JEEP INIIWAS SA BANGIN, BUMANGGA SA PUNO: 4 PATAY, 14 SUGATAN

NAUWI sa trahedya ang masaya sanang family outing nang bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang passenger jeep sa provincial road ng Oriental Mindoro na ikinasawi ng apat katao kabilang ang isang menor de edad, habang 14 naman ang sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Grace Mission Hospital sa Barangay Catiningan, bayan ng Socorro, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Ayon sa ulat, nangyari ang sakuna pasado alas-11:45 ng umaga noong Linggo sa Barangay Fortuna ng nabanggit na bayan. Bigla umanong mawalan ng preno ang jeep…

Read More

P20-M COCAINE NABINGWIT SA KARAGATAN NG PALAWAN

NASA kustodiya na ng Palawan PNP ang tinatayang P20 milyong halaga ng hinihinalang cocaine matapos itong isuko ng dalawang mangingisda na nakabingwit dito habang namamalakaya sa karagatang sakop ng Barangay Taburi sa Rizal municipality. Ayon sa ulat ng Rizal Municipal Police Station, natagpuan ang palutang-lutang na pakete sa dagat noong Linggo sa katimugang bahagi ng Palawan. Nakabalot umano sa itim na plastic ang hinihinalang cocaine na tumitimbang ng dalawang kilo at may tinatayang street value na P20 milyon. Agad itong isinailalim sa kustodiya ng Palawan Police Provincial Office para sa…

Read More

BALIGOD HUMIRIT NG EXTENSION SA DOJ PARA SA COUNTER-AFFIDAVIT

HUMIRIT ng extension si Atty. Levito Baligod sa Department of Justice (DOJ) upang makapagsumite ng counter-affidavit at karagdagang sinumpaang salaysay hanggang Mayo 25. Kinakaharap ni Baligod ang reklamong cyber libel, perjury at unlawful utterances kaugnay ng alegasyon ng mga dating sundalo at Marines hinggil sa umano’y flood control kickbacks na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng gobyerno. Sa ambush interview, sinabi ni Baligod na may pitong testigo umanong nagsabing nakita nila si dating Sen. Leila de Lima habang apat naman ang nagsabing nakita si Fr. Albert Alejo Villanueva na tumanggap umano…

Read More

DND WALANG NAMO-MONITOR NA DESTABILISASYON

TAHASANG sinabi ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro na wala silang namo-monitor na anomang destabilization activities kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. “Sa ngayon, involving active duty members, wala kaming namo-monitor at ‘yun lang naman ang tinututukan namin,” ayon kay Sec. Teodoro. Sinabi rin ng kalihim na nananatiling professional ang hanay ng militar sa gitna ng mga political issues. Nilinaw ni Teodoro na hindi na saklaw ng kanilang kagawaran ang mga retiradong sundalo at malaya na umano ang mga itong magpahayag bilang ordinaryong mamamayan.…

Read More

DA PINAIGTING PAGHAHANDA SA EPEKTO NG EL NIÑO

INIHAYAG ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na pinaigting na ng Department of Agriculture (DA) ang paghahanda para sa mga lokal na magsasaka at mamimili kaugnay ng posibleng matinding epekto ng El Niño na maaaring makaapekto sa ani at suplay ng pagkain. Ayon kay Sec. Tiu Laurel, bagama’t hindi ganap na maiiwasan ang pagkalugi, maaari naman itong mabawasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga pananim na hindi gaanong nangangailangan ng tubig, paggamit ng solar-powered irrigation, low-cost greenhouses at mas maagang iskedyul ng pagtatanim. “Ang mga natutunan natin sa…

Read More

CAYETANO BAGONG SENATE PRESIDENT; SOTTO OUT SA BOTONG 13-9-2

SA botong 13-9-2, nahalal si dating Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President kapalit ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Kabilang sa mga sumuporta kay Cayetano sina dating Senate President Sotto, Senadora Pia Cayetano, Senadora Loren Legarda, Senadora Imee Marcos, Senadora Camille Villar, Senador Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada, Senador Rodante Marcoleta, Senador Robin Padilla, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Senador Mark Villar, Senador Francis “Chiz” Escudero at Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Samantala, nakuha naman ni Sotto ang boto nina Senadora Risa Hontiveros, Senador…

Read More

KAMARA INIMPEACH SI VP SARA SA BOTONG 255

SA isang makasaysayang pagpapakita ng puwersa para sa pananagutan, bumoto ang House of Representatives para i-impeach si Vice President Sara Duterte matapos aprubahan ng 255 mambabatas ang ulat ng House Committee on Justice na nagpapadala ng Articles of Impeachment sa Senado para sa paglilitis. Sa plenary session, inilatag ni House Committee on Justice Chairperson Atty. Gerville Luistro ang mga artikulo ng impeachment at iginiit na ang botohan ay hindi lamang usapin ng numero kundi ng pagtupad sa Saligang Batas. “Kapag may mabibigat na pagdududa tungkol sa paggamit ng pera ng…

Read More

‘PINAS, PARAGUAY HANGAD MAS MALAKAS NA POLITICAL, ECONOMIC TIES

KAPWA nangako sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Paraguayan Pres. Santiago Peña Palacios na palalakasin ang political, economic, at people-to-people ties sa pagitan ng Pilipinas at Paraguay sa isinagawang makasaysayang bilateral meeting sa Maynila. Mainit na tinanggap ni Marcos si Peña sa kauna-unahang State Visit ng isang Paraguayan President sa Pilipinas nitong Lunes, Mayo 11, at inilarawan ang pagpupulong bilang oportunidad para higit pang mapalalim ang bilateral relations at mapalawak ang pagtutulungan ng dalawang bansa. “Our meeting today will help bilateral relations deepen, and we will find ways to enhance…

Read More

SUBPOENA NI “BATO” INIHAIN NA NG PNP

INILABAS na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang subpoena laban kay Senator Ronald dela Rosa kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings noong kasagsagan ng drug war. Tinintahan ni CIDG Director PMGen. Robert Morico II ang memorandum na nagpapatawag kay Dela Rosa upang humarap sa Major Crimes Investigation Unit ng CIDG sa Camp Crame sa Huwebes, Mayo 14, alas-10:00 ng umaga. Layunin ng subpoena na makapagsumite ang senador ng sworn affidavit, mga dokumento at iba pang impormasyon kaugnay ng imbestigasyon. Ayon kay Department of the Interior…

Read More