ITINUTURING ng Malakanyang na isang “diversionary tactic” ang kumalat na ulat na naaresto na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, at iginiit na layunin umano nitong ilihis ang atensyon ng publiko mula sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dapat maging mapanuri ang publiko at tiyaking beripikado ang pinagmumulan ng mga impormasyong kumakalat sa social media. Aniya, ang mga kumakalat na post ay walang sapat na konteksto at mistulang bahagi lamang ng pagtatangkang ilihis ang usapin…
Read MoreCategory: BALITA
PAGLUSAW SA 12% VAT SA SYSTEM LOSS, ITINUTULAK SA KAMARA
INIHAIN sa Kamara ang magkakahiwalay na panukalang batas na naglalayong alisin ang 12% value-added tax (VAT) sa ilang singil sa kuryente, kabilang ang system loss fees at konsumo ng mga residential consumer, upang mabawasan ang gastusin ng mga pamilya. Inihain nina Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo at Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez ang House Bill No. 10602 na naglalayong i-exempt sa 12% VAT ang recoverable distribution system loss charges na kasama sa electric bill. Layunin ng panukala na amyendahan ang Seksyon 109 ng National Internal Revenue Code of 1997…
Read MoreMANGINGISDA KINATAY NG TIYUHIN
DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang mangingisda makaraang pagtatagain ng kanyang tiyuhin sa Sipalay City, Negros Occidental. Kinilala ang biktimang si “Marijoe”, 44-anyos, habang ang suspek ay si “Roger”, 52-anyos, kapwa mangingisda ng Purok Calangcang, Brgy. 4, Sipalay City. Ayon sa ulat ng Sipalay City Police Station, noong Lunes ng hapon, Agosto 3, habang nakaupo sa kanyang pumpboat ang biktima kasama ang kapatid at anak nang dumating ang suspek. Bigla na lamang umanong sinaksak ng tiyuhin ang kanyang pamangkin sa likod at tiyan. Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang…
Read MoreTARGET SA DRUG BUST SA CAVITE MALL NAKATAKAS
NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) PRO3 sa Cavite Land Transportation Office (LTO) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng isang pulang Toyota Innova na sinakyan ng isang target ng buy-bust operation makaraang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba sa parking area ng isang kilalang mall sa Bacoor City, Cavite noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA PRO3 sa pamumuno ni IA I Richard T. Saure, sa parking area ng isang mall ngunit nang mapansin ng…
Read MoreZERO INCIDENT SA PAGSISIMULA NG BARMM ELECTION – PNP
INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na wala pang naitalang election-related violent incidents nang magsimula ang election period noong Hulyo 16 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sinabi ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., 12 ang naaresto na lumabag sa gun ban dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng seguridad. Aniya, mahigpit ang koordinasyon ng PNP sa Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies. Nasa 9,463 mga pulis ang nai-deploy sa BARMM kabilang dito ang mga tauhan mula sa…
Read MoreDOJ WALANG KUMPIRMASYON SA UMANO’Y PAG-ARESTO KAY ‘BATO’
HINDI kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang kumakalat na ulat na naaresto na umano si Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Sa isang biglaang press briefing nitong Martes, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na wala silang natatanggap na impormasyong nagpapatunay sa naturang ulat. “I cannot confirm that information. Wala kaming natatanggap na nangyari ‘yan,” ani Martinez. Nahaharap si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga noong nakaraang administrasyon. Huli siyang nakita sa publiko noong madaling araw…
Read More20 PANG INDIBIDWAL INIIMBESTIGAHAN SA FLOOD CONTROL ANOMALIES SA CEBU
MAGSASAGAWA ang Department of Justice (DOJ) ng masusing imbestigasyon sa 20 indibidwal na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Cebu. Ito ay matapos silang kasuhan sa National Prosecution Service ng DOJ sa pamamagitan ng dalawang magkahiwalay na reklamo kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project. Sa isang biglaang press briefing, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na kabilang sa mga inirereklamo ang mga pribadong indibidwal at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Cebu 3rd District Engineering Office. Kabilang sa mga kasong isinampa…
Read MoreMAGNA CARTA OF BARANGAY HEALTH WORKERS SUSI SA PAGTUGON SA STUNTING – CAYETANO
PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pag-apruba ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Magna Carta of Barangay Health Workers, na aniya’y mahalagang hakbang upang matugunan ang mataas na antas ng stunting o pagkabansot ng mga bata sa bansa. “It’s an honor to see this measure passed today. Marami pang kailangan gawin, pero napakalaking step nito,” ani Cayetano, co-author ng Senate Bill No. 1905, sa plenary session noong Agosto 3. “This bill is a recognition na walang healthy na nation kapag hindi healthy ang mamamayan,”…
Read MoreRESOLUSYON BILANG PAGPUPUGAY KAY EALA, INIHAIN NI SENADOR MARK VILLAR
NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng Senate Resolution No. 564 upang parangalan at batiin si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala matapos nitong masungkit ang kampeonato sa 2026 Mubadala DC Open. Sa naturang tagumpay, naging kauna-unahang Pilipinong propesyonal na tennis player si Eala na nagwagi ng Women’s Tennis Association (WTA) 500 Tour singles title. Kinilala sa resolusyon ang makasaysayang kampanya ni Eala, kung saan tinalo nito ang ilan sa pinakamahusay na manlalaro sa mundo, kabilang sina Olympic champion Zheng Qinwen, defending champion Leylah Fernandez, Elina Svitolina, dating World No.…
Read More