA YOSI NASABAT NG PNP-MARITIME GROUP
NASA P198,000.00 ang halaga ng pinaniniwalaang smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police – Maritime Group Region 3, kasunod ng isinagawang entrapment operation sa Villa Juana Compound sa Barangay Rizal sa Bataan. Ayon sa ulat na isinumite ng PNP Maritime Group sa punong himpilan ng PNP-PRO 3, walong karton ng “Modern” cigarettes ang nakumpiska mula sa dalawang suspek na kanilang naaresto. Hindi muna pinangalanan ang dalawang suspek na may edad na 32-anyos at 40-anyos na lalaki, dahil sa isinasagawang follow-up operation. Ayon sa ulat, ikinasa ang…
Read MoreBALIGOD, 18 EX-MARINES MULING INIREKLAMO NG PERJURY, CYBERLIBEL SA DOJ
NAGSAMPA ng reklamong perjury at cyberlibel sa Department of Justice (DOJ) si Iloilo City Lone District Rep. Julienne Baronda laban kay Atty. Levi Baligod at 18 dating miyembro ng Philippine Marines. Nag-ugat ang kaso sa pagkakadawit umano ni Baronda sa alegasyon ng pagtanggap ng maleta-maleta umanong pera bilang kickback sa mga proyekto ng pamahalaan, kabilang ang flood control projects. Ayon kay Atty. Jeric Jucaban, abogado ng kongresista, pormal nang inihain ang mga reklamong perjury at cyberlibel laban sa mga respondent. Sinabi naman ni Baronda na posibleng nadamay ang kanyang pangalan…
Read More