SINAMPAHAN na ng kaso ang pitong kadete na sangkot sa hazing sa mahigit 20 kadete sa PNPA noong Abril 3. Kasong paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 ang isinampa sa pitong kadete na kinabibilangan ng limang third class cadet at dalawang second class cadet. Mismong ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naghain ng kaso sa mga suspek sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite. Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng IAS para sa administratibong pananagutan ng mga kadete. Matatandaan, nagkaroon ng mga paso…
Read MoreCategory: BALITA
BATANG BABAE PATAY SA POLICE OPERATION
NAPATAY ang isang 12-anyos na batang babae sa gitna ng isinasagawang law enforcement operation ng pulisya nang nauwi sa ito palitan ng putok sa Barangay Labangal, General Santos City. Ayon sa ulat, isinisilbi ng pulisya ang warrant of arrest sa suspek sa loob ng isang bahay sa Purok Pandian noong Sabado nang bigla umanong magpaputok ang lalaking pakay ng kanilang law enforcement operation. Ayon sa ulat, nagpatuloy umano ang palitan ng putok sa loob ng residential area sa kabila ng panawagan ng mga residente na tumigil na dahil may mga…
Read MoreP340K SHABU NASAMSAM, HVT PATAY SA BUY-BUST
TINATAYANG aabot sa P340,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency na ikinamatay ng isang high value target nang mauwi sa shootout ang isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay Simsiman, Pahamudin, Special Geographic Area (SGA), BARMM. Ayon sa ulat, nagkasa ng anti-illegal drug operation ang PDEA–BARMM katuwang ang local law enforcement units, subalit nauwi ito sa pagkamatay ng kanilang target nang matunugan na binibitag siya ng mga awtoridad. Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office, kasama ang mga tauhan…
Read More6 NASAGIP NG PCG SA TUMAOB NA MOTORBANCA SA OCC MINDORO
NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na pasahero matapos tumaob ang isang motorbanca sa karagatan malapit sa Barangay Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro nitong Abril 22, 2026. Ayon sa PCG, agad nagsagawa ng search and rescue operation ang kanilang mga tauhan at natunton ang tumaob na bangka. Ligtas na nailigtas ang lahat ng pasahero at iniulat na nasa maayos na kalagayan. Nagsagawa rin ang PCG ng towing operations upang hilahin ang motorbanca patungo sa pinakamalapit na dalampasigan. Patuloy na mino-monitor ng PCG search and rescue team ang sitwasyon…
Read MoreOFWs at BOC nagsanib-puwersa KASONG KRIMINAL VS MAPANLINLANG NA FREIGHT FORWARDERS
NAGSANIB-PUWERSA ang overseas Filipino workers at Bureau of Customs para sa mas pinalakas na kasong kriminal laban sa mga mapanlinlang na freight forwarders. Isang hakbang ito para mas mapatibay at mapalakas ang mga kasong kriminal na naunang isinampa laban sa Makati Express Cargo, matapos magsumite ng karagdagang reklamo ang mas maraming apektadong OFWs kaugnay ng parehong isyu. Ang reklamong inihain sa National Bureau of Investigation (NBI) Fraud and Financial Crimes Division, ay para sa large-scale estafa through cyber laban sa Makati Express Cargo. Matapos ang unang mga reklamong inihain, agad…
Read MorePinagkokomento sa loob ng 10-araw PETISYON SA MEDICAL AT DRUG TEST NI PBBM TINUGUNAN NG SC
PINAGKOKOMENTO ng Supreme Court sa loob ng 10 araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Acting Executive Secretary Ralph Recto kaugnay ng petisyong humihiling na isailalim ang Pangulo sa pisikal at mental na pagsusuri, kabilang ang hair follicle drug test. Ayon sa Korte Suprema, inatasan ang mga respondent na magsumite ng komento sa loob ng “non-extendible period of 10 days” mula sa pagtanggap ng abiso, kahit hindi pa nagbibigay ng pinal na aksyon sa petisyon. Hiniling din sa petisyon na isapubliko ang medical report ng Pangulo upang mapatunayan ang kanyang…
Read MoreLocal officials pinuna ‘di patas na pagpabor sa Ignite Power PANAWAGANG PAGBIBITIW NG SOCOTECO II BOARD, LUMALAKAS
NANAWAGAN ng pananagutan ang mga opisyal ng lungsod at mga member consumer-owners (MCOs) sa pamunuan ng South Cotabato II Electric Cooperative, Inc. (SOCOTECO II) sa gitna ng mga alegasyon ng iregularidad sa planong venture agreement nito sa Ignite Power, isang kumpanyang iniuugnay sa bilyonaryong si Enrique Razon. Ayon kay General Santos City Councilor Franklin Gacal, Jr. nitong Miyerkoles, Abril 22, dapat magbitiw ang mga miyembro ng Board of Directors ng SOCOTECO II kung mapatutunayang nilabag nila ang mga legal na proseso sa pag-apruba ng kasunduan. Sa regular na sesyon noong…
Read MoreP6.7-B ‘RED FLAG’ TRANSACTIONS NG MAG-ASAWANG VP SARA AT MANS CARPIO INIULAT NG AMLC
INIULAT ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na umabot sa P6.77 bilyon ang halaga ng “covered” at “suspicious” bank transactions na may kaugnayan kay VP Sara Duterte at sa kanyang asawang si Atty. Manases Carpio mula 2006 hanggang 2025. Sa pagdinig ng House Committee on Justice, sinabi ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura na may mga transaksyong may “red flags” na naitala sa kanilang database. Ayon sa datos, 313 covered at 17 suspicious transactions ang naitala sa accounts ni Duterte, habang 317 covered at 16 suspicious transactions naman kay Carpio. Sa…
Read MorePahayag ng testigo tungkol sa “verbal instruction” ni Cabral tsismis lang — defense lawyer
KINUWESTYON ng kampo ni dating senador Ramon Bong Revilla Jr. ang kredibilidad ng isang mahalagang salaysay ng prosecution witness at iginiit na ang pag-uugnay sa dating senador sa P92.8-M flood control project sa Bulacan ay nakabatay umano sa haka-haka na hindi mapatutunayan. Sentro ng isyu ang pahayag ni Engr. Peter Paul Cortez ng DPWH Planning Service, na nagsabi sa Sandiganbayan Third Division na ipinaalam lamang sa kanya na ang yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral umano ang verbal na nag-utos na isama ang proyekto sa 2025 budget amendments at italaga si…
Read More