BANGKAY ITINAPON SA GILID NG SEMENTERYO

CAVITE – Isang inaagnas na bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa gilid ng isang sementeryo sa Himlayan Paraiso, Brgy. Sabutan, sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Inilarawan ang biktima na tinatayang 44 hanggang 55-anyos, nakasuot ng stripe na polo at itim na pantalon at naagnas na ang katawan. Ayon sa ulat, naglalakad si alyas “MJ”, isang caretaker, sa gilid ng sementeryo sa nasabing lugar nang maamoy nito ang isang masangsang na bagay at nakita ang isang bangkay na lalaki bandang alas-8:15 ng umaga. Isinailalim na…

Read More

P5.5-M PHIL. CURRENCY NASABAT SA JAPANESE

MAHIGIT P5.5 milyong undeclared Philippine currency ang nasabat mula sa isang Japanese passenger sa Mactan-Cebu International Airport noong Setyembre 21. Paliwanag ng BOC, P50,000 lamang ang pinayagang ibalik sa pasahero alinsunod sa patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas, habang kinumpiska ang sobra at isinailalim sa Warrant of Seizure and Detention. Ayon kay Port of Cebu District Collector Atty. Felipe De Vera, patunay ito ng mahigpit na pagbabantay ng mga frontliner sa mga paliparan. Sinabi naman ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, bahagi ang operasyon ng mas pinaigting na kampanya kontra money…

Read More

CONVENIENCE STORE HINOLDAP NG TANDEM

CAVITE – Natangay ang tinatayang P4,000 cash na kita ng isang kilalang convenience store makaraang pasukin at holdapin ng riding in tandem na nagpanggap na mga customer sa Bacoor City nitong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang mga suspek na kapwa nakasuot ng itim na helmet, itim na jacket, nakasuot ng t-shirt, naka-short at sakay ng isang itim na motorsiklong NMAX V1. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang pumasok ang isa sa mga suspek na nagpanggap na customer sa isang convenience store sa Molino 5, Bacoor…

Read More

MALAKI IBINABA NG KRIMEN SA METRO MANILA – NCRPO

MALAKI ang ibinaba ng kaso ng krimen sa Metro Manila sa loob lamang ng isang buwan, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Batay sa datos ng Comparative Integrated Reporting and Analysis System (CIRAS), bumagsak ang kriminalidad kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Pinakamalaki ang ibinaba sa kasong carnapping ng motor vehicles na pumalo sa 80.95%. Bumaba rin ng 54.78% ang mga kasong rape, 12.96% ang physical injuries, at 5.17% ang carnapping ng motorsiklo. Bukod dito, tumaas din ang Crime Solution Efficiency (CSE) mula 68.57% noong…

Read More

PASAHERO MINOLESTIYA NG HABAL-HABAL DRIVER

ARESTADO ang isang 44-anyos na habal-habal driver makaraang molestiyahin ang 34-anyos niyang pasahero sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Capulong Street, Barangay 105, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Randy”, binata, residente ng Barangay 101, Tondo. Ayon sa ulat nina Police Master Sergeant Romulo Dabban at Police Corporal James De Luna, dakong alas-2:34 ng madaling araw nitong Lunes nang iturn-over ni Police Staff Sergeant Mary Angelie Malicse ng Children and Women’s Protection Desk ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District, ang…

Read More

VIRAL RIDER NA MAY ANGKAS NA BATA, IPINATAWAG NG LTO

BATAY sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mahigpit na ipatupad ang mga panuntunan sa kaligtasan sa kalsada, ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, ang rehistradong may-ari ng motorsiklo na nakita sa viral post sa social media kasama ang dalawang back riders, kabilang ang isang menor de edad. Sinabi ni LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, dismayado siya sa inilarawan niyang pagiging iresponsable ng ilang tao na nakompromiso ang kaligtasan ng tila…

Read More

De Lima sa ICI: KATOTOHANAN SA FLOOD SCAM HUWAG ITAGO SA TAUMBAYAN

“MAHIYA naman tayo sa mga Pilipino. Ninakawan na nga ng trilyon piso, pagkakaitan pa ba sila ng buong katotohanan?” Ito ang banat ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima matapos tumanggi ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na isapubliko ang imbestigasyon nito sa anomalya sa flood control projects. Giit ni De Lima, hindi maiiwasang magduda ang taumbayan sa resulta ng ICI kung itatago nila ang kanilang mga hearing. “Paano natin malalaman kung tumutugma ang mga detalye ng naunang pagdinig sa Kongreso kung hindi nila ilalabas ang proceedings? Paano…

Read More

PNP-ACG GINAGAMIT SA SOCIAL MEDIA SCAM

BINALAAN ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang ang publiko hinggil sa gumagamit ng kanilang social media account. Ito ay kasunod ng paggamit mismo ng pangalan ng Anti-Cybercrime Group para lang makapang-scam. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Yang na mismong mukha pa niya ang ginagamit na litrato sa social media accounts ng mga scammer. Saad ni Yang, apat na social media account ang kanilang mino-monitor na gumagamit sa pangalan ng ACG, na kanilang kakasuhan. May nabiktima na umano ang scammers at nakakuha ng pera sa…

Read More

GARMA, 4 PA IPINAAARESTO SA BARAYUGA MURDER

IPINAAARESTO na ng korte si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma at apat pang iba kaugnay sa pagpatay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga noong Hulyo 2020 sa Mandaluyong City. Kinumpirma ito ni PNP Public Information Office Chief PBGen Randulf Tuaño sa press briefing sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga. Batay sa inilabas na warrant ng Mandaluyong Regional Trial Court, Branch 279, nahaharap si Garma sa kasong murder dahil sa pagkamatay ni Barayuga, at frustrated murder kaugnay ng pamamaril sa driver ng opisyal. Kasama ni…

Read More