NABUKO ng isang Muslim congressman ang katiwalian sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nagkakahalaga ng P100 milyon na idinaan sa local government support funds. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na nagulat na lamang ang may 400 barangay officials sa BARMM nang may pumasok na napakalaking halaga sa kanilang accounts sa Land Bank of the Philippines kahit hindi sila humingi ng pondo. “More than 400 barangay officials of Lanao del Sur woke up with their LBP accounts containing money, ranging…
Read MoreCategory: BALITA
INGAY SA BICAM REPORT BAHAGI NG DESTAB PLOT – PBBM
BAHAGI ng destabilisasyon o i-destabilize ang gobyerno ang hakbang na hamunin ang ‘constitutionality’ ng 2025 General Appropriations Act (GAA) sa Korte Suprema. Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng pagpapasinaya sa Mactan-Cebu International Airport Alternate Runway, inamin ng Chief Executive na “no contingency plan” ang nakahanda sakali’t katigan ng Korte Suprema ang nasabing petisyon. “No, we shut down everything. I guess that’s what they want, they want the government to cease working so ‘yung matuloy yung kanilang mga destabilization na ginagawa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos…
Read MoreROSMAR TAN, UMATRAS NA SA KANYANG PAGTAKBO BILANG KONSEHAL NG MAYNILA
BINAWI na rin ng internet personality at businesswoman na si Rosemarie Tan, kilala sa social media bilang si Rosmar Tan, ang kanyang kandidatura para sa local elections sa Mayo 12, 2025. Nitong Huwebes ay pormal na nag-withdraw si Tan sa mismong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec). Gayunman, hindi tinanggap ng main office ang kanyang statement of withdrawal dahil ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, dapat isumite ni Tan ang kanyang statement of withdrawal kung saan siya naghain ng kanyang certificate of candidacy. Si Tan ay tumatakbo bilang…
Read MoreCA BINALIGTAD DESISYON NG MRTC NA PANSAMANTALANG PALAYAIN ANIM NA AKUSADO SA MISSING SABUNGEROS
NABIGO sa Court of Appeals (CA) ang anim na akusado matapos baligtarin ang kautusan ng mababang korte na payagan silang makapagpiyansa sa kasong abduction at serious illegal detention sa mga nawawalang sabungero noong 2022. Hindi pumayag ang CA na pansamantalang palayain ang anim na respondents. Base sa 18 pahinang desisyon, kinatigan ng CA Third division ang petition for certiorari ng prosekusyon makaraan masilip na nakagawa ng grave abuse of discretion ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40 nang pagkalooban ng piyansa ang mga akusado. Una nang iniutos ng MRTC…
Read MoreMARILAQUE HIGHWAY BANTAY-SARADO NA NG PNP-HPG, LTO
ILALAGAY na sa mahigpit na pagbabantay ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway matapos masawi ang isang motovlogger. Namatay ang motovlogger na si Motopush o John Louie Arguelles sa tunay na pangalan, noong Linggo at pitong iba pa ang sugatan matapos nitong makabanggaan ang isa pang rider na nagkikipagkarerahan habang naka-“Superman” ride o nakadapa sa kanilang motorsiklo. Sa viral video, makikita ang dalawa na nag-uunahan at sa bilis ng arangkada, nawalan sila ng kontrol at nagkabanggan hanggang sa sumalpok…
Read More16-ANYOS NA RIDER, PATAY SA PICK-UP
LUCENA CITY – Patay ang isang 16-anyos na estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo matapos mabundol at magulungan ng isang pick-up sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. Gulang-Gulang sa lungsod noong Martes ng hapon. Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Alberto Ria Sera, residente ng naturang subdivision. Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa subdibisyon nang mabangga ng kasalubong na Ford Ranger Raptor pick-up na minamaneho ni Rogelio Obsequias Alternado, 45-anyos, sa palusong na bahagi ng kalsada dakong alas-4:00 ng hapon. Tumilapon ang binatilyo sa…
Read MoreBABAENG TULOG BINARIL, PATAY
CAVITE – Hindi na nagising ng isang babae makaraang pagbabarilin habang natutulog sa kanyang bahay sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktimang si alyas “Rhea” sa Brgy. Sta. Cristina 2, Dasmariñas City. Natutulog umano sa kanyang loft bed ang biktima nang dumating ang mga suspek na armado ng baril at pinagbabaril ito. Hindi binanggit sa ulat kung paano nakapasok sa bahay ng biktima ang mga suspek. (SIGFRED ADSUARA) 540
Read MoreMINI DRUG LABORATORY NADISKUBRE SA CAVITE
NADISKUBRE ang umano’y mini drug laboratory makaraan ang isang pagsabog sa Tanza, Cavite nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang mangyari ang pagsabog sa isang bahay sa Leon Fojas St., Brgy. Sahud-Ulan, Tanza, Cavite. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Tanza Bureau of Fire Protection (BFP) at Tanza Municipal Police Station, sa lugar kung saan tumambad sa kanila ang iba’t ibang drug paraphernalia at mga kagamitan na pinaniniwalaan ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga. Wala namang naabutang tao sa nasabing bahay matapos ang…
Read MoreBSK TERM EXTENSION NAMUMURO NA
NAMUMURO na ang pagpapalawig sa termino ng mga barangay at sangguniang kabataang (SK) officials dahil inaasahang isasalang na sa Bicameral conference committee ang panukalang ito. Sa susunod na linggo ay nakatakdang pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 11287 na naglalayong ipantay ang termino ng mga Barangay at SK officials sa presidente, bise president at mga senador. Sa bersyon ng Kamara, magiging anim na taon na ang termino ng mga barangay at SK officials mula sa kasalukuyang tatlong taon subalit dalawang termino na lamang ang mga ito…
Read More